Chapter 17

2.3K 42 4
                                    

It will be better kung si Blake ang gumagawa nito. Naalala ko noon ginigising nya ako sa umaga na naka-ready na ang breakfast at in bed pa. Hay! Tama na nga ang pag-iisip ng nakaraan, paano ako makaka-move on kung parati akong ganito.

Pagkatapos ilagay ni Riley yung juice sa lamesa ko, ngumiti sya saakin at agad din naming bumalik sa floor namin sa taas dahil kahit busy sya nagawan nyang bigyan ako ng kahit unting oras, at hindi naman sya fail dahil napangiti nya ako sa simpleng bagay.

"Lauren, nililigawan ka na ba ni sir Riley?" Tanong saakin ni Natalie.

"Huh? Well, kinda?" Sagot ko naman habang sinisipsip yung straw sa juice na hawak ko ngayon.

"Talaga?! As in!? Eh, paano naman yung, I mean is, may pag-asa ba sya? Sasagutin mo ba sya?"

Pagkatanong ni Natalie saakin nun, naisip ko na oo nga pala kaya nya ako nililigawan ay para meron syang kalagyan dito sa puso ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kanya pero sigurado akong hindi mahirap mahalin si Riley.

"Hindi ko pa alam sa ngayon." Ang tangi kong naisagot sa tanong ni Natalie. Tumigil na sya sa pagtatanong at umupo na lang sa upuan nya. Sila kaya ni Blake, kamusta? Arghhh! I don't need to know! Back to work na nga lang. Nanahimik na ako at itinuloy ang ginagawa ko.

Pagdating ng tanghalian, umakyat muna ako sa floor namin para kuhain yung bag ko at nakita ko si Blake na nakatayo sa labas ng pintuan nya na medyo hinihilot yung noo at mata nya. Siguro madami syang ginagawa ngayon kaya stress na din sya. Pagkatapos nun bigla syang lumingon at tumingin saakin, agad kong binawi ang tingin ko sa kanya at yumuko ako habang patuloy na inaayos ang mga gamit ko.

"Natalie, nanjan ka ba sa ground floor?" Narinig kong may kausap si Blake sa cellphone nya at alam kong si Natalie ito.

"Sige, bababa na lang ako hintayin mo ako dyan." Pagpapatuloy nya pa at ibinaba na din ang cellphone nya. Dahan-dahan syang naglakad sa tapat ko at hindi man lamang lumingon at tumingin saakin. Dere-derecho sya hanggang makarating sa may elevator at pinindot ang button nito. Tumayo sya sa tapat ng elevator at nakapamulsang nakatingala't nakatingin sa led lights sa taas.

Buti na lamang at nakita kong lumabas si Riley sa office nya. Hindi ko pa man sya tinatawag ay lumapit na sya saakin.

"Kamusta na yung tuhod mo?" Agad na tanong nya saakin.

"OK naman na, parang galos lang naman" Sabay ngiti ko sa kanya. Bigla kong naalala yung bulaklak na nasa mesa ko ngayon.

"Riley, thank you nga pala dito sa bulaklak na bigay mo saakin." Kinuha ko yung bulaklak sa vase at inamoy-amoy ko pa ito habang nakatingin sya saakin. "Ang bango!" Dugtong ko pa.

"Buti nagustuhan mo."

Syempre magugustuhan ko talaga ito, dahil ang romantic ng dating lalo na kung darating ka sa office tapos may flowers na naghihintay para saiyo. So, si Riley ngang talaga ang nagbigay saakin ng bulaklak na ito. Ibinalik ko na din yung bulaklak sa vase at kinuha yung bag ko. Napansin kong nandun pa din pala si Blake nakatayo sa tapat ng elevator.

Bigla syang nagsalita ng malakas at napansin kong may kausap sya sa cellphone nya.

"Wag mo ngang painitin lalo ang ulo ko!" Narinig kong sigaw nya sabay baba nung phone at derecho sakay sa elevator. Ano kayang nangyayari sa kanya?

"Medyo maikli pala talaga ang temper ni Mr. Rivera ano?" Tanong ni Riley saakin.

"Ahh oo medyo nga. Pero mabait naman sya, pagpasensyahan mo na yung inasal nya nung nakaraan."

"Wala naman na yun saakin. Tara, sabay na tayo mag-lunch?" Nakangiting sabi saakin ni Riley. Sobrang tangkad na tao ni Riley kaya talagang nakatingala ako tuwing mag-uusap kaming dalawa. Buti na lang talaga at hindi nya pinatulan si Blake nung gabing un.

Pagdating namin sa restaurant, sandwich lang ang inorder ko dahil nahihiya ako kay Riley kasi for sure ililibre na naman nya ako. Ayoko naman kasing nagpapalibre sa kanya, kaso mapilit 'tong taong to.

"My family wants to meet you."

"Eh?! What?" Pagulat kong tanong sa kanya dahil hindi ako makapaniwalang gusto ako makilala ng pamilya nya at agad-agad pa.

"Nakilala ko naman na sila nung kasama mo ako sa meeting eh. Okay na yun!" Pagbibiro ko sa kanya.

"No, what I mean is formally. And my mom, wants to apologize about everything. Sana pagbigyan mo naman ako. Tomorrow night naman yun, OK lang ba?" Nakapatong yung dalawang siko nya sa mesa at naka please gesture saakin. Kinakabahan ako, since hindi simpleng pamilya sila Riley.

"Hmm. Sige, wala naman mawawala saakin eh."

Pagkasabi ko nun hindi sinasadyang napalingon ako sa gawing kanan ko at may napansin akong pamilyar na tao. Wala nang iba pa kundi si Blake. Palagi kaming pinagtatagpo ng pagkakataon nitong taong to kahit hindi ko gusto. Kaharap nya sa table si Natalie na kasalukuyang umiinom ng shake. Nakita ko ding sinusubuan nya ng salad si Blake at nahihiya naman itong isubo yung pagkain.

Parang ang saya-saya nilang dalawa. Actually, kung ibang tao ako I see them as mag-kuya since ang laki talaga ng agwat ni Blake kay Natalie kung pag-uusapan ang edad. Pero, they're both good looking eh. Kaya may atmosphere din na magkasintahan sila.

Pagkatapos naming kainin yung mga lunch namin, inaya ko na bumalik si Riley sa office dahil may mga tatapusin ako para sa payroll namin.

Nakita ko naman ngayon sila Natalie na parang tuko kung kumapit kay Blake sa braso nito. Napasimangot ako at nabulong sa sarili ko ang nasa isip ko.

"Tch! PDA naman."

"Huh?" Nagulat akong narinig pala ni Riley yung pagma-mumbling ko kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Pagdating sa office agad na akong humarap sa computer ko para simulan ang pag-input ng salary ng mga colleagues ko. Marami-rami ang sakop ko, though meron din naman akong kahati sa trabaho may kinalaman sa salary distribution.

Wala si Natalie sa tabi ko dahil nasa ibaba sila ngayon dahil hiring pa rin kami at madami pa din ang kailangan since madaming bagong branch sa loob ng mga malls ang bubuksan.

"Kaya ko 'to!" Pagpapalakas ko ng loob ko sabay hawak sa keyboard at mouse.

"Kaya mo yan!" Narinig ko namang biglang may sumabat na boses ng lalaki. Tumayo ito sa harapan ko at kinuha yung bulaklak na ibinigay saakin ni Riley.

"Wag mo ngang pakikielaman yan!" Pagalit pero pabulong na sabi ko sa kanya.

Inamoy pa nya ang bulaklak bago ito binalik sa kinalalagyan nito. Maya pa ay kinuha nya yung upuan ni Natalie at umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nya saakin. Bakit biglang naging clingy 'tong lalaking to.

"Sweldo nyo bakit? Teka, bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin?"

"Tapos naman na. Kakatapos ko lang makausap yung boss ko sa Canada eh. Anyway, sorry pala sa nagawa ko nung nakaraan dun sa parking lot ng SM. Alam ko wala sa hulog yung ginawa ko that time."

Napalingon ako sa kanya at ilang sandali din kaming nagkatitigan sa mga mata. Mabuti na lang at wala gaanong tao sa floor namin ng mga panahong ito.

End of Chapter 17

_

AN: Busy po ako kaya update na lang po sa ngayon ang maibibigay ko. Anyway, sana po subaybayan nyo 'gang katapusan. :) Kahit Vote lang po masaya na ako :)

Another Chance With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now