Chapter 12

167 2 0
                                    

(CHESIRE'S POV)

"CHESIReeE!" Parang bata na bati sa akin ni Lindsay pagkabukas ko nang pinto.

Tamo, sabi na eh mapapaagang dumating ang mga ito. See 5 daw  pero 4 dumating. Buti na lang talaga maaga akong nakarating dito sa room kundi magtataka ang mga ito.

"hello Lindsay." Sabay hug ko sa kanya. "teka parang ang dami niyong dala." Imik ko nang makita si kyle sa likod niya na maraming bitbit na papel.

"Dito na ata titira yang si Lindsay." Pabirong biro ni Kyle habang pumapasok.

"Tss.. Agad nang dito titira?" naiinis na sagot ni Lindsay kay nakatingin nang masama kay kyle.

"Ay naku tama na yan! Mag-aaway pa ata kayo." Tapos hinila ko si Lindsay papunta sa sofa at pinaupo. Si kyle naman sinabihan ko na lang na ipatong sa tapat namin ung mga dala niya tapos umupo din sa tabi ko.

"Nga pala Chesire nakikita mo to?" sabay turo niya dun sa necklace niya.

"Oo naman. Ang cute bagay sayo."

"EH! wow bait mo talaga Chesire!" Tapos hinug niya ako nang mabilis at tumingin kay kyle. " BLEH! sabi sayo bagay to sa akin!"

"Hahaha mukhang pinagtatalunan niyo ni kyle yan huh." imik ko pagkatapos niyang umimik.

Tapos tumayo ako para tingnan ung mga dala nilang mga papel. " Ano tong mga dala niyo?"

"Hmm, mga magagamit sa panunuod natin nang movies. May binili kaming mga cd's jan." sagot ni kyle na tinutulungan akong ilapag isa-isa sa mesa ung napamili nila.

Grabe, ibang klase din pala tong sina kyle mamili nang kakainin. Merong 3 pringles, 4 na picknik, 3 milk ice cream, 3 takuyaki, 5 poky, 3 cuppochino, 1 chocolate cake, 3 large zagu tapos isang malaking galon nang ice cream na kasya sa aming tatlo. Isama papapala ung popcorn na binili nila kanina.

"Pasensya na yan lang ang nabili namin ni Kyle nitatamad kasi ako kaninang gumala eh." Biglang imik ni Lindsay habang yapos yapos ung unan.

"Huh? Sigurado ka tinatamad kang mamili nang palagay na to?" sabay turo ko sa pagkain na nasa mesa.

"Oo." matipid na sagot ni Lindsay

"Hahaha. Grabe ka naman. Ang dami nito oh!" Natatwang sambit ko sa kanya.

"Naku, Ganyan talaga yang si Lindsay. Takot na takot pa nga na baka kulang pa daw ung napamili niya." Imik naman ni Kyle habang nakahawak sa balikat ko at may inaabot na cd. " Itong Princess Protection Program ang request niyang bata na mapanood."

"Ah sige." Tapos kinuha ko ung cd at dali-dali ko ung isinalang sa dvd player. After nun, dali-dali akong umupo sa gitna nina kyle na nagtatalo pa rin at kinuha ung popcorn para simulan.

After nang movie....,

zzzzzZZZZZZ

"mommy." Parang batang bulong ko habang dahang-dahang bumabagsak ang ulo ko at....

*Toinks*

Mahinang bagsak nang hawak kong pringles sa sahig na maging dahilan para dahan-dahan kong imulat ung mata ko.

Pagmulat ko una kong nakita ung TV na full black na lang. Mukhang natapos ung movie nang hindi ko man lang namamalayan. Tapos ung makalat na mesa dahil nang popcorn. Nagbatuhan nga pala ung dalawa kanina kasi ayaw magparaya sa pagbibigay nang popcorn.

Tapos after kong makita ung lamesa, dahan-dahan naman akong tumingin sa may bandang binti ko, at nakita kong tahimik lang na natutulog si Lindsay. hindi ko naiwasang mapangiti sa kanya. Hindi ko kasi ineexpect na ganito na agad kami ka close. I mean ilang araw pa lang kami magkasama. Siguro siya ang god's gift sa akin.

Strangers In Paradise(on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon