MGMMG4- LQ daw?

158 6 3
                                    

MGMMG4

Brey's POV

So ayun nga, napaliwanag ko na yung nangyari kahapon at for sure alam niyo na din yung side ni Freth at nga pala wag kayo maingay kay Xei tungkol sa nangyari kagabi ah? Baka magalit iyon. Bawas pogi points pa! Nandito na ako ngayon sa school gate at magpa-park na sana ako ng kotse ng biglang nakita ko si Xei na magpa-park na din ng kotse kaya inunahan ko siya nagpark doon sa pagpaparkan nya ng kotse. Pustahan uusok ilong nito haha! XD

"Hoy!!! Kung sino ka mang hampas lupa ka, lumabas ka dyan sa kotse mo!!" Ayun umuusok na ang ilong nung bumaba sya sa kotse nya. Kaya bumaba na ko.

"Oh Xei, ikaw pala?" Painosente kong sabi.

"Alisin mo yang kotse mo dyan!!! Hoy!" Ang cute nya pag nagagalit.

"Eh pano kung ayoko? Ako ang nauna." Nang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Aba! Para sabihin ko sayo, ako ang nauna dito!"

"Ako kaya!" Sabi ko.

"AKO!" Siya.

"Ako nga!" Ako.

"Ako sabi eh!" Siya.

Tinaas ko yung dalawa kong kamay at sinabing

"Okay! Fine, I give-up! Pero wala ka ng magagawa dahil nandyan na yung kotse ko. So pano ba yan? Mauna na ko. See you later, Xei" kinindatan ko siya at nagsimula ng maglalad palayo. Narinig ko pa syang sumigaw at sinumpa ako haha! Nakakatuwa ka talaga, Xei. You never fail me to like you.

Sziel/Xei's POV

"URGHHH!! GO TO HELL BASTARD!!" Fck this. Iniwan nya lang ako dito bwisit! May mga nakakita pa naman sa amin. Yung pride ko Aish!!!!!

Shyet! Kahit kailan talaga yong Brey na yon argh! Humanda talaga sakin yung ugok na iyon, babawi din ako sa kanya. Oh pano na to ngayon? Wala ng lot natitira dito, arghh that dumbass! Buti na lang may isang kotse na umalis kaya dun ako nalang nagpark. Okay late na ko,kaya naglakad ako ng mabilis papunta sa classroom at nandun na yung teacher kaya pustahan dadakdakan ako nyan.

"Ms. Yoon, why are you late? Did you know that I don't want late comers in my class but since blah blah blah blah blah blah blah" hindi ko na siya pinakinggan at dumiretso na ko sa upuan ko na katabi nung ugok.

"MS. YOON! ARE YOU LISTENING TO ME?!!! DID I ALLOW YOU TO SIT?!!" tumayo na lang ako at hindi sumagot.

"Pipi ka ba ha?! Bakit di ka sumasagot?" biglang tagalog -____-

"No, Maa'm" 

"Okay as I said a while ago, you have detention after class" nag-nod na lang ako at umupo kaya lang narinig kong tumatawa itong katabi ko kaya binigyan ko siya ng death glare.

"Hahah, Ayos ba?  Naagawan ka na nga ng bakante sa parking lot, na-late ka pa" binubwisit talaga ako netong isang ito eh.

"Pwede ba kung wala kang magawa sa buhay, wag mo kong idamay?"

"Ayoko nga, ang kulit mo kaya asarin ahahhaha" naiirita ako sa tawa niya. Sasagot na sana ako nang biglang

"MS. Yoon and Mr. Lee, I saw you two talking to each other. Can you share it to the class?" isa pa tong teacher na ito eh. Pa-epal. Teka nga *lightbulb*

"Ah Mrs. Torres, sabi po kasi ni Brey ang boring daw po ng klase niyo at ang daldal niyo pa daw. Inaantok na nga daw po siya eh kaya ako po bilang concern student, pinagsabihan ko po siya since yung class niyo nga ang pinaka-favorite ko eh kaya nainis po ako sa kanya." pwe, did I just say favorite? pshh. Tiningnan ko naman yung teacher namin at nag-uusok na yung ilong niya at si Brey naman ay di pa din nakaka-move on at nanlalaki pa ang mata haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Gambler Meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon