Chapter 3

3.3K 101 43
                                    

"Grabe talaga! Mula noon ang sakit sakit nya magsalita! At hindi na talaga sya nagbago. Ang kapal ng mukha nya, bakit sya pa ang naging representative ng Canada?! Bakit hindi na lang si Justin Bieber! Para mag-baby baby kami dito! Mas matatanggap ko pa kaysa sa kanya!"

Tinanggal ko na ang mga contact lens ko dahil nakalimutan ko yung eye drops ko. Natutuyo na kasi sya sa mata ko kaya mabuti na mag salamin na lang ako kaysa ma damage pa mata ko.

Nung nakita ko sya nag rewind sa puso ko yung sakit nung araw na napawalang bisa yung kasal namin. Ang daming bank company bakit dito pa sa pinagta-trabahuan ko?

After ko mag-ayos, lumabas na ako ng comfort room at bumalik sa Kalcus Hall, nakita ko si sir Riley na nakikipag kwentuhan sa mga client kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Oh, Ms. Garcia, nagsalamin ka."

"Yes sir, ano kasi nakalimutan ko eye drops ko sa office."

"Ahh ganun ba? Tara, kailangan nating magpakilala sa mga clients natin."

At sumunod naman ako kay sir. Habang naglalakad kami, di ko mapigilang hindi magmasid-masid at magtago sa likod nya.

"Excuse me, Mr. Rivera? I'm Riley Dee the head manager of NBP main office."

Mr. Rivera daw? Di ko mapigilang hindi kabahan nang marinig ko ang surname ng tinawag ni Sir Riley. At nang makita ko kung sino ang lalaking ito, para akong magko-collapse!

"You're the son of our CEO Elwin Dee right? Nice to meet you, I'm Blake Rivera, the representative from Canada."

"Yes, and here's Ms. Lauren Garcia, she's the Head of HR Department and Payroll for the whole company."

Pagkapakilala saakin ni Sir Riley, lumingon saakin si Blake pero nginitian lang nya ako at kinamayan pa. Hindi ba nya ako nakikilala? Ako to, ang ex-wife mo! Bakit kung makangiti ka saakin wagas? Hindi kaya, kinalimutan na nya ako talaga? Or, talagang professional na sya ngayon? Tama na nga haka-haka.

"Ms. Garcia, Mr. Rivera here will work with us for 5 months so I hope we'll all get along together."

"Sure we will, right Ms. Lauren?" Leche, tinatanong pa nya talaga ako! Nananadya ba tong taong to? Buntalin kaya kita?

"Of course!" Sabi ko naman sabay ngiti. Ilang saglit pa nagsimula nadin ang mahaba-habang meeting. Magkatabi kami ni Sir Riley at sa tapat ko naman tong asungot na to. Ang laki ng pagbabago nya, ni hindi sya lumilingon saakin. Ni hindi naliligaw yung mata nya sa pwesto ko, hindi ko alam pero naluluha akong isipin na talagang naka-move on na sya. Parang masakit pa din.

Makalipas ang ilang oras natapos na din ang meeting kaya nagsipag-paalam na sila sa mga clients and ibang mga katrabaho from Canada at iba pang branch dito sa Pilipinas.

Nauna akong lumabas at sumunod na din si sir Riley saakin. Habang inaayos ko yung mga papel na dala may biglang sumagi saakin kaya napasubsob ako ng bahadya at nahulog ang salamin ko.

Pag wala akong salamin halos bulag ako eh, kaya kailangan ko yung salamin ko. Nahulog din ung mga papel sa sahig buti na lang wala gaanong ibang tao sa paligid ko kaya di ako nag aalala na may aapak ng mga yun. Kaya lumuhod ako sa sahig at pilit na inaninag yung mga papel. Kinapa kapa ko din ung salamin ko kung nasaan na. Hindi ko napansin yung paparating na maintenace na may tulak tulak na malaking cart, malapit na akong masagasaan nun ng biglang may humatak saakin kaya na-out of balance ako at napasubsob ako sa dibdib ng humatak saakin.

Ilang segundo ding natulala ako dahil hindi ko makilala ang yumakap saakin. Nakadikit yung mukha ko sa dibdib nya at ramdam ko ung heart beat nya. Maganda ung pangangatawan nung lalaking nasa harap ko kasi firm ung muscle nya sa dibdib.

"Ok ka lang?"

"Sir Riley ikaw ba yan?"

"Ako to, hindi mo ba ako makita? Ay! Yung salamin mo! Ito oh." At isinuot saakin ni Sir yung salamin ko. Nang maisuot ko ito biglang may nahulog na vase sa may gawing likuran namin kaya agad kaming napalingon dito.

Tumayo ako at lumapit sa nahulog na vase. Pero wala akong nakitang tao kaya babalik na sana ako kay Sir Riley nang makakita ako ng ID sa may sahig, at laking gulat kong ID ito ni Blake.

"Oh, kay Mr. Rivera yan ah, bakit nanjan?" Tanong ni sir Riley saakin.

"Oo nga sir eh, nahulog nya ata. Ibigay na lang natin. Paano tong nabasag na vase sir?"

"Don't worry."

At bumaba na kami papuntang lobby at nakita namin si Blake doon habang kausap ang isang babae. Siguro ito na yung bago nya. Who cares? Anyway, kailangan nang maibalik nitong ID nya, ang tanga kasi paano nya kaya naiwan ito.

"Lauren, mukhang busy sya, iwan na lang natin yan sa reception at mauna na tayo. Kailangan ko pang magpa-meeting sa office bago mag-uwian."

"Sige sir." Kaya lumapit ako sa counter at iniwan ang ID nitong taong to. Lumapit na din ako kay Sir at lumabas na kami ng hotel, hindi na ako lilingon. Ilang taon na kaming hiwalay dapat naka move on na din ako. Pagsakay sa kotse ni sir Riley, medyo tahimik kami habang nag da drive sya.

"Sir Riley, thank you po pala kanina sa pag save saakin."

"Wala yun, nagtataka lang ako kasi bakit gumagapang ka sa sahig. Dahil pala sa salamin mo."

"And I'm sorry sir for being rude kaninang umaga. Akala ko kasi ganun kayong klase ng tao, pero mali pala ako. You're very nice and easy to be with pala. Sorry sa mga nasabi ko sir ah."

"Kalimutan mo na yun, sana'y naman ako sa ganun. And uh, drop the sir kapag wala naman tayo sa office masyadong formal eh."

"Sige po uh- Kuya Riley. " sabi ko sa kanya na medyo nahihiya. Mabait nga talaga si Sir Riley kaya natutuwa akong nabigyan nya ako ng chance na makilala sya.

"Kuya?!"

"Joke! Peace tayo!" Sabay tawa ko naman na akala mo first time tumawa sa buong buhay. Anyway, nakarating din kami ng matiwasay sa office at agad na dumeretso si sir Riley sa secretary nya to call an emergency meeting. Nakita ko si Natalie na nakangiting pang-pusher ng drugs saakin.

"Kamusta date?"

"Magtigil kang babae ka! Hindi biro ang nangyari saakin ngayon, at wala akong balak i-kwento! Nakakapagod. Tara mag-papameeting si sir Riley."

"Share mo naman nangyari!" Pagpipilit saakin ni Natalie. Hay, paano ko ikukuwento na nakita ko ang ex-husband ko? Na sinabihan pa akong stupid kahit hindi sa harapan ko. Next time na Natalie kapag handa na ako, at ayokong malaman nila na nag-kaasawa na ako noon at naghiwalay ngayon, nakakahiya.



End of Chapter 3

_

AN: Hello mga butihin kong readers na patuloy na nagbabasa nitong Another Chance. I'm planning to change the title pero wala akong maisip. Yaan na nga! Haha! Anyway, thanks po sa pagbasa at please vote, share and add to reading list/library for updates. I love you all! Pa-follow na din po!

Another Chance With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now