Chapter 4

1.9K 45 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Mas maaga akong sinundo ni Xandrei and I don't even know why were on the rush.

"Ano bang problema mo?", tanong ko kay Xandrei

Pero nanatili siyang tahimik at deretso ang tingin sa daan.

"Okay fine", inis na sabi ko

Ano na naman bang problema at hindi niya ko kinikibo? Wala naman akong maalalang ginawa/nagawa ko. Geeez. It really bothers me when he doesn't even utter any single word.

-

"Will you be okay?", biglang tanong ni Xandrei

"At bakit naman hindi?", sagot ko

"This is Adonis' birthday for pete's sake. He's your fucking ex", sabi niya

Napatawa ako ng mahina. Kailangan ba niyang ipamukha saking ex ko na lang ang lalakeng mahal ko?

"Exactly. My ex. Past. Tapos na. Nothing to worry about. It's not like, gagawa ako ng eskandalo dito. Hindi ako eskandalosang tao Drei", sabi ko

I am a well educated person, so why the hell would I make a scene to party that isn't even prepared for me? Geez.

"You're not really good in lying. Hindi ka rin magaling umarte. 'Wag ako, hindi mo ko maloloko. Tss", masungit na sabi niya

Napairap na lang ako. Maya-maya pa nakita ko na sila Mommy at Daddy kasama si Shyla. But, they don't look fine. Parang may problema?

Napatingin sila dito at ngumiti ako saka ako kumaway sa kanila. Agad naman silang nagtungo papunta sa table namin.

"Hi mom, dad, Shy. Good evening!", masayang bati ko

Pero ni isa sa kanila walang nagsalita at pumansin sakin. Pati si Shyla. I wonder why?

"May problema ba?", bulong ko kay Shyla

Umupo kasi siya sa tabi ko. Pero umiling lang siya at nginitian ako. Napatango na lang ako, pero alam kong may problema talaga. Hindi na lang din ako nagtanong pa, dahil alam kong hindi rin naman nila sasabihin sakin.

"Ehem"

Napatingin kami sa harap nung biglang may magsalita sa harapan. And I saw him there standing on stage wearing his freaking tuxedo and it really suits him well.

"Thank you everyone for coming tonight. Aside from my birthday, I also want to propose to that someone who won my heart", sabi ni Adonis

What? What is he saying? Pagkatapos niya kong iwanan, isang araw pa lang ang nakalipas, magpropropose na siya? Is he even serious?

"Skyla", tawag sakin ni Xandrei

Pero hindi ko siya pinansin at pinanood kong maglakad si Adonis papunta sa kinaroroonan namin.

"Wait, why is he heading towards here?", nakangiti kong sabi

"Skyla", pagtawg ulit sakin n Xandrei

Isang matamis na ngiti ang ipinakita ko sa kanya. So, did they planned this? Him, proposing to me on his birthday party? Woah. I really thought he fell out of love.

"Ad", nakangiting sabi ko sakanya nung tumigil siya sa harapan ko

Tinitigan niya ko saglit saka niya ko nilagpasan. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ko at pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko.

"Woah", sabi ko

Tumigil siya sa tapat ng kakambal ko at lumuhod sa harapan nito. Napapikit sina Daddy at Mommy, maski si Xandrei.

So, ito ba? Ito ba ang problema? Lahat sila may alam, samantalang ako pinagmukha nila kong tanga?

"Adonis, no", umiiling na sabi ni Shyla

Pakiramdam ko napako ako sa kinauupuan ko. As much I want to runaway, I just can't.

And now, here I am sitting watching the man I love proposing infront of my sister. Wala na bang mas sasakit dito?

"I want to start a new life with you. I want to fulfill all of my dreams with you. I want to be happy with you. Not only you, but with our child", sabi ni Adonis

Napanganga ako sa sinabi niya. Unti-unting nagbagsakan ang mga luha ko.

Napatingin sa may gawi ko si Shyla habang umiiyak siya. Napayuko na lang ako. This is such a piece of shit.

"Let's give our child the happy family he/she deserves. Shyla Mari Rodriguez, will you marry me?", sabi ni Adonis

Nagsimulang magbulungan ang mga tao dito. Hanggang sa biglang tumahimik ang lahat. Tumahimik ang paligid at pakiramdam ko, lahat ng tao naghihintay ng sagot ng kapatid ko.

Napatayo ako at nagpunas ng luha. Akmang aalis ako pero hinawakan ni Shyla ang kamay ko.

"S-Sky", umiiyak na sabi niya

Lumapit ako sa kanya at isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"Skyla!", sigaw ni Daddy

Hinawakan ni Xandrei ang kamay ko, pero hindi ko sila pinansin.

"Ang galing mo. Ilang araw kang nawala, tapos pagbalik mo, nasayo na yung lalaking mahal ko. Why? Anong masamang ginawa ko sayo para saktan mo ko ng ganito? Of all people Shy, bakit ikaw pa? Baka kung ibang tao, mas matatanggap ko pa. Pero bakit ikaw na kapatid ko pa?", deretsong sabi ko

Tumayo si Adonis at hinarap niya ko. Napapikit ako at pagmulat ko isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Adonis.

"Walang hiya ka. Pati kakambal ko tinalo mo. Gago ka. Wala akong matandaang ginawa ko sayo, para gaguhin mo ko. At sa dinami-dami ng pwede mong maging babae, bakit kapatid ko pa? Kahit konti, ni hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ko? Kung gaano magiging kasakit sakin ang lahat?", sabi ko kay Adonis

Nanatili silang tahimik at wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita.

"Pinagkatiwalaan ko kayo. Pero hindi ko lubos maisip na kayong dalawa pa ang tratraydor sakin at mananakit sakin ng ganito", sabi ko

Saka ko sila tinalikuran at hinarap ni Xandrei.

"May alam ka ba dito?", tanong ko sa kanya

Pero yumuko lang siya at hindi sumagot. Napatawa na lang ako at pumalakpak ng mabagal.

"Ang gagaling niyong lahat. Salamat ha? Salamat sa panloloko niyo sakin. I appreciate it a lot", sabi ko

"Sky, hindi ko trabaho na sabihin sayo. I am not Adonis. Siya ang dapat magsabi sayo at hindi ako", sagot ni Xandrei

Natahimik ako. He has a point but still it doesn't change the fact that I am hurt.

"Let's go", sabi ko kay Xandrei

"What?", tanong niya

"Take me out of here. Kapag tumagal pa ko dito, pakiramdam ko, mamamatay ako", sabi ko

Saka na ko naunang naglakad paalis.

Ang bigat sa pakiramdam ang bawat paghakhang ko. Hindi ko rin mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Is this even my fate? Am I born to be hurt like this? Am I born to be fooled? If yes, how I wish na sana hindi na lang ako nabuhay pa sa mundong 'to.

My Destiny (Completed)Where stories live. Discover now