Diyes (10)

112K 1.3K 79
                                    

UPDATE PO!!!

DO VOTE AND COMMENT PARA SIPAGIN AGAD AKONG MAG-UPDATE :">

THANKS FOR READING THIS CHAP. ♥ GOODVIBES

James!!! Over there ---->

-----------------------------------------

Diyes (10)

Sa mga sumunod na araw, maraming nangyari. NANGYARI??? Oi!!! Mga naiisip niyo ah!!! Walang ganun!!!! Hindi naman in-announce ni James sa buong restaurant na 'mag-asawa' kami. Kaming dalawa pa lang ata ang nakakaalam? Nagpagawa pa siya ng pekeng wedding ring... tapos pinasuot niya yung isa sakin at yung isa, sa kanya. Nagpagawa rin siya ng fake marriage contract sa kakilala niya. Grabe lungs!

"Alam mo bang sagrado ang kasal? Di dapat natin to ginagawa eh!"

Sabi ko sa kanya habang nakasakay kami sa kotse niya galing dun sa pinagawaan niya ng fake marriage contract. Nakokonsensya lang talaga ako. Banal yun eh! KASAL ! Jesus!

"Ano gusto mo??? Totohanin ko na?! Hehehe!!!" Tumawa-tawa pa siya habang nagmamaneho. Hindi ko na lang sinagot. Alam ko namang nagbibiro siya eh!

Tinignan ko ulit yung contract. Parang TOTOO. Kala mo kinasal talaga eh. May pirma pa namin... pati ng kung sino-sino na authorized magpirma.

Hinatid niya ako pauwi. Dun mismo sa tapat ng boarding house na tinutulyan ko. At ayaw niyang magpaawat.. kasi, sinamahan niya pa ako hanggang sa loob ng room ko. Yung mga housemates ko, nakatingin samin. GWAPO ba naman ang kasama ko eh.. di ka ba naman sundan ng tingin, diba?! Maglaway sila!!! Harhar.

"Dito ka natutulog?" Tanong niya habang palinga-linga sa loob ng kwarto ko.

"Obvious ba???? Alangan namang sa kwarto ng iba?!" Sagot ko naman tapos ay umupo ako sa kama at hinubad...

Yung SAPATOS.

Kung anu-anu na naman naiisip niyo ah?!!! Mag gobilam kayo!!! WAHAHA! Yung mukha ni James, parang nag-oobserve sa kwarto. OO na! cheap na kung cheap! Eto lang malapit sa resto eh. Tsaka alam ko namang mayaman siya eh. Kaya magkaiba ang itsura ng bahay namin.

"Hindi ka ba.. ginugulo ng iba dito?" Tanong niya.

"Hindi naman.. puro naman kami babae sa boarding house eh. Hindi tumatanggap ng lalaki except sa bisita lang.Tsaka, IKAW lang naman ang panggulo sa buhay ko eh!!!" Inismiran niya lang ako. Psh.

Nagpahinga muna siya ng mga ilang minuto lang naman at sinabi niya ang mga bagay na dapat kong gawin kapag naipakilala niya ako sa lola niya. Maygahd. For sure daw kasi na makakarating yun kay Lola Victoria since alam ni Ericka na married na siya. Maya-maya umuwi na rin siya.

Home Sweet Home [Book 1 & 2 PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon