Chapter 93: One Day Happiness (Part One)

40.9K 1.1K 259
                                    

SPRING'S POV

"I love you... If loving you can make you happy then I'll continue loving you but if loving you can't make you happy then I'll just be satisfied with this feeling...even if you want me to stop loving you I can't...I don't even know why one day I suddenly realize that I already fell for you..."

"Take a rest. Don't stress yourself and I will expect you to be here at the end of this week...Spring?"

Napabalik ako sa kasalukuyan at doon ko lang napagtanto na kanina pa pala nagsasalita si Uncle Tony pero hindi ko siya nariringgan. Ang diwa ko ay nasa mga salitang narinig ko habang nasa kalagitnaan ako nang pagtulog ko. Hindi ko alam kung nanaginip ako o talagang si Torn iyon.

"Are you even listening to me?"

"Sorry po...I-I'm just thinking of something."

"Is it something or someone?"

Ngumiti si Uncle at marahang pinisil ang balikat ko. "Bilisan mo na riyan at kanina ka pa niya hinihintay..."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Uncle Tony, "Sino po ang tinutukoy ninyo?"

"The man outside...Actually I was the one who told him yesterday your room number. Pumasok siya ng emergency at hinahanap ka sa emergency room...He's your boyfriend?"

Yumuko ako at umiling. Hindi makapaniwalang hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin si Tornado. "Hindi po...W-wala naman po kayong sinabi kung bakit ako nandito hindi ba?"

"Don't worry I didn't say anything else aside from saying that you're just over fatigued."

"Thank you po..."

"Spring, you can't this alone you need them."

Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita pa.

NAPAHINTO ako sa pagsara ng pinto nang makita si Torn na nakaupo at nakapikit habang nakalagay sa tenga niya ang headset niya. Napatagal ang titig ko sa kanya na napapitlag ako nang dumako ang tingin niya sa akin.

He just looks at me with no expression at all. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.

Iniwas ko ang paningin ko sa kanya matapos ay naglakad ako papunta sa kabilang direksyon pero napahinto ako hindi dahil tinawag o pinigilan niya ako.

Pakiramdam ko lang napakasama kong tao kung hindi ko siya lalapitan. Alam kong kailangan kong lumayo sa kanya para mas hindi na lumala ang sitwasyon na kinalalagyan namin pero hindi ko kayang basta na lang umalis nang hindi man lang nagpapasalamat sa pagbabantay niya sa akin kagabi.

Hindi siya umalis at nagtiyagang maghintay sa labas ng kuwarto ko. I felt bad dahil sa tuwing lumalapit siya sa akin wala akong ginagawa kung hindi ipagtabuyan siya.

Without hesitating, I turn around and I saw him walking at the opposite direction.

"Torn..."

Lumingon siya at kahit walang ekspresyon ang kanyang mukha nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Hindi siya nagsalita at para naman akong tanga na nakatingin lang sa kanya habang bubukas-sasara ang bibig ko. I honestly I don't know what to say.

"Do you want me to send you home?"

"Kumain ka na ba?"

Magkasabay naming saad.

"T-There's no need for you to send me home. I-I can manage,"

Here you go again, Spring.

Lumunok ako. "T-Thank you for visiting me and for staying the whole night—"

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now