Chapter Eleven

603 15 3
                                    


Bea: “Ui…pumasok kana kasi” nakatago kasi ang mga ito sa  malaking vase sa may hallway.

Deanna: “Wag ka ngang maingay diyan!!!” bulong nito.

Napatingin naman sa sa dalawa ng mga dumadaan at nag bubulungan pa. Pano ba naman parang goons ang dalawa. Nakashades at nakasuot pa ng hooddie.

Bea: “Sinasabi ko sayo Deanna… Pag nakilala ako dito….NAKAKAHIYA” nagkamot pa ito ng ulo.

Deanna: “Alam mo… kung bakit tayo mahuhuli…. Dahil diyan sa kadaldalan mo.” Saad nito sa kaibigang nasa unahan.

Siniko naman ito ni Bea.

Bea: “Bakit ba hindi ka pa pumasok huh?....kanina pa kaya tayo dito?” sumimangot ito.

Deanna: “Eh.. kasi may tao pa sa kwarto… “sagot nito.

Bea: “So hihintayin pa natin na umalis ang mga tao diyan?” napalaki pa ang mata nito pero hindi naman kita dahil nga sa suot nitong shades.

Deanna: “Bea… ano ka ba”? sabay palo sa balikat. “ Ang ingay mo.” Saway nito.

Bea: “Masakit huh!!” reklamo nito.

Deanna: “Sorry naman ang ingay mo kasi…..” tumingin ulit ito sa hospital room ng mga kaibigan ni Nicky.

Bea: “Sino ba kasi ang dadalawin mo diyan huh?” tanong nito.

Deanna: “Basta” mabilis na sagot nito.

Bea: “Basta?... yun na ba ang sagot sa sino ngayon?” tinaas pa ang kilay.

Deanna: “Eh…… ikaw bakit ka sumama sa akin?” ganting tanong nito.

Bea: “Basta din” sabay tingin ulit sa kwarto.

Deanna: “Sus…Bakit nga?” pangungulit nito.

Bea: “Bakit ako hindi pwedeng sumagot ng basta…. Tapos ikaw pwede?” naiinis na tanong nito.

Deanna: “Kasi kilala kita….hindi ka naman basta lang pupunta dito… kahit pilitin pa kita…eh kanina nung sinabi ko sayo….mas excited kapa sa akin.” Bulong nito.

Bea: “Hindi… noh…sinusoportahan lang talaga kita….kahit hindi ko alam kung sino ba talaga ang pinuntan natin dito..” dipensa nito.

Paging the guardian of room 408… please proceed to the orthopedic section” inulit pa ang announcement.

Lumabas naman si Pongay at Jia ng kwarto.

Kaya naman mas tumago pa ang dalawa sa malaking Vase.

Pongay: “Ako na ang pupunta Ji…ikaw na lang ang bumili ng pagkain.” Saad nito kay Jia.

Jia: “Oo sige, tulog naman si Jules eh” ngumiti namam ito at naglakad na patungo sa may direksyon nina Bea.

Tumingin pa si Pongay sa loob ng kwarto bago isara ang pinto.

Bea: “Okey na pala siya” bulong nito habang nakasunod ang mga mata sa babaeng lumampas.

Deanna: “Sinong okey?” maand na tanong nito.

Bea: “Sige na pumasok kana.” Humarap ito kay Deanna.

Deanna: “Eh..baka nandun pa si Garcia?”

Bea: “Baliw.. nakita ko kanina yun sa Unversity wala yun diyan.” Nakasimangot pa ito.

FlowersVSFlowers Enigmatic Love (JiBea.JulDeann.PauDdie.NiChelle FanFiction)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα