Chapter 2: Ang Pagbibinyag

54 2 0
                                    

At dito na nga naganap ang pagbibinyag kay Prinsesa Biik. Kahit siya ay maliit pa lamang, kitang- kita ang kagandahang taglay nito. Sa bawat ngiting lumalabas sa kanyang mapupulang labi, sa kanyang mga nakakakahawa at cute na cute na mga halakhak at sa kanyang mala- bituin na mata. 

Napaka- engrande ng binyag ni Prinsesa Biik. May mga prutas at mga gulay, tutal halos lahat naman ng bisita ay mga hayop. Nandun sila Bing Kambing, Poot Tupa at si Manny Manok, na halos inubos na ang kanin sa handaan.

At habang nagkakainan, dito na nga nagsalita si Haring Baboy,

" Maaari ko bang tawagin ang lahat ng mga pinili kong Ninang at ninong ng aking anak para sa mga hiling." wika niya habang sumusulyap sa kanyang anak na hawak hawak ni Reyna Baboy.

Pumunta si Cal Kalabaw sa harapan,

" Uhmmm. My wish for the princess is to be beautiful, sexy and smart." sabi niya habang nakangiti sa mga bisita.

" Ano daw?" tanong ni Bobby Bibe habang nakalingon kay Manny Manok.

" Aba ewan! Byutipul daw? Tas parang may narinig ako na siksi? Ano akala niya magbo-bold star yang prinsesa?" mabilis na sagot naman ni Manny Manok na para bang litong- lito.

Samantala,

Naglalakad si Alidintona sa gubat nang may maamoy siyang kakaiba.

" Ano kaya iyon? May naaamoy akong kasinungalingan?" sabi niya.

Sinundan ni Alidintona ang amoy at siya ay napadpad sa.....

" ABA.. ABA! NAGSIMULA NA PALA ANG SELEBRASYON?" 

Nagulat ang lahat. Nanginig ang iba nang makita ang babaeng naka- itim na cape.

" SI... ALIDINTONA! ANONG GINAGAWA MO DITO? PAANO KA NAKAPUNTA DITO" gulat na gulat na tanong ng Hari.

" Nakalimutan niyo na ba ang usapan natin? Aba aba.. Parang ang bilis mo naman makalimot? At tinatanong mo kung paano ako nakapunta dito?" tanong ni Alidintona habang itinuturo ang kanyang malaking ilong.

" Patawarin mo kami! Hindi namin sinasadyang makalimutan ka! Sana hindi mo kami isumpa o patayin! Wag na wag!" sigaw naman ni Reyna Baboy na halatang naluluha- luha pa nga.

" Isumpa? Patayin? Muwahaha! Hindi naman ako ganun kasama para gawin iyon. Kalimutan niyo na yun! Asus naman! So, parang binibigyan na ng mga hiling ang prinsesa? Maaari na ba akong magsalita?" wika ni Aldintona habang hawak- hawak ang kanyang mahiwagang istick na siyang ginagamit niya sa kanyang mga kapangyarihan.

" Oo. oo..Sige ba." sagot ni Haring Baboy na parang takot na takot.

Dahan- dahang lumapit si Alidintona sa prinsesa,

" Aba! Napaka- ganda naman ng batang ito?!" banggit ni Alidintona habang titig na titig sa bata.

" IKAW AY MAGIGING INOSENTE, MALINIS ANG KALOOBAN AT MAY BUSILAK NA PUSO. NGUNIT HINDI KO BABANGGITIN ANG SALITANG SEXY DAHIL..

SINUSUMPA KITANG MAGING MATABA! BALYENA! PARA MAHIRAPAN KA SA IYONG BUHAY! MUWAHAHAHAHAAHA!" wika ni Alidintona habang nilalagay ang kanyang istick sa ulo ng prinsesa. May mga nakakatakot na kulay berdeng usok at ilaw ang lumabas sa istick at bumalot sa buong katawan ng prinsesa.

"MUWAHAHAHAHA!" malakas na halkhak ni Alidintona at sa isang iglap bigla siyang naglaho.

Naghalakhakan ang mga bisita.

" Hahahahaha!"

" Anong kabaliwan yang ginawa niya?!"

Tuwang- tuwa ang mga bisitang bata dahil akala nila magic show ang nakita nila.

Ngumiti ang hari.

" Mataba pala. Haha! Ligtas na ang anak natin sa sumpa niya, Mahal." sabi ni Reyna Baboy.

" Oo nga. Ang ganda- gandang witch, tatanga- tanga naman!" sagot ng Hari.

May biglang sumigaw..

" That play ws epic! I loved it!" wika ni Cal Kalabaw.

" Ano daw?" bulong ni Bobby Bibe kay Manny Manok.

" Masusuntok ko na yang ingleserong kalabaw na yan eh!" mabilis na sagot ni Manny Manok.

To be continued... =))

Si Prinsesa Biik at si AlidintonaWhere stories live. Discover now