Rush Hour (OS)

10K 492 116
                                    

Siksikan, digmaan, tulakan, gitgitan, yan ang pinaka-ayaw ko. Ano pa nga bang magagawa ko kung ang pagsakay lang ng tren ang tanging paraan para makapasok ako sa school at makauwi pabalik ng bahay? I used to hate rush hour, hanggang sa nakasabay ko siya.

Si Kian.

"Hi George." bati niya sakin habang nakatayo kami sa platform at inaantay ang tren. Feeling ko couple kaming tingnan, side to side at parehas ang pinapasukan naming school. I hate being called George, Georgina kasi talaga ang tunay kong pangalan. Pero pag nanggagaling sa bibig niya, jusko, kung pwedeng ulit-ulitin niya pa okay lang sa akin. 

"Hi Kian." nahihiya kong bati sa kanya. Hindi kami nag-uusap sa school since taga-ibang section siya. Dito lang kami tuwing umaga nagkakausap. Actually, hindi usap kundi maikling batian lang. Wala naman kasi akong ibang sasabihin sa kanya, nakakahiya saka di kami close.

"Andyan na yung tren." Sumakay kami sa loob ng tren, rush hour kaya siksikan pero sinisugurado ni Kian na mapapadpad kami sa bandang gitna para hindi kami mahirapan pag pumasok yung mga tao sa susunod na station. Kung boyfriend ko siguro siya, protective siya sakin. Haha as if naman.

"Bakla ka ba?" tanong niya dun sa lalaking nakaupo. Anong nasa isip nito ni Kian? "Ha? Ako ba kinakausap mo?" sabi naman nung kuya sa kanya.

"Oo, di mo ba nakikitang may babae? Di na ba uso gentleman ngayon kuya? O sadyang bakla ka lang?" Nung narinig nang mga tao yung sinabi ni Kian ay nagtawanan sila at mukhang napahiya si kuyang nakaupo. Tumayo ito at lumayo mula sa amin.

"Uy Kian, nakakahiya." sabi ko sa kanya. Pero sa loob loob, kinikilig ako. Bihira nalang makahanap ng lalaking ganyan ngayon. Kaya kung sino man maging girlfriend ni Kian, aba siguraduhin niya lang na deserving siya. Kasi kahit ako tanggap ko na na hindi ako deserving kaya di ko sinasabi yung feelings ko sa kanya. Pag sinabi ko, baka mailang lang siya at isiping freak ako. Baka hindi ko na siya makasabay sa pagpasok. Okay na yung ganito. Matutong makuntento.

"Ano ka ba, mas nakakahiya si kuya. Lahat ng nakaupo babae, siya lang ang lalaki. Makapal ang semento sa mukha eh." pagbibiro ni Kian na naging dahilan ng pagtawa ko sa sobrang tahimik na tren. "Sorry po.." bulong ko. Ngumiti naman si Kian at ginulo ang buhok ko. Pinapasakit niya talaga ang dibdib ko, ba't niya kailangan gawin yun? Hays, kung pwede lang pigilan ang pagkahulog sa taong to, ginawa ko na.

Ganito kami pag nagkakasabay, siya nakatayo, ako nakaupo or parehas kaming nakatayo. Ang awkward kaya naman nagbabaon ako ng libro para mabasa. Siya rin minsan may dalang libro. Pero napansin kong nakabaliktad yung librong hawak niya ngayon. "Uhm, Kian..." tawag ko sa kanya.

"Ba..bakit George?" parang nabigla siya sa pagtawag ko. "Ano kasi... baliktad yung libro mo." sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ito at nagulat siya. "Ahh... ehh... pinapag-praktisan ko kasing magbasa ng baliktad." sabi niya habang kinakamot ang ulo niya. Weird, isip ko. I shrugged at di na nagtanong pa.

Pagbaba namin ng tren ay madami din kaming kasabay na estudyante at karamihan dun ay kaibigan ni Kian. Sa sobrang friendly niya nagiging kaibigan niya pati mga seniors. Kaya di na rin ako nagtaka kung bakit siya nakipagkaibigan sakin, natural na kasi sa kanya yun.

Rush Hour (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon