Chapter 3

2.4K 46 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Napabangon ako at napahawak ako sa ulo ko. Geeez, bakit ang sakit ng ulo ko?

"Ayan. Masakit ba? Inom pa kasi ha?", natatawang sabi niya

Napailing ako at napangiti. Lumapit siya sakin at umupo sa harapan ko.

"Good morning", nakangiting bati ko sa kanya

Pero nginitian niya lang ako at nanatili siyang nakatitig sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin? Na-miss mo ba masyado ang maganda kong mukha? Ilang araw ka lang nawala tapos—"

Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla niya kong yakapin ng mahigpit.

"I'm sorry Sky. I'm really really sorry", mahinang sabi niya

Niyakap ko siya pabalik at napangiti. Siraulo na yata 'to.

"Sorry for what Shy?", nagtataka kong tanong

"For everything", sagot niya

Tapos naramdaman kong nababasa ang damit ko kaya inilayo ko siya sakin at nakita kong umiiyak siya. Napatawa siya tapos nagpunas siya ng luha.

"Hey, what's wrong? Bakit ka umiiyak?", nag-aalalang tanong ko

May nasabi ba kong masama? Masama ba mag-good morning? Masyado ba kong maganda kaya naiyak siya?

"Wala. Haha. Basta, I'm sorry Sky", sabi niya

Napatawa ako at pinunasan ang luha niya.

"Geez. Aga aga nagdradrama ang kakambal ko. Para kang siraulo", natatawang sabi ko

Tumawa lang siya. Tapos bigla siyang tumayo.

"Bumaba ka na. Kakain pa tayo", sabi niya

Tumango na lang ako Ngumiti siya tapos lumabas na siya ng kwarto ko. She's... weird.

Nabalik ako sa diwa nung biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, si Xandrei.

"Good morninggggg!", masayang bati ko

"Anong maganda sa umaga?", sagot niya

"Ako", natatawang sagot ko

Nag-tss lang siya. Napatawa na lang ako.

"Blue ang isuot mong dress mamaya para parehas tayo. I'll be your escort for tonight", biglang sabi niya

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. He will be my escort for tonight.

"Sky", tawag niya sakin

"Ha? Ah oo. Bibili ako ng blue dress mamaya. Gotta hang up. See you later Xandrei. Bye", sabi ko

Narinig ko pa siyang nagsalita pero pinatay ko na ang tawag.

Sinubukan kong huwag umiyak pero traydor ang mga luha ko. Naaalala ko na.

Kaya pala masakit ang ulo ko, because I was drunk. I was drunk because we broke up. We broke up because he fell out of love. He fell out of love because I wasn't enough.

Napailing na lang ako at nagpunas ng luha. Dumeretso ako sa banyo at naligo. Mag-sshopping na lang ako, pampawala ng stress.

-

Pagkatapos kong maligo at magpalit, bumaba na ko. Bumungad sakin ang seryosong mukha ni Daddy. Uh oh. May sinabi kaya si Xandrei? Geeez!

"Good morning Mom! Dad!", masayang bati ko

My Destiny (Completed)Where stories live. Discover now