Dealing with Girls Behavior

725 57 50
                                    

Muli ako’y nagbabalik at magmamarunong muli! HAHAHAHA

Ang redundant lang ng MULI ko, anyways, tungkol saan naman tong gagawin ko?? Well, guys, please do read the title, siguro naman gets niyo na? o kailangan i-explain ko pa sa inyo? Wag na, sayang lang sa space at mahirap magtype. LOL

So, saan na nga ba tayo?? I started this Article ‘kuno’ of mine, when someone ask me, “pwede ka gumawa ng article about girls behavior, kung paano ang reaction niyong mga lalaki?”

“WOAH!” yan talaga reaction ko! Honestly speaking, ang hirap kaya nun. First thing, we guys have our own way in coping with girls, kanya kanya kami. Second, masiyadong maselan tong topic na to. Maselan in the sense that na hindi bastos aa, I mean, masiyadong malawak and baka mamisinterpret ito ng mga babae.

KAYA GIRLS!!! Pabasa yung nasa baba nito!

PAUNAWA/BABALA/PAALALA: Ang nilalaman ng kontekstong ito ay pawang produkto lamang ng aking malikhaing pagiisip, ito ay base sa aking obserbasyon at walang pawang konkretong basehan. Ang mga salitang aking ginamit ay ginawa lamang upang makapagdulot ng exaggeration sa mga mambabasa. Hindi ko layunin na makainsulto, sana’y inyong maintindihan at buksan ang inyong isipan sa aking nais iparating. SALAMAT! (Tagalog po yan, para maintindihan niyo talaga, kung may English speaking sa inyo, try GOOGLE TRANSLATOR, but I guess, hindi siya maging effective, word by word kasi yung pagtranslate dun.HAHAHAHA)

Ang haba na ng introduction ko at ng chechebureche ng buhay ko!

So, to start it up! Let’s start with Girls PMS-ing and Mood Swings!

I know girls suffering every month, dysmenorrhea and that’s girl thingy! Hindi ko na ieexplain kung ano man yun, but HELL, once girls suffer, we guys suffers too! Nadadamay din kami! Kapag nangyari kasi yan, mainit ang ulo, kakapirasong pasensya at ang mood swings, san ka pa! HAHAHAHAHA

WORLD WAR III, IV, V, VI, VII, VIII, IX, X to INFINITY AND BEYOND!

 I know this because I belong to a mixed barkada, may babae at may lalaki, and ang hirap magcope kapag nangyayari yang mga araw nayan, yung tipong nagjojoke ka tapos ang sagot lang nila sa’yo “oh tapos?” GRRRRRRR! Sarap lang manapak! HAHAHA. Joke, pero syempre, hindi naman namin alam kung may RED ALERT na nakadeclare, kaya hindi namin alam kung kelan kami kailangan magbehave at para maiwasan naming maging sakit sa mata ng mga girls. Wala na naman kami magagawa e, kasi cycle talaga yan, kung baga nakatadhana na mangyayari yan, kaya tatahimik nalang kami at hindi na namin kayo sasagupain! Dahil baka maghalo ang balat sa tinalupan!

Or one way guys, MARKED your CALENDAR! Siguro naman, maoobserve niyo kung kalian sila badtrip, yung tipong wala naman dahilan para mabadtrip. Pero kung nagmukhang X-O-X yung kalendaryo niyo dahil sa lagiang pagkabadtrip, sabihan niyo na yung barkada niyo na kailangan na niya ng ANGER MANAGAMENT!

Aside from that, some girls are known for being DAYDREAMER!

Hey daydreamer! *korni ko*HAHAHAHA

Hmmmmm… ano nga ba! Guys, sino ba nakaranas sa inyo yung ganito yung sinasabi ng babae “OHMYGHAAAAAAAAD! NAKITA KO CRUSH KO!” “shocccccks! Kinausap niya ako!” o kaya yung ganito “ang gwapo nun, bakit kasi walang gwapo sa barkada natin” tsk. Oh diba, bukod sa nakakabingi na sila kaka”KYAAAAAAAAAAA~~” at parang nangingisay kapag kinikilig, sila pa may ganang magtanong at magsabi na walang gwapo sa barkada niyo.

But the best thing is sabihin na “sus! Gwapo ba yan! E mas gwapo pa ako diyan e!” ENNNKKK! Gulo yan, syempre, yang mga diehard fan handang pumatay para lang sa crushes nila, kaya magkakagulo lang kayo, the best way?? Magsoundtrip! Ilagay niyo nalang yung mga earphones and headset niyo, dahil  for sure, sasakit din lalamunan niyan kakatili!HAHAHAHAHA

SOME girls are born to be a NAGGER and TALKER! LOL

Yung tipong “YADAH…YADAH…YADAH!” parang dispatcher lang ng jeep na paalis o kaya pwede rin yung nagtitinda sa palengke. PEACE!

Pero meron talagang ganyan, hindi na maiiwasan yan e. kasi ewan, malay ko, babae ba ako?!HAHAHAHA

Pero ang ginagawa lang naman naming diyang mga lalaki, makikinig kahit nakakabingi, pasok sa isang tenga, labas naman dun sa kabila. Ganyan lang talaga ang buhay, ayaw na naming makipaglaban ng RAP sa mga girls, kasi for sure talo kami!

Aside from that, SOME girls are CONCLUSIONIST at natural born DETECTIVE!

LOL. Diyan papasok ang pinakagamit na linya ng mga babae “Girls Instinct!”

WOAH! Marinig mo palang, nakakatakot na, mga babaeng manghuhula. Sila yung tipong ganito oh “naku Sis! Hindi nagtetext, baka may babae ng iba yan” “naku! Hindi nagpaparamdam! Patay na!” “hiwalayan nayan!” “lahat ng lalaki, manloloko! Kaya manloloko din yang boyfriend mo”

Honestly speaking, nakakatulong yan! Sobrang laki ng tulong *sarcasm* hindi ba pwedeng wala kaming load, busy or may ginagawa lang, kailangan, babae agad at break agad ang payo?tsk. nakakainit ng ulo, pero ano naman magagawa namin, hindi naman namin kayo kayang awayin!HAHAHAHAHA. weak e!

Hindi man maasahan pero merong girls out there na HOT and SEXY!

Sila yung tipong mahilig magundergo ng SEDUCTIVITY at Master sa larangan ng FLIRTILITY!

At ang reaction namin! PRICELESS

(^^) (^^,) (*.*)(*O*) --------------(-.-) (--,)(,--) (__)

Our reaction depends sa mood naming that day! Kung nasa good mood, edi ayos, we can play with girls, pero kung hindi, wag ka na umasa! Baka makatanggap kapa samin ng supalpal na malupit! Tsk. Ganyan naman e, natutukso kami kapag may tuksong lumalapit.HAHAHAHA. (hugas kamay lang sa mga lalaki)

Pero after this reason, napansin niyo ba yung similarities ng mga reaction ng guys?! Well, for sure HINDI! Kasi alam ko, mainit na ulo niyo at gusto niyo na akong patayin,pero hindi niyo ba pansin, wala kaming ginagawa, NR kami, hindi naming kayo pinapatulan!

Dahil kahit pagbalibaligtarin niyo ang mundo, babae pa din kayo and we guys respect you so much! Kayo ang weakness naming, kaya kung sasaktan at babastusin naming kayo, parang piñata na rin naming saruili naming.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Well, this ARTICLE is not APLICCABLE for everyone, sa mga babae, alam ko may maasar diyan or may something na masasabi, pero hindi maalis na meron talagang ganitong mga babae hindi ko kayo nilahat, kaya nga ginamit ko yung word na SOME dahil alam ko na hindi lahat ng babae, parepareho. And at the same time, hindi rin to applicable sa lahat ng lalaki,  kasi merong lalaki na napatol sa mga babae, pero karamihan samin, ATA? Ganyan ang reaction. Well, ewan. Bahala na si batman!

Sa lahat ng nakabasa na babae at lalaki! MAGCOMMENT kayo, para malaman ko kung tama ba sinabi ko!

READY ako sa mga violent reaction! Handa akong idelete tong post ko, kung may mali man , or may something na sa tingin niyo, panget!HAHAHAHAHA

MULI: akoy’s hindi naghahanap ng away! Sumasagot lamang at ito’y produkto lamang ng aking utak. Sa mga tinamaan at nasaktan, sorry nalang sa inyo!

ENJOY sana kayo! MABUHAY!LOL

Before I forgot! VOTE. LIKE. And BE a FAN is a MUST!HAHAHAHAHAHA

© mrpredictable

Article(s) 'kuno'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon