Chapter 1

11.3K 240 17
                                    

Hannah POV

Flashback

"Okay ka lang ba mahal?" Napalingon ako kay alvin ng magsalita siya. Tumango ako bilang sagot.


Narinig ko pa ang buntong-hininga niya.
"I'm sorry hannah kung hindi ko maibigay sayo ang engrandeng kasal na pangarap mo"


Ngumiti ako sa kanya para hindi niya na sisihin ang sarili niya.

"Alvin, kahit hindi engrande ang kasal natin basta ang mahalaga maikasal ako sayo" Kiniss ko siya sa lips.

"I'm sorry asawa ko" paghingi niya ng sorry.

"Ano ka ba alvin kahit hindi mo maibigay sakin ang kasal na pangarap ko at ang hindi pagsipot ng magulang mo sa kasal natin okay lang naman sakin. Alam ko naman ang rason kung bakit."
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. ngumiti ako sa kanya ng mawala ang lungkot na nararamdaman.

"Darating din ang araw mahal matatanggap din nila na ikaw ay para sakin." Tumango ako sa kanya habang hindi inaalis ang ngiti.

Kinasal kami ni Alvin sa huwes. Simple lang ang kasal dahil 'yun ang magpapatunay sa mga magulang niya na mahal namin ang isa't isa.

Inimbitahan namin sila ang kaso hindi sila sumipot. Pinapamukha nila sakin na hindi nila ako gusto para kay alvin. Mahal ko ang anak nila kahit na hindi nila ako tanggap para sa anak nila.
Ipaglalaban ko si alvin dahil mahal na mahal ko si alvin. Kahit pa mismong magulang niya pa ang kalabanin ko wag lang siya mawala sakin.

Bumili ng bagong bahay si alvin para sa pamilyang bubuohin namin. Kahit maraming hadlang sa pagmamahalan namin. Nagawa pa naming makaabot sa ganito sitwasyon. Ako na ang asawa niya at siya lang ang lalaking mamahalin ko hanggang sa mamatay ako.

Naging masaya ang tatlong taon na kasama ko siya. Hindi naman tinakwil si alvin ng magulang niya. Pagkatapos naming makasal. Pag nawala ang nag-iisang anak nila wala ng aasahan pa na mag-mamana ng lahat ng pinaghirapan nila kung pababayan nila si alvin. Pumapasok si alvin sa kumpanya ng dad niya habang hinihintay ko siya dito sa bahay. Ginagawa ko ang tungkulin ko bilang asawa ni Alvin.

Masaya na malungkot dala na rin na pag tuwing may okasyon sa pamilya nila hindi niya ako pwedeng isama baka magkagulo lang. Naiintindihan ko naman iyon pero hindi ko maiwasang hindi masaktan.

Kung magkakaanak kami ni Alvin sana matanggap nila. Napahawak ako sa tyan ko. Sana magkababy na kami para mas lalong maging masaya ang bahay namin ng asawa ko.

"Mahal, gusto ko sanang ipaalam sayo na kailangan kong magpunta sa US para sa bagong kumpanya na itatayo ni dad. kailangan ako ang mag-asikaso." Tumango ako sa kanya at tumabi ng higa. Nakauwi rin kami ng ligtas sa bahay ng asawa ko. kakatapos lang namin maghalf bath at handa na sa pagtulog.

"Hanggang kailan ka naman doon?" Malungkot na tanong ko. Niyakap ko ng mahigpit si alvin at gumanti din siya ng yakap.

"Two months lang mahal. Pagkatapos ng dalawang buwan babalik din ako at si dad naman ang pupunta ng US." Sagot niya.

"Mahal, mag-iingat ka doon ha? Wag kang titingin sa iba." Maisip ko palang na aalis siya nalulungkot na ako. Kahit ayokong pumayag kailangan dahil baka kung anong sabihin sakin ng magulang ni alvin kung hindi ko siya papayagang magpunta sa US.

Baka lalo silang magalit sakin. Ayoko namang dagdagan pa ang galit nila.

"Wag kang mag-alala mahal ikaw lang at wala ng iba." Naramdaman ko ang mainit na labi ni alvin sa noo ko.

"Ma mimiss kita. I love you.."

"Ma mimiss din kita misis ko. I love you too." Sagot ng asawa ko.

Nakaalis na si alvin sa pinas pagkalipas ng apat na araw. Tumatawag naman siya sakin para kamustahin ako. Wala akong magawa dito sa bahay kundi ang hintayin siya. Wala akong trabaho dahil hindi ako pinayagan ni Alvin. Wala akong magulang dahil ulila na ako. Bata palang sa bahay ampunan na ako lumaki. Kaya isa 'yun sa dahilan kung bakit ayaw nila ako para sa anak nila dahil wala akong magulang at mahirap lang ako. Isa lang ang kaibigan ko. Si sarah pero nasa canada siya. Nagmigrate Kasama ang buong pamilya nila.

Nagpakawala ako ng buntong hininga.
One month to three months walang alvin ang bumalik. Okay pa naman ang kumunikasyon naming dalawa ng mag-one month na siya sa US pero naputol na iyon ng mag two months na siya doon. Kinakabahan ako, Ano na kayang nangyare sa asawa ko?

Pinuntahan ko ang mga kaibigan niya na madalas n'yang makausap. Tinanong ko sila kung nakakausap nila si alvin. Nasabi nila na Oo. Ang pinagtataka ko bakit hindi man lang niya ako tawagan para kamustahin man lang dito.

Gabi-gabi lagi akong umiiyak. Namimiss ko na ang asawa ko pero anong magagawa ko kung wala siya dito. Hindi ko alam kung saan siya sa US nakatira.
Ang tanging nasa isip ko lang ang hintayin siya gayung malapit na ang pag-uwi niya pinanghahawakan ko ang pangako n'yang babalik siya para sakin.

Three months hinihintay ko pa rin ang pagdating ng asawa ko pero wala pa rin. 
Naputol ang pag-iisip ko ng may nagdoor bell. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang kaibigan ni pauline.


Ibinigay niya sakin ang envelope at walang salitang umalis din agad. Kanina pa ako umiiyak. Ayokong buksan ang laman dahil masasaktan lang ako sa posibleng nakalagay sa loob niyon.. sa huli nagdisisyon akong buksan para malaman ang nasa loob.

Engagement party para sa asawa ko at kay pauline. Kilala ko si pauline masasabi kong mas angat siya sa akin dahil bukod sa maganda siya. Galing pa sa kilalang pamilya. Siya ang laging bukang bibig ng magulang ni alvin dahil si Pauline ang gusto nila sa nag-iisa nilang anak.

Umiling ako, hindi magagawa sakin ni Alvin na lokohin ako. Mahal niya ako kaya hindi ako maniniwala na magpapakasal siya sa iba.

Nagpunta ako sa adress na nakalagay sa invitation. Nanginginig ang magkabilang kamay ko. Mansion ito ng magulang ni alvin..

End of flashback

XENA POV
Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip, masamang panaginip na laging nagpapagising sa akin tuwing madaling araw. Limang taon ko na ito napapanaginipan. Sino ba sila? mag-asawa na sobrang mahal ang isa't - isa pero hindi naglaon niloko ng lalaki ang asawa niya habang nakita ko sa panaginip na naghihingalo mula sa pagkakasagasa ang babae matapos malaman nito ang totoo.

Napahawak ako sa ulo ko na sumasakit na naman. Napasigaw ako sa frustration na nararamdaman ko. Napahawak ako sa pisngi na may luha na palang tumulo. Ganito lagi pag nagigising ako. Lagi akong umiiyak. Hindi ko alam ang rason kung bakit.

Siguro dahil ramdam ko ang sakit ng babae habang nakikita niya ang asawa na iba na ang mahal nito. Ang tanging nakikita ko lang ang imahe ng dalawang mag-asawa. hindi ko makita ang buong mukha nila. Nabobosesan ko ang babae na ako pero imposible namang ako iyon dahil wala akong asawa. Wala akong kilalang alvin. Nahiga akong muli at pinilit na matulog.

Hindi mawala sa isip ko ang napapanaginipan ko. Kawawang babae, niloko at sinaktan ng taong mahal niya.


The MistressWhere stories live. Discover now