Act 12 [Having FUN?]

1.8K 20 11
                                    

This is a crossover of Sexy Neighbor and Caught On Cam

[Sam's POV]



Ito ang maganda sa isang party, hindi mo masyadong mararamdamang artista ka, kasi halos lahat lasing. Nandito ako ngayon sa birthday party ng kapatid ni Princess si Serena. Hindi lang halata pero close talaga kaming dalawa. Lagi kaming nag-uusap sa twitter. Saka lagi kaming magka-chat. KAso right now hindi ko siya makita.

Si Tyler naman biglang naglaho. Ewan ko kung saan na napunta yun. Pero ayos lang na lumayo siya, makapang-akit kasi yung abs niya wagas. Nakasuot kasi siya ng polo pero hindi naka-butones. Saka medyo lasing na din si Tyler kaya ayokong maglalapit sa kanya. Weird kasi aura nun pag lasing.

Naka-upo ako sa isang sofa dito sa mansion. Pinagmamasdan ko ang mga tao. Party party, drinking games.. Amoy alak at sigarilyo, tapos mygaaad  "KYAAAAAA OH MY GOD!! ANG HOT NIYAAA!!" ayy ayun na siguro yung macho dancer este male stripper na sinasabi ni Serena na hot na hot daw.. Ehh kaso wala naman akong interes sa ganun.

May tumabi sa akin na lalake. "Hi miss.. May nagsabi na sa'yo na kamukha mo si Sam.. Yung magandang artista?" ehehehe lasing na siya.. Ayan yang sinasabi ko na hindi ko masyadong maramdaman na artista ako. Biglang my humawak doon sa braso ng lalake.. "Pre akin to ehh.." sabi nung boses.. napatingala ako nakatayo kasi yung guy.. "Rui?" sabi niya..  Nginitian niya ako.. Umalis na yung lasing.. buti walang away na naganap..

"Kamusta ka na Sam?" hindi ko talaga alam kung maniniwala akong si Rui to! Pero Ewan part of me gustong maniwala..

"Bakit nawala ka bigla nng nagpunta si Aian?"

"Mukha namang hindi mo na ako kailangan dun ehh.. Kaya umalis na ako.."

"Drama mo naman.." naalala ko bigla si Princess.. "Uyy nagkita na ba kayo ni Princess? I'm pretty sure gusto kang makita nun..

umupo siya sa tabi ko.. "Nevermind her, ikaw ang gusto kong makasama ngayong gabi.."

Flirty aura... Si Rui nga ata to.. Ahhh! Di ko na alam.. "Naka-inom ka ba?"

"Hindi ah, kakarating ko lang eh, I spent my last fifteen minutes here, looking for you.." sabay ngiti siya.. Pero amoy sa hinginga niya na kanina pa siya umiinom.. Namumula na nga siya eh pati way ng pagsasalita niya nababahiran na ng katangahan.

"Ahh, kala ko nakainom ka eh.." shet wala naman akong ma-open na topic.. Ano na ba ang gagawin ko nito?!

Natanaw ko si Serena na paakyat ng hagdan, na may kasamang lalakeng naka boxers.. Ang hot naman nung body nun, at sigurado pati mukha nun.. "Wait here.." sabi ni Rui, pasuray suray siyang lumakad. Pagbalik niya may dala siyang dalawang cup ng drinks. Binigay niya sa akin yung isa..

"Tara inom tayo.." sabi niya..

"Hindi ako umiinom ehh.."

"Once lang.. Sige na.."

"Si-sige na nga.." pinagbigyan ko si Rui..

Caught On Cam (BTS Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon