Kolehiyo

757 85 54
                                    

College ka na?! Congrats! Malalaman mo na ang tunay na hirap ng buhay. Masaya ka?! Sa simula lang yan, abangan mo kapag umabot ka sa kalagitnaan. HAHAHAHA. Hindi ako nanakot,hindi din ako nagsisinungaling,kelan ba ako nagsinungaling sa inyo?! Lakas niyo kaya sakin, kaya nga ginawa ko ito para sa inyo.

So, ang ARTICLE kuno na ito ay para sa mga estudyanteng first year palang at pwede na din dun sa mga magcocollege next year,or next next year, basta incoming pasok na kayo.

*EHEM*

What to expect when it comes to College?

Syempre, dahil college stud na ako,ishashare ko na sa inyo ang mga naranasan ko.

Una, PIMPLES and EYEBAGS, partners in crime yan, hindi mawawala ang tandem nilang dalawa. Kadalasan, unang lumalabas ang eyebags,sleepless nights,  puyatan,mahihirap na assignments, requirements na ang bilis ng pasahan. Yung tipong hindi ka makakapikit sa pagtulog dahil kinakabahan ka kung may ipapasa ka ba kinabukasan, yung sa sobrang kaba mo,para kang natatae at pagulong gulong ka na sa kama, yan! Diyan nalabas si EYEBAGS! After one week kapag lumabas na sila at kumapalkapal na, ang susunod na tutubo,si PIMPLES! Parang magic na ang sarap tirisin para mawala! Nakakairita lalo na kapag tumubo na sila.Simula niyan sa noo,  sunod sa ilong tapos sa pisngi hanggang sa matabanunan na mukha mo! Tsk tsk.Saya ng college no?!

Pangalawa, bukod diyan aasahan mo din ang PAPER SHORTAGE, kala mo ba HS lang gumagamit ng yellow pad? Name it, simulan mo  sa 1/8, ¼, ½. Hanggang meron pa yang lengthwise,crosswise,uso yan,lalo na kapag may short quiz at seatwork.  Uso din sa college yung linyada na “Pengeng papel!” mga taong hindi magawang mabuhay kapag wala ka, na may hawak ng papel, isama mo na din diyan ang ballpen, asahan mo nga lang na wala ng balikan yan, lalo na kung G-Tech gamit mo. LOL. So,ikaw mamili, ikaw ang magiging factory ng klase mo or ikaw ay magiging parasitiko tulad ng ibang tao?

Pangatlo, MINORS ALA MAJORS! PUTANG*NA! ito talaga mapapamura ka, yung tipong ang tataas ng major mo sabay pagdating ng minors sila yung nagpapababaan. Yung tipong Art major ka pero may Science at Math. I mean,  shit naman pare, anong connection niyan sa course namin?! Bukod sa panira ng records? Ano pa?! Alam niyo kung ano?! Ang hatiin ang oras natin sa majors,sila yung subjects na akala mo importante, sila yung kung baga mga papapel sa course, pero wag niyo maliitin ang MINORS, dahil kung hindi mo sila pinasa,siguradong BABAGSAK ka.kaya isip isip din, wag lang tayo magpokus sa majors, may minors pa. At laging tandaan, dagdag kaalaman din yan.

Pangapat,USER FRIENDS! Ito! Mga matitigas pa sa bato ang mukha, mga makikigrupo sa’yo tapos magiging pabigat lang. Kaya mahirap maging magaling sa classroom e,  dahil sa’yo nila lahat iaasa,masarap sa pakiramdam na pinagaagawan ka tuwing may groupings pero linsyak sa hirap naman kapag nagttrabaho na,patamaran! Kaya mas magandang maging level, yung tipong may ibubuga ka,pero hindi mo ibubuhos lahat, mahirap kasi kapag naabuso ka. Ikaw rin. Sabi ko nga kanina sa status ko sa FB “Sometimes being dumb and stupid is fun” maganda na yung mangapa ka muna sa ugali ng classmates mo,para kilala mo kung sino  ang dapat pakitunguhan at tsaka ka bumanat ng malupit.

And last but not the least, LONG BREAKS! Sinong nagsabing Masaya yan?! Ilang oras ka ba kumakain at umaabot ng 3 hours ang vacant mo?! ganun ba kalayo ang building para abutin ng 4 na oras na break?! Isa’t kalahating oras nga, sobra na, e ano pa yung umabot ng siyam siyam sa tagal. Kala niyo ba Masaya yan?! Well,saming mga lalaki Masaya,kasi DOTA break yan! Pero diyan nagsisimula yan e, ang temptasyon sa college, ayan yung mapapadpad kayo kung saan saan, sa mall, sa galaan hanggang sa kapag malapit na magtime ang magiging tanong “Papasok  pa ba tayo?!” at syempre, sasagot  ka ng “Ewan,ikaw ba?!” hanggang sa magkasundo na, FRIENDS  FOREVER,  walang iwanan “Kapag hindi ka papasok, hindi na din ako!” Diyan din sa mga vacant na yan, nauuso ang inuman break,yosi break at kung minsan S*x break. Sarap sa college no?!

Guys, malaki na kayo. Hindi na kayo bata para bantayan pa sa lahat ng bagay. Ang pagkakamali sa college mahirap itama, kaya kung ako sa inyo, iwas iwas din. Kung gusto niyo grumaduate at magpayaman, galingan niyo. Malayong malayo ang college sa HS, kung sa HS puro pababy kayo, sa college Malabo yan. Kanya kanya sa college,kaya kung ako sa inyo,nasa tamang diskarte at pamamaraan lang yan.

Hindi ako nagmamarunong o nagmamagaling,I’m just only giving my insights about college. Lalong hindi ako nananakot, I made this para naman maprepare niyo ang sarili niyo. Kaya loosen up! Kaya niyo yan!

Goodluck sa FIRST DAY! (^^,)

 *********************************************************************************

A/N: Salamat sa pagbasa! :)))))) 

Article(s) 'kuno'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon