Chapter Fourteen

538 17 3
                                    

Palipat lipat lang ng tingin si Jia sa dalawang babae.

Bea: “Pero ako na ang sumasagot…Dahil kung gusto niyang makipag sayaw, tinanggap na niya agad ang kamay mo.” Seryoso ang boses nito.

Ria: “Bakit…ba nakikialam ka?...... Sa nakikita ko naman hindi mo sya date…at hindi mo naman siya maiisayaw.” Tiningnan naman nito ang babaeng naka gown.

Nakita naman ni Jia ang paniningkit ng mata ni Bea kaya tumayo na ito para pumagitna sa dalawa.

Jia: “Ah…pwede wag na kayong magtalo….” Tumingin si Jia sa paligid, may mga ilan tao kasi na nakatingin na sa dalawa. “ Sorry huh…!” nakaharap ito kay Ria. “ Medyo masakit kasi ang paa ko kaya hindi ako natayo As you see kanina nakaupo lang ako.” Pagdadahilan nito..

Bea: “See…So don’t bother her na Ms.Meneses.” tinaasan pa ito ng kilay.

Ria: “I hope some other time Julia.” Ngumiti naman ito kay Jia bago umalis.

Deanna: “Bei ano yun?” lumapit ito sa kaibigan.

Tumingin muna si Bea kay Jia na halatang nagtataka sa ginawa ng isa.

Bea : “Wala..Trip ko lang.” tumalikod na ito. Naglakad na nga ang dalawa ni Deanna pabalik sa table ng mga ito.

Jules: “Anong eksena yung kanina?” tanong nito sa dalwang kaibigang tulala. “Ji……Pongs..” nag pout pa ito.

Para namang de remote ang dalawa dahil sabay na sabay ang mga itong umupo.

Pauline: “So..siya pala..” naalala pa nito kung paano nilagay ni Maddie ang jacket nito nung gabing yun. Speaking of jacket na kay Pauline pa rin nga pala yun. Napangiti naman ito ng maalala ang sinabi ni Deanna na si Maddie pa talaga ang unang sumuntok sa mga lalakeng yun. “Those hands nakayang sumuntok.” Nakagat naman nito ang labi.

Jules: “Psst…anong sinasabi mo diko gets?” nakakunot noong tanong nito.

Jia: “Trip lang niya..” sabay buntong hininga.

Jules: “Trip?” nagtataka parin itong tumingin kay Jia. “Hindi ko kayo maintindihang dalawa!!!” she sighed at sumandal sa upuan. “Asan na ba si Niknik.”

Hindi maintindihan ni Nicky kung ano ang nararamdam ,kung ano ba ang ginagawa basta ang sigurado lang hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng kasama ni Michelle.

Sinundan lang ni Nicky si Michelle. Lumabas kasi si Michelle sa venue. Nakita nitong pumasok ito sa comfort room, nanatili lang si Nicky sa may entrance ng Hallway.

Napahinto naman si Michelle ng makita si Nicky sa hallway. Pero sandali lang yun dahil lumakad ulit ito at umarte na hindi nito nakikita ang isa. Pero parang tumigil naman ang pagtibok nag puso ni Michelle ng makitang nakakatitig sa kanya si Nicky. Kaya naman nag iwas na lang ito ng tingin at mas binilisan ang paglalakad.

Nicky: “Michelle.” May diin ang banggit nito sa pangalan ng isa. Nabigla man si Michelle ay hindi pa rin nito tiningnan ang tumawag.

Nicky: “Michelle Kathereen.” Sabay hila nito sa babae kaya naman napaharap dito ang isa.

Michelle: “Ano ba..Ni……Garcia bitawan mo nga ako.” Pinilit naman nitong binabawi ang kamay pero hindi ito binitawan ni Nicky.

Nicky: “ Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” galit na tanong nito.

Michelle: “Ikaw..anong ginagawa mo?” may inis sa boses nito.

Nicky: “Kinakausap ka…para itigil mo na yang mga ginagawa mo.”

FlowersVSFlowers Enigmatic Love (JiBea.JulDeann.PauDdie.NiChelle FanFiction)Where stories live. Discover now