MGMMG2- The Unexpected Happening + Ideal Guy

142 7 2
                                    

Hello po. Pinalitan ko na nga pala yung title nito from Painful Tears to Mr. Gambler Meets Ms. Gangster. Kasi naisip ko na parang mas catchy sa paningin yung title na ganun kahit parang common na. Okay please vote and follow! Thankss ;**!!
'Author Euqin'

MGMMG2

Sziel's POV

Natapos na ang recess at lahat, hanggang ngayon lumulutang pa rin sa alapaap ang isip ko.

Euqin?! Sino ba yong babaeng yon? May alam kaya siya? Lumipas ang oras at puro yun lang ang nasa isip ko at di ko namalayan na uwian na pala.

Tumayo na ko agad at lumabas ng classroom, wala akong pinansin kahit sino kahit si Fiell dinedma ko lang. Nag-iisip pa rin ako hanggang sa biglang may humatak sa mga braso ko, ano ba yan bakit ba favorite ng mga tao ngayon manghatak ng braso ko? lumingon ako at

"Wait a minute, Young lady where do you think you're going?" si Freth lang pala.

"Uuwi? Malamang!"

"Huh?! Baka nalilimutan mo pinag-usapan natin?"

"Ang alin ba?!" wala namin kasi akong matandaan at busy pako kakaisip don sa Euqin na yon.

"Diba sasamahan mo pa ko mamaya magbayad ng utang ko?!" napa-palo ako sa noo ko. Aish oo nga pala nalimutan ko.

"Aish! Tara na nga!" hinila ko na siya papunta sa waiting shed at nag-abang kami ng taxi. Bat ba kasi hindi ko dinala yung kotse ko.

"Hoy Freth, bat ba hindi mo din dinala yung kotse mo? Magtataxi lang tuloy tayo papunta don!"

"Eh bakit ba? Eh sa trip ko eh! Walang basagan ng trip" kahit kailan wala talagang sense kausap tong hinayupak na toh. Nakakita naman kami ng taxi  at sumakay na.

"Maa'm, San po kayo?" tanong nung taxi driver. Alangan namang tricycle driver eh taxi nga yung pinara. Ay bwiset bat ko ba binabara sarili ko!

"Aish! San ba address nung pupuntahan naten?" tanong ko sa insan ko na to.

"Manong, sa Lucifer St. nga po"sabi netong pinsan ko.

What the?! Anung klaseng address yan? Lucifer? tangna ansama ng name ng street. Di na lang ako kumibo at baka kung anu pa masabi ko. Nakarating na kami sa address at tinignan ko yung paligid. Kaya pala Lucifer ang address, parang mga kampon ng kadiliman ang mga nakatira dito eh. Lahat nakaitim at walang mga nakangiti.

"Woy Freth, anu ba naman tong lugar na toh?" bulong ko sa pinsan ko.

"Aish! Di ko din alam eh! Peste kung alam ko lang na gantong lugar pala ito edi sana di na ko pumunta dito! Nakakatakot amp >.>" sabi nya na halata mong takot. Duwag pa man din tong pinsan ko haha.

"Eh bakit ba kasi dito?" tanong ko naman.

Mr. Gambler Meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon