Chapter 12

68 1 0
                                    

Sapphire's POV

*sa room 

"Wherelalu naman kaya sina Papa Jake at friend Emerald?" - Ram

"Onga 'no? Malapit nang magsimula ang Financial Management ah.. Bakit kaya wala padin yung dalawa?" - Zai

Hayy. Tama sila. Kanina pa kaming nandito sa room. Hanggang ngayon wala parin sila. Nag-aalala na ako sa dalawang yun. 

"Oh, Sapphire bakit ang tahimik mo dyan?" - Seth

"Wala. Worried nako kina Emerald at Jake e."

"Relax.. Nag-uusap lang sila ng masinsinan sa benches." - Seth

Tahimik parin ako. May nararamdaman kasi akong kakaiba e. Parang may masamang nangyari sa kanila.

"Anong relax? Ha?! Ang tagal na kaya nilang nag-uusap dun! Baka nakakalimutan mong grabe ang pagpapahalaga nung dalawang yun sa grades nila. I'm sure hindi nila makakayang mag-cut ng klase o magpa-late man lang! May masamang nangyari. Feel ko!" - Zai

"Couz! CHILLAX. Ang dami mong nasabi ah. Homily 'teh? Okay lang yung mga yun, At kung may masamang mangyari man, I know na hindi pababayaan ni Papa Jake si Emerald." - Ram

"Ah. Basta! BOTHERED ako." - Zai

Worried na talaga ako. Five minutes nalang FM na. Kailangan naming mahanapa yung dalawa.

"Guys, kung bothered talaga kayo, it's better kung magsisimula na tayong maghanap sa campus ngayon. Kapalit nun ang FM class natin, Yun ay kung okay lang sa inyo." - Seth

"Oo. Okay lang sa akin. Ang importante mahanap si Bes at Jake."

"Onga. Leggo!" - Zai

Tumayo na kaming tatlo nila Seth at Zai. Itong si Ram, parang walang balak sumama. 

Kaya ang ginawa ni Zai, Kinaladkad siya palabas! 

"Teka! I don't remember na may sinabi akong sasama ako sa paghahanap sa love birds na yan. Magpapaiwan ako!" - Ram

"Sa ayaw mo at sa gusto, sasama ka!" - Zai

"But.." - Ram

"No but's Ramon! Uunahin mo pa ang panlalaki kaysa sa kaibigan natin? Tumimo ka nga!" - Zai

"How many times do I have to tell you, do not call me Ramon! I'm Ram." - Ram

"Ay nako! Manahimik ka. Isusupalpal ko sayo 'tong heels ko e, Daming kaartehang nalalaman." - Zai

"..." - Ram

Natatawa kami ni Seth sa magpinsan na 'to. Ngayon ko lang kasi nakitang nagkaganyan si Zai. Tapos, unang beses ko ding nakita na natameme si Ram. 

Lakad.. Takbo.. Lakad.. Takbo..

 Sa benches.. WALA,

Sa cafeteria.. WALA.

Sa roofdeck.. WALA DIN.

CHRISTINE EMERALD PANGANIBAN! NASAN KA NA BA?

Jake Lemuel's POV

 Karga ko ngayon si Tine. Actually, I really don't know what to do. Ngayon ko lang naexperience 'to. Yung may nahimatay sa harap ko. Tapos, I am the one who will be in charge. At sa babaeng minamahal ko ng palihim pa? Nakakataranta. 

Dahil hindi ko pa masyadong alam ang pasikot-sikot dito sa CPU, hindi ko alam kung nasan ang University Clinic. 

Kanina pako paikot-ikot dito. Kita na nilang may karga akong walang malay na babae, di parin nila ako tinutulungan. Ano ba yan? 

Buti nalang at may janitor akong nakasalubong..

"Manong, saan po ba dito ang clinic?"

"Diretsuhin niyo lang po ang daang ito pagkatapos ay kumanan kayo sa ikatlong pinto."  - Manong

"Ahh. Sige po. Salamat."

Hindi na ako nagtaka kung bakit di niya ako tinulungan. May hawak kasi siyang mop tapos tulak pa niya yung maduming tubig. Kaya, hinayaan ko nalang si Manong.

Sinunod ko yung directions na tinuro niya. 

Nakarating nman kami kagad sa clinic. 

Hawak ko ang bag ni Tine. Napansin kong may tumutunog na nman. Kanina pa kasi yung natunog,

AY NAKOPO! Nakalimutan kong sabihin kina Sapphire ang nangyari. Nataranta ako e.

Kanina pa siguro sila tumatawag o nagtetext kay Tine..

"Hijo.."  - Nurse

"Bakit po?" 

"Okay naman itong kasama mo. Gutom lang siya kaya siya hinimatay." - Nurse

"Ahh. Okay po."

"Mabuting ibili mo muna siya ng makakain dun sa cafeteria." - Nurse

"Osige po." 

Naglakad na ako papunta sa cafeteria. Hayy. Lagot ako sa mga kaibigan ni Tine pag nagkataon.

Sapphire's POV

Pababa na kami ng roofdeck..

Hanggang nakasalubong namin si Manong Benjo.. 

Yung kaclose naming janitor ni Tine dito sa CPU.

"Miss Sapphire, si Miss Emerald po ba ang hinahanap niyo?"

Aba. Ang galing ni Manong manghula. Siguro halata sa 'chura namin na may hinahanap.

"Opo! Nasan po siya, may kasama po siyang lalaki diba?" 

"Oo. Walang malay si Miss Emerald. Karga siya nung gwapong lalaki papuntang clinic."

"Ahh. Sige po. Maraming salamat Manong Benjo!" 

"Thanks po!" - Ram. Seth & Zai

Agad kaming naglakad papunta sa clinic.

"Ano kayang nangyari dun?" - Zai

"Baka naman.. Alam niyo na.. Kaya siya hinimatay." - Ram

"Ano ba Ram?! Hindi ganung klase ang kaibigan natin!" 

"Okay. okay." - Ram

"Baka dahil sa gutom! Di ba hindi siya nag-lunch dahil nung notes sa Marketing?" - Zai

"Onga 'no? Tara. Bilisan natin." 

Habang naglalakad papunta sa clinic..

Nakasalubong namin si Jake.. May dala siya pagkain. Mukhang tama nga ang hinala namin.

Ang pasaway nman kasi ni Bes e.

"Jake, si Emerald?" - Seth

"Nasa clinic. Wala paring malay." - Jake

"Magmadali na tayo. Kailangan tayo ni Emerald." - Zai

Nagpunta na kaming lahat sa clinic. 

Wala parin siyang malay. 

Nandun lang kaming lahat. Nakabantay sa mangyayari sa kanya.

"Ano ba talagang nangyari?" - Zai

"Ganito kasi yon. Tataas na kami papunta sa room natin. Then, bigla siyang hinimatay." - Jake

"Nako, nako. Gutom nga si Emerald." - Sapphire

Hindi nagtagal at nagising na si Emerald. Feel ko, wala padin siya sa tamang pag-iisip.

Kumain lang siya. At ayun, inihatid na namin siya pauwi.

NAMIN.. Kaming lahat. Ganun namin kamahal itong si Emerald. 

Hayy. Salamat nalang at si Jake ang kasama niya nung nahimatay siya. 

Ano kayang meron ang dalawang 'to??

A/N: Sorry ulit sa late UD. Naging busy lang sa school. Basahin niyo ito ha? Pinaghirapan ko 'to! Pa-vote at Become a fan, please? Hahaha. THANKS! :) Ciao.

Undeniably CompatibleWhere stories live. Discover now