Chapter 7

165 4 0
                                    

(CHESIRE'S POV)

"Hello Kyle. Si Chesire to, asan ka ngayon?" Pakikipagusap ko kay kyle after kong mahiram ang cellphone nitong si michael look-alike.

"Oh Chesire? Nakabili ka din pala nang sim mo. Nandito ako sa plaza, ikaw nasan ka? puntahan kita." Sagot ni Kyle sa kabilang linya.

"No, wala pa akong nabibiling sim, sumakit ung tiyan ko kaya nagpasama ako sa isang kakilala ko pabalik ng resort." Tapos tumawa si michael look-alike sa sinabi ko kaya hinampas ko siya para tumigil. Mahirap na't baka marinig ni kyle.

"Ah ganun ba? Siya sige kita-kits na lang tayo sa resort. Mag-ingat ka jan sa kasama mo huh, baka kung ano gawin sayo."

"Naku siya nga ang dapat maghanda at baka hindi siya makarating ng buhay sa resort. Siya sige kita-kits na lang tayo. Bye!" pagkatapos nung pagtawag kong un ibinalik ko din kaagad ung cellphone ni michael look-alike, habang siya naman natatawa sa mga narinig niya.

"Boyfriend mo ba yung tumawag?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Hindi. Pwede ba huminto ka na sa kakatawa mo jan? Nakakainis ka na huh!" sabay hampas ko sa kanya.

"Ouch wag naman. Ikaw naman kasi kelan pa ba naging sakit sa tiyan  ang nangyare sa paa mo?" Tapos tumawa na ulit siya.

"Tss.. Kaasar ka huh? tumigil ka na. Baka kasi kung anu isipin nun pagsinabi kong namamaga itong paa ko dahil sayo?" Konting konti na lang, mapipikon na ako. Isang banat pa at papektusan ko na to.

"Hahaha. Oo na nga, baka mamatay ako kakatawa bago dumating sa resort malapit na naman tayo."

"Buti naman. At tsaka, pwede ba? bilisan mo namang maglakad kasi hirap na hirap na ako sa tayo ko."

"Wow naman, sa tingin mo ikaw lang nahihirapan? Kung mas tutuusin nga mas mahirap tong tayo ko."

"Eh kasi nga bilisan mo nanghindi ka nagrereklamo." Pagbibiro kong asar sa kanya.

"Ibaling ba naman sa akin ang paghihinaing? ayos ka rin huh."

Tapos hindi ko na sinundan ang sagot niyang yun sa akin. Naawa din kasi ako sa kanya, alam ko naman pagod na siya dahil kanina pa niya akong bitbit pero matatapos na naman ung paghihirap niya kasi natatanaw ko na ung resort namin at maibababa na niya ako.

"Yan ok na ako dito, Ibaba mo na ako." Imik ko agad sa kanya pagkarating namin sa entrance ng resort.

"Dun na kita ibababa sa clinic nang matingnan yan paa mo. Baka lumala pa." Sabay pasok niya dun sa resort.

Naglalakad na kami papunta sa clinic ng isang lalakeng naka-amerikana ang lumapit sa amin. "Sir? What happen?"

"Help me bring her to the clinic. Nabalian ata siya ng buto sa paa." Imik ni michael look-alike habang dahan-dahan akong ibinababa.

"Yes sir." Tapos ung lalaki naman binuhat ako gamit ang kanyang braso. " How about you sir? Kailangan niyo po ba ng tulong?"

"I just need rest. Go bring her  to the clinic. Susunod na lang ako sa inyo may dadaanan lang ako. And tell the nurse to check her right away."

"Yes sir." Magsisimula nang maglakad si kuyang naka-amerikana nang tawagan ko si michael look a-like.

"Teka, michael look a-like! saan ka pupunta? you can't leave me here." Ayan dahil sa kaka-english nila nahawa na ako.

"Just trust me, You can rely to them." un lang ung sinabi ni michael look-alike, tapos nagsimula nang maglakad si manong.

Pagkarating namin nang clinic, pinaupo agad ako ni Manong na naka-amerikana sa isang bed dun tapos umalis saglit para tumawag nang nurse na magaasikaso sa akin. Shiftings atta nang nurse ngayon kaya saktong pagkarating namin dito wala pa ung naka-duting nurse.

Strangers In Paradise(on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon