Chapter 16

40 1 0
                                    

7 months...

7 months na hindi siya nakakausap ni nalalapitan...

Miss ko na siya. Si Lem.. Ang taong mahal ko.

Pero eto ako ngayon, nakatali sa taong di ko mahal. Na nagkataon namang yung beki kong kaibigan! Ano beyyyyy.

After ng super duper nakakalokang announcement ng dad ko sa engagement namin ni Ram--on, binigyan niya KAMI ng dalawang bodyguards. Si Kuya Cocoy at Kuya Ben. And yeah, Ramon (awkward sabihin yun kasi sanay ako na Ram ang tawag ko sa kanya) and I.. We are always together. I mean, lagi namang kaming magkasama before pero hindi as ang engaged couple. We're FRIENDS. Chaka, di namin type ang isa't isa ano. Isa siyang MOHER katulad ko.

BAKLA ANG FIANCE KO. T_T

Si dad naman ipipili lang ako ng mapapangasawa, yung bakla pa! Ang FAIL ni dad.

Yun nga. Palagi kaming magkasama. Tapos kabuntot namin sila Kuya Cocoy at Kuya Ben.

Miss ko na si Jake Lemuel.

Alam niyo yung feeling na..

Nakikita mo siya araw-araw pero di mo naman malapitan kasi ayaw ng tatay mo?

Ito na ba ang consequence ng pagiging isang Panganiban?! Oh please. I'd rather be in squatters nalang!! I have lots of money nga pero I don't have the freedom to choose the right man for me.

Ang hirap pala. Nakaka.. Nakaka.. NAKAKASTRESS!

"Christine.." may kumakatok sa pinto ko.

Si dad. Siya lang ang tumatawag sakin niyan. Minsan niya lang akong tawaging Emerald e.

Pupunta dito sa the Mansion ang pamilya Perez ngayong gabi.

Dinner daw. May pa-dinner dinner pang nalalaman! Anla! Kailanman di ako magkakagusto sa fiance ko!

"Christine nagiintay na sina Ramon sa baba.." sabi ni dad.

I see, nasa dining hall na sila Tito William. Hay. Nagpapanggap nga lang kami nina Ram na gusto namin ang isa't isa. Eww.

And oh, alam na ni mom na bading si Ram. Sinabi ni Tita Belinda.

In this case, kaming apat ang magkakakampi. TUTOL KAMI SA ENGAGEMENT!!!

Tapos.. Nalaman ko pa na not so close friends din si Tita Belinda at ang mom ni Lem.

Hay. Sabi pa nga niya dati sakin, bagay daw kami ni Lem.

TSS. Laslas leeg naman yun oh! Kung kailan pinaghiwalay na kami ng tadhana ni Lem saka may magsasabi ng ganun. ARRRGGGGH!

Bumaba nako. Nakita ko si Ramon. Pffft--HAHAHA! Di ko parin maiwasang matawa. Baklang bakla siya pero eto, nagpapakalalaki para di madisappoint ang dad niya.

Nakita ko rin ang mga tatay namin na masayang nagkwekwentuhan.

"Ano kayang itsura ng magiging apo natin kumpadre? Imagine, little Ramon and Emerald here and there.." sabi ni tito william.

BLAH. BLAH. BLAH.

Sobra silang busy sa pagkwe-kwentuhan ni hindi nila napansin ang presence ko.

"Oh, hija. Nandyan ka na pala! Have a seat.. Here. Sit beside your fiance" sabi ni dad sabay ngisi kay tito. ABA! kainaman na.

I HATE IT.

Wala akong magawa. Pakshet.

Just like a simple dinner.. Kumain kami. MALAMANG!

Everything that happens is fine and smooth.. Until nakita ko si mom in her uneasy look.

My mom is 9 months pregnant at nakakakaba kapag nakikita ko siyang hindi maayos ang lagay. Agad kong tinanong si mom..

"Mom, are you okay?"

"Onga Sofia. You're pale." sabi pa ni tita bel.

"Y--yes. I'm go--od. I just have take some rest, I think." sabi ni mom.

She's so denial. Kahit naman i-deny niya, halatang di siya okay.

Lumalakad na si mom palabas ng dining hall. Hanggang sa bumagsak siya,

Buti nalang nandun yung mga maids at butler. Pero as usual, taranta na naman ang lola niyo. Pati si dad, natataranta din.

"SOFIA!!" sigaw ni dad.

"MOM!!" sigaw ko. syempre, papatalo ba naman ako sa tatay ko sa pagsigaw? hahaha. loljk.

"Dad! Call the ambulance!"

After sometime, dumating nadin ang ambulance. At kahit naka-longsleeves ang tatay ko e gora siya sa ospital. Sa Maniego Hospital. (BUDOY LANG ANG PEG? HAHAHA.)

3 days later..

"Mrs. Panganiban is fine. Pwede na siyang umuwi bukas. And after few days, bring the baby here in the hospital for some screenings." sabi ng doctor ni mom

"Yes doc." sabi ni dad.

Hay. Ngayon ko lang uli nakita si dad na ganito ka thoughtful kay mom. Lagi kasing business ang nasa utak. Tapos cold pa minsan. Sana naman magiba na ang desicion nya tungkol sa sinumpang engagement namin ni Ram! -.-

Naiintindihan ko naman kung bakit ganun na lang kung mag-alala si dad kay mom e. Nung pinanganak daw ako e muntik ng mamatay si mom. Tapos, 6 years ago magkakaron sana ako ng isa pang little angel kaya lang, nag-50 50 si mom when she was pregnant. Pinapili nung doctor si dad between mom and the baby. Ang sabi ni mom, keep the baby. Pero dad chose mom. Ang paniniwala kasi ni dad, precious nga yung bata pero natatakot siya na mawala si mom. Natatakot siya na di niya kami mapalaki ng ayos. Natatakot siya na baka di niya maibigay ang pagmamahal na kailangan namin. Kaya, pinili niyang buhayin ang nanay ko. Dahil dun, para bang biglang lumayo ang loob nila sa isa't isa. Halos isang taon ding iyak ng iyak si mom. Hay. Minsan nga, mom accused dad of killing my brother. Kesyo si dad daw ang may kasalanan kung bakit wala na ang baby Enrique niya. Ang awa ko kay mom noon. Yun din siguro ang dahilan kung bakit naging cold si dad kay mom. Isinubsob niya sa trabaho ang sarili niya. Nadepress siguro. Hay.

At ngayon, may bago na kaming baby. si Zeke. Short for Christian Ezekiel. Oha. Pangalan pa lang papa-ble na ang kapatid ko! HAHAHA. Ano nga bang meron sa CEP initials? Hahaha.

"Christine. Bili ka muna ng pagkain sa labas." sabi ni dad.

"Okay po dad." sagot ko.

Lumabas nako sa suite ni mom..

Nakita ko siya sa may delivery room.. habang inihihilamos sa mukha niya ang mga kamay niya. habang tumutulo ang luha niya. Nanganganak siguro ang mom niya. Kasi preggy din siya e. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

He is so not fine.

Kaya, lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

--

A/N: Ansaveh ng UD na ito? Hahaha. Sorry sa matagal na UD. Busy eh. TY sa pagbabasa. God Bless. Love you. :)

Fierce and Love

Mia ❤

Undeniably CompatibleWhere stories live. Discover now