/21/ The Conspiracy

102K 4.2K 2.7K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(Before the Akasha's Game)



[Karen Italia's POV]


HINDI magbabago ang hinaharap hangga't wala kang ginagawang aksyon sa kasalukuyan.

"Tinatawag mo ako, Karen?" napalingon ako at nakita ko siya na nakatayo di kalayuan, sinenyasan ko siya na tumabi sa'kin dito, "Hindi ba dapat nagpapahinga ka sa loob, anong ginagawa mo rito sa dalampasigan?" she said while her face is emotionless but I felt her care.

"Eliza, I'm okay." I assured her, "Ang mga bata?"

"Hinehele sa pagtulog ni Jill at Cloud ang kambal." Umupo siya katabi ko, sabay naming tinanaw ang alon na humahampas sa buhangin.

"I'm glad na pumunta ka rito. Akala ko hindi mo papansinin ang pagtawag ko." Tumingin ako sa kanya, "Thank you."

"What are you thanking for?" sagot niya, "Atsaka, kahit na nasa third floor ako ng mansyon ay narinig ko pa rin 'yang pagbulong mo, lalo pa't intentionally mo akong tinatawag sa hangin."

"Kaya nga hindi kita tinawag ng personal dahil ayokong may makakita na gusto kitang makausap."

"Alam ko, Karen, kaya nga 'ko pumunta rito eh." Sabi niya at tumingin na rin siya sa akin. "Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Anong kailangan mo?"

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa pagiging prangka niya, that's what I like about this girl, "Since sinabi mo na huwag na tayong magpaliguy-ligoy, alam ko rin na alam mo."

"Ang alin?" medyo natawa ko dahil siya 'tong nagsabi na huwag na kaming maraming segue.

"Bago ako manganak noon, sinabi ko kay Jill na muling bumalik ang kapangyarihan ko, that I can see again the future. And I guarantee that you heard it, you're just using your powers to constantly check the perimeter, if meron bang umaaligid na kalaban."

Nakita ko siya na tumango, "Yeah, I heard it pero never kong in-open sa kahit na sino."

"Si Jill man ay hindi namin ulit napag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon pagkatapos kong manganak, hanggang ngayon. Pero dahil nasasagap niya ang kapangyarihan ko... nakikita niya ang sarili niyang hinaharap."

"Future? You mean her own future, this time?"

"Jill is going to die."

Mas nangibabaw ang tunog ng paghampas ng alon, malapit nang lumubog ang araw pero wala pa ring nakakapansin ngayon na nawawala kami sa mansyon kaya dapat masabi ko na sa kanya ang dapat kong sabihin.

"Eliza, kaya kita gustong makausap dahil kakailanganin ko ang tulong mo." Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at kitang-kita ko ngayon sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa sinabi ko kanina, "Ayokong mangyari 'yon kay Jill, ayokong... ayokong may mangyaring masama sa kanya kaya—"

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Where stories live. Discover now