Dos (2)

141K 1.8K 197
                                    

THIS CHAPTER WAS REVISED BY THE AUTHOR (NOT EDITED) TO MAKE IT PRESENTABLE.

***

I sighed, "Nagugutom na talaga ako..." Sambit ko bigla sabay hawak sa tiyan ko.

Paglabas ko ng kwarto, patay lahat ng ilaw at habang pababa ako ng hagdan, pakapa-kapa pa ako. Medyo nakakatakot kasi ang dilim. Pero tomguts na talaga ako, eh. Walang multo-multo pag gutom ako.

Nakarating naman ako nang buhay sa kusina gamit ang liwanag na galing sa cellphone ko. Binuksan ko ‘yung ref  at may nakita akong bacon. Tulog naman sila eh, pwede naman sigurong kumuha ako? Dumukot ako ng tasty bread at pinalaman ang bacon. Oh diba, lakas maka-breakfast.

Habang busy ako sa paglunok ng tubig pagkatapos nguyain yung tinapay, halos mabuga ko yung laman ng bibig ko ng may naramdaman akong nag-bump sa’kin. 

 “Ah!” Sabay naming nasambit nung lalaking nakabunggo ko sa may bungad ng kusina. Hindi ko siya nakita kasi madilim eh. Sa nerbyos ko, tinapat ko agad sa mukha niya yung liwanag ng cellphone ko at baka aswang na pala ‘tong kaharap ko.

 Aba, tao pala siya, at gwapo.

"Hey! Who are you?" Tanong niya sakin tapos napataas lang yung isa kong kilay. Siya ata ang dapat tanungin ko ng ganyan diba?

"Who are you your face!” Bulalas ko, “Ikaw, sino ka? Bakit nasa loob ka ng bahay na ‘to? At gabi pa? If i know, magnanakaw ka.” Tinuro ko ‘yung mukha niya, “Magnanakaw ka noh? Magnanakaw!” Bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya tapos, ang sama ng tingin niya sakin.

"Hoy, wag ka ngang maingay! Gusto mo bang magising sila?! Ano’ng magnanakaw ang pinagsasabi mo dyan, ha?" Sabi niya nang mahina with glaring eyes habang nasa bibig ko parin ang kamay niya.

Kinagat ko yung daliri niya na nakatakip sa bibig ko. Self-defense, kumbaga.

“Aray!" Namimilipit niyang sabi habang hawak-hawak ang daliri niya.

Nakakuha naman ako ng chance para sumigaw nang pagkalakas-lakas, "Magnanakaw! Magnanak—“

 Naramdaman ko na lang bigla ‘yung pagdikit ng labi niya sa labi ko. Rapist! Rapist! Hinampas-hampas ko pa siya sa braso at ayaw niyang lumayo. Walanghiya ‘to, saan siya nakapulot ng kapal ng mukha para halikan ako? Pwede naman kasing magpaalam muna diba, diba? 

"Pag di ka pa tumahimik...” He glared, “mas malala pa dyan ang gagawin ko!" Napalunok naman ako ng laway dun sa sinabi niya. Ako lang ba nag-iisip ng masama sa pagkakasabi niya? Mas malala daw sa halik? Sana mali ang naiisip ko.

Tinakpan ko na lang yung bibig ko bilang pagtahimik at pagsunod sa sinabi niya. Ayokong ma-rape noh! Duh.

"Katulong ka ba dito?! Papasok na ako sa kwarto ko at patayin mo ang ilaw."

Tapos, tumalikod na siya at umakyat sa hagdan. Kwarto niya? Dito ba siya nakatira? Kaano-ano naman siya ni Donya Victoria?! Di naman pwedeng personal body guard ‘no? Ang gwapo niya masyado. Eh baka naman jowa siya nung matanda? 

Hinalikan niya ako..

Ay pota. Nagkukusang flashback ang utak?! Naalala ko na naman yung halik niya! Buong buhay ko ngayon lang ako nahalikan ng sobrang tagal! Promise. Tsaka, yung halik niya, may kung anong powers!  Kelan pa ba naging good kisser ang magnanakaw?!

HELLO?! Magnanakaw siya ng halik!

Home Sweet Home [Book 1 & 2 PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon