I

46.6K 607 97
                                    

Question : bakit hindi na si evitha yung partner ni Lucian.

Answer : napag isip isip ko kasi since babaguhin ko yung buong story, papalitan ko na din pati yung name ng bida. Wala namang personal reason or kung ano man. Parang mas bagay kasi yung Scarlet Ruiz sa character nung bida.

Sana itry nyo pa din kahit hindi na si Evitha Megumy yung bida.

Vote and comment!
**

Scarlet's POV

"You're fired."

"Aba, mahiya ka naman. Tatlong bwan ka ng hindi nagbabayad ng upa mo. 3 bwan mo na din akong binubukas bukas! Hindi charity tong pamamahay ko neng."

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area."

"4 hours is 600. Pasensya ka na miss pero wala kasi kaming promo ngayon. Wala ka namang loyalty card para sana may discount ka."

Putang ina.

Yun nalang masasabi ko. Kung hindi ka ba naman maiyot ng kamalasan ngayong araw na to oh.

Nawalan na nga ako ng trabaho, which is hindi na bago. Pero para lang malinaw. Hindi ako ang may problema, yung trabaho ang may problema sakin. Eto pa! napalayas pa ko sa tinitirhan ko tapos ni isa sa mga kaibigan ko hindi ko alam kung saan ko hahagilapin. Yung mga motel naman akala mong gawa sa ginto yung higaan. Napakamahal!

Kinapa ko yung bulsa ko. Gusto ko biglang iuntog yung sarili ko sa sahig. 478 petot nalang yung pera ko. Kaya naman to kung may bahay ako eh pero pucha! Kahit banig wala ako.

"Mudrabels naman kasi eh. Bakit mo ko iniwan agad. Di mo man lang ako pinakilala sa tatay ko. Malay mo mayaman pala sya. De sana hindi mo inulila yung anak mong dukha." Natatawa nalang ako sa sarili ko habang kinakausap ko yung nanay ko sa langit. Parang sasagot naman kasi sya.

Nagulat na lang ako nung biglang May nagbaba ng pagkain sa harap ko.

"Oh, te. mukha kang gutom na gutom. Malinis yan promise."

Napaangat ako ng ulo. Aba hayop na to. Mukha ba kong pulubi?

Amoy pulubi pwede pa kasi naman hindi ako nagkachance makapag hilamos man lang bago ako pinalayas.

"Miss. May pambili ak--- Ash?!" Sya to. Hindi ako pwedeng magkamali.

"SCAAAAAAR?! Oh my G! What happen to you? Like mukha kang pulubi? I know mahirap ka pero hindi ko ineexpect na papanindigan mo." Maarteng sabi nya.

Minsan nagtataka ako pano kaming naging friends nito eh.

Isa sya sa VIP namin sa isang bar dati. To make the long story short, nasisante din ako sa trabaho ko non and sya lang ang nagtanggol sakin at kung ano ano ng pinagkukuda nya tungkol sa woman rights.

After non naging okay naman kami. Sobrang magkaiba kami in terms sa pamumuhay pero keri! Nakapagadjust sya.

"masaya akong makita ka ulit Ashley." Sarcastic na sabi ko. Ngumiti lang sya bago nya ko niyakap ng mahigpit.

Nahiya naman ako. Ang bango nya kasi.

"Medyo mabagsik yung amoy mo girl!" Tumatawang sabi nya sabay takip ng ilong. Natawa nalang din ako kasi kahit ako naaamoy ko and ng sarili ko.

"Saan punta mo nyan? Bakit ang dami mong dalang maleta?" Nagtatakang tanong nya nung napansin nya yung dalawang maleta ko.

"Oa ka din talaga minsan eh. Dalawa lang yan. Naglilipat kasi ako. Eh nag aabang ako ng taxi dito kaya ako nakaupo." Palusot ko. Hindi ko sasabihing malapit na kong mamatay sa gutom dito sa kalsada.

TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon