Chapter 1: Ang Kahilingan

49 2 0
                                    

Noong unang panahon ( Siguro panahon ni Lapu-lapu ),

Naninirahan sa isang maputik na kaharian ang pamilya nina Haring Baboy. Ginusto nilang magkaanak ni Reyna Baboy ngunit kahit ilang beses nilang subukan, tila mapagdamot ang tadhana. Doon nila naisip sumayaw sa Obando, kung saan sabi- sabi na kapag ikaw ay sumayaw dito, mabibiyayaan kayo ng anak.

Sumayaw sina Haring Baboy at Reyna Baboy ng Dougie, Gangnam Style at Harlem Shake. Hinabol pang sayawin ni Haring Baboy ang paborito niyang, " Gentleman ". At pagkatapos ng ilang buwang paghihintay, ayaw paring pagbigyan sila ng tadhana ( oo madamot talaga ang tadhana dito ). 

Dito na sila napilitan kumonsulta sa isang witch. Pinuntahan nila ang witch na si Alidintona, na may kapangyarihan na mala- Harry Potter. SIya ay maputi, maganda, balingkinitan ang katawan, may nakakatakot at dilaw na mga mata, may malaking ilong at may isang mahabang itim na cape. Pero nagbigay ng kondisyon si Adintona.

" Sa isang kondisyon, iimbitahan niyo dapat ako sa binyag at kaarawan ng magiging anak niyo. ( Humawak sa ulo na parang nalulungkot ) Matagal- tagal na rin akong hindi nakakakain ng masasarap na pagkain. Alam kong masasarap ang ihahanda ninyo dahil kayo ay mayaman. Payag ba kayo?" 

Agad namang sumagot ang mag-asawa,

" Sige ba. Basta't biyayaan mo kami ng anak." wika ng hari.

At dito na nga sila tinulungan ni Alidintona. 

Matapos ang ilang buwang paghihintay, dito na nga sila nabiyayaan ng anak. Pinanganak na nga si Prinsesa Biik. Nagbunyi ang buong kaharian dahil matagal nilang inantay ang prinsesa na siyang magmamana ng kaharian. 

Si Prinsesa Biik at si AlidintonaWhere stories live. Discover now