The Payong Guy

124 5 5
  • Dedicated kay Cresel Lawas
                                    

The Payong Guy

© missmatchXD

***

Una ko siyang nakita habang bumubuhos ng malakas ang ulan.

Naglalakad siya nun sa may gitna ng daan, mahigpit na hawak-hawak ang payong niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita kong may nilapitan siya sa pathwalk sa tapat nung kinatatayuan ko.


ISANG BABAE.

MATANGKAD.

MAGANDA.

MAAMO YUNG MUKHA.

AT NAGTATAGLAY NG ISANG NGITING DINAIG PA ANG SILAW NG STREETLAMP SA MAY KANTO.

Inakbayan nya ito. At magkasama silang lumusong sa baha sa ilalim ng payong niya.

At dun ko siya unang napansin.

Sa tuwing umuulan o di kaya ay sobrang init naman, palagi silang magkasamang dalawa, masayang nag-uusap sa ilalim ng payong niya.

Hindi ko sila personal na kilala, at hindi rin naman sila gaanong sikat sa isang napakalaking unibersidad na katulad nitong sa amin.

Palagi niyang tinutulungan yung babae sa pagdala ng mga gamit nito, at palaging sinusundo dun sa pathwalk kapag sumapit na ang alas onse y media. Alam ko yun kasi dumadaan ako dun sa oras ding yun.

Isang tanghali habang nakatayo ako dun sa kabilang pathwalk naghihintay na tumila ang ulan, narinig ko ang pag-uusap ng dalawang babae sa likod ko,

"Grabe noh? 1st year HS pa lang sila na. Biruin mo hanggang ngayong 1st year college na sila pa rin?"

"Loyal na loyal kasi yung guy. Kahit makulit at makalokohan sa classroom, nagiging super gentleman naman pag kasama niya yung girl. Buti hindi siya napapagod na sunduin yung babae no?"

"Eh mahal na mahal lang siguro nya talaga."

Siguro nga.

Siguro nga mahal na mahal nya yung babae.

Siguro nga ganun siya kung magmahal, ituturing kang parang prinsesa.

At sa naisip ko, dun unang umusbong ang paghanga ko sa kanya.

***

Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas.

Ganun pa rin ako.

Tinitignan siya habang sinusundo niya yung babae sa katapat na pathwalk.

At magkasama silang susulong sa init o sa ulan sa ilalim ng payong nya.

Ilang beses ko na rin napansin na nagpalit siya ng payong.

Pero ni isang beses, hindi napalitan kung sino yung kasukob nya.

Nasaktan ako sa isiping yon.

***

Dalawang taon ang matuling lumipas, at heto parin ako.

Nangangarap na sana, sana masubukan ko man lang na mapayungan niya.

Gaya ng palagi nyang ginagawa sa kanya.

Isang hapon habang nakatayo ako dun sa pathwalk gaya ng nakasanayan ko, nakita ko na naman yung babae sa katapat na pathwalk, pero sa pagtataka ko, iba yung sumundo sa kanya.

At di sinasadya ay narinig ko yung pag-uusap ng mga babae sa likod ko.

"Totoo raw yung balita,girl. Break as in break na daw talaga sila."

"Talaga? Sino nakipagbreak?"

"Yung girl daw. Ka-org ko yung bestfriend ni girl, sabi, may ibang guy daw na mahal. Friend pa nga yata nung guy."

"Kawawa naman yung guy noh? Halata pa namang mahal na mahal nya yung si girl."

Break na sila?

Pero...

Siguro dapat maging masaya ako.

Dapat maging masaya ako kasi hiwalay na sila nung babaeng palagi nyang pinapayungan.

Hiwalay na sila nung babaeng palagi kong katapat dun sa may pathwalk.

Hiwalay na sila nung babaeng tinuturing nyang prinsesa.

Pero bakit hindi ganun yung nararamdaman ko?

Imbes na maging masaya ako, parang naging malungkot ako.

Kasi naiisip kong nasasaktan siya ngayon.

Naiisip kong nasasaktan ngayon yung lalakeng mahal ko.

At mas doble yung sakit na nararamdaman ko.

Kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko ay ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Kaya hindi na ako nag-isip.

Lumusong ako sa ulan at hinanap ko siya.

Kahit hindi ko alam kung anong sasabihin ko at saan ako magsisimula.

Nagpalakad-lakad lang ako, hindi iniinda ang malakas na buhos ng ulan.

At di ko namalayan, nakarating ako sa may Lagoon ng umiiyak.

Umiiyak dahil sa taong mahal ko.

Umiiyak dahil alam kong nasasaktan siya dahil sa taong mahal nya.

Hindi ko na kinaya ang lahat ng nararamdaman ko, kaya nagpasya akong ilabas ang lahat-lahat ng sakit na nasa loob ko ngayon.

Hindi naman siguro gaanong mapapansin kung sumigaw ako ngayon sa gitna ng napakalakas na ulan di'ba?

"AAAAANNNSSSAAAAKKKKEEEEET SSSAAAAKKKKEEEETTTT!!! BAKET BA KASI SIYA PA YUNG MINAHAL KO??!! BAKIT KELANGAN MO PA SIYANG SAKTAN??!! BAKET BA KASI HINDI NALANG AKO YUNG MINAHAL MO??!! HAAA??!!! BAKET??!!! ANG SAKIT SAKIT LANG, TANGNA!! KUNG AKO NALANG SANA YUN DIBA?? PARA HINDI NALANG RIN AKO NASASAKTAN NG GANITO!!"

"Ah Miss, huwag kang magpaulan, baka magkasakit ka. Sumukob ka sa payong ko oh."

Sa dami ng taong pwedeng makakita sa'kin na sumisigaw na parang baliw sa gitna ng napakalakas na ulan, SIYA pa.

Yung taong iniiyakan ko ngayon dahil iniiyakan nya yung taong mahal nya.

Pansin kong mugto yung mga mata nya.

Pero nakasilong pa rin siya sa ilalim ng payong nya.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon, pero sana huwag maging rason yun para pabayaan mo ang sarili mo. Everything happens for a reason, kaya't kung ano man yan, tandaan mong titila rin ang ulan at sisikat muli ang araw. Tiwala ka lang."

Hindi ko alam kung dahil ba sa kausap ko siya ngayon o dahil sa nginingitian nya ako ngayon o dahil sa mga sinasabi nya sa'kin ngayon, pero napangiti ako.

"Salamat. At pasensya ka na rin. Naistorbo pa siguro kita."

"Hindi. Pauwi na rin kasi ako. Tara, hatid na kita sa may sakayan, ang lakas parin kasi ng ulan oh."

"A-ah. Sige. Salamat."

***

"Titila rin ang ulan at sisikat muli ang araw. Tiwala ka lang."

Isang bagay na kahanga-hanga sa kanya ay yung naiisip niya ang kapakanan ng ibang tao kahit hindi niya naman ito kaano-ano.

At yung nakapagpapasaya siya ng iba kahit may dinaramdam siya.

Matapos man ang gabing 'to, hinding-hindi ko makakalimutan ang una, at siguro huling beses na rin na pinayungan ako ng lalaking mahal ko.

-fin

***

A/N: Okaaay. so kwento yun eh noh? HAHA. Just found it in my documents. Thought I'd share it bago ko i-delete. HAHA. SO, how was it? Paki-click yung star! HAHAHA. Dejoke. Please vote kung nagustuhan, pero mas maganda kung magcomment ka na lang. I've got a huuuuuge room for improvement anyway :)

Thanks for reading :)

~

XXXX


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Payong GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon