Chapter 27 - MIDNIGHT

2.6K 91 13
                                    

Chapter 27

[Jade's POV]

Nagpahatid na lang ako kay Brandon kanina pauwi dito sa bahay at simula pa kaninang hapon hanggang maggabi na, nakahiga lang ako dito sa kwarto ko. Habang iniisip ko yung mga nasabi ko kanina kay Mom, may konting konsensya akong nararamdaman. Kasi mali pa din yung pagsagot ko sa kanya. Tapos nag-iskandalo pa ko dun sa office nya, pwede namang dito ko sya kausapin sa bahay kaso, napuno na talaga ako kanina.

*tok tok tok*

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Tss, ang kulit din ng maid namin, sinabing ayokong kumain.

"Aish... Ako na pong bahala sa sarili ko. Kakain na lang ako kung nagugutom ako." malumanay pero madiing sabi ko.

Pero di gaya ng inaasahan ko eh si Mom pala iyon at pumasok na sya dito sa kwarto ko kaya mula sa pagkakahiga ay bumangon na ako.

"What now, Mom?"

"Jade, let's talk. Yung malumanay ay walang nagtataas ng boses." sabi nya pero iniwasan ko sya ng tingin at umupo na lang sya sa kama ko. "Jade... I'm really really sorry." huminga sya ng malalim na para bang humugot ng lakas ng loob at saka sya nagsalita. "Simula nung umalis ka kanina sa office, tsaka lang nagsink in sakin lahat. I should've been responsible enough to know that you always feel alone. But then, tama ka eh, masyado akong nakatutok sa career ko. Dahil ayaw ko ng mawala yun gaya ng career kong nawala noon. But believe me, I didn't blame you, not even once. Having you is a blessing. Sa Dad mo ako nagalit pero kahit na ganun, mahal ko sya. But not as much as he loves me. Yeah I know its unfair, pero sobra-sobrang magmahal ang Dad mo na mararamdaman mo na lang na hindi mo na deserve yung love nya. Naguilty din ako nun, pero mas nagui-guilty ako ngayon dahil napabayaan kita. Kaya sorry." hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin na ako sa kanya. Nakikita ko ngayong nasasaktan din sya, baka dahil nagui-guilty sya or what. Pero kahit ano pa yun, nakikita ko ding nagsisisi sya sa mga bagay na nagawa nya at hindi nya nagawa. "I'm sorry Jade... Sorry sa mga pagkukulang ko. Hindi ko magawang kausapin ka dahil nagui-guilty talaga ako. Kaya inakala kong it would be better that way, na hindi na lang tayo mag-usap gaya ng nakagawian. But I was wrong... kaya sorry." nagsimula nang tumulo yung luha nyang kanina nya pa yata pinipigil. "Pero alam mo Jade, nung panahong pinakilala mo sakin si Brandon, nag-alala ako. Kung inaakala mo noong wala akong pakialam sa relasyon nyo dahil wala kang narinig ni isang salita at bigla na lang akong umalis nung pinapakilala mo sya sakin, nagkakamali ka. Dahil nag-alala lang ako sa'yo, kaya nung kinausap nya ko para sa pagpopropose nya sa'yo, agad akong tumutol at pinalayo ko pa sya sa'yo. Oo alam kong napakaselfish at unfair. But i think it was mother's instinct, pero pano nga naman ba ako magkakaron nun, eh hindi nga pala ko nagpapakananay sa'yo. Ayoko lang matulad kayo samin ng Dad nyo. Napakabata pa namin nung nabuo ang relasyon namin kaya maaga kang nabuo. Pero dapat mas naisip kong you're more responsible than me, dahil nadisiplina kang maayos ng Dad mo." ilang minutong katahimikan ang namagitan samin. Ayokong nakikitang umiiyak si Mom. Hindi kami close pero masakit pala talagang makitang umiiyak yung nanay mo.

"Mom, mahal mo ba talaga si Dad?"

"Oo... mahal ko sya. Hindi ka naman mabubuo kung hindi namin mahal ang isa't-isa. Kaya sobra din akong nalungkot nung nawala sya kaya kung napansin mo, masyado akong nagpakabusy, para kahit papano, hindi ko sya laging maalala."

BHACNCK 2: The Beginning of the End [COMPLETED]Where stories live. Discover now