/1/ The Bargain

193K 6K 2.3K
                                    

"WE'RE  leaving

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"WE'RE  leaving." Napatingin kami sa kanila, tatlo sila at dala-dala ang kani-kanilang mga bagahe, habang kami ay nakaupo sa lounge area. Kanina'y pare-parehas lang kaming nakatanaw sa labas, ang malawak na dagat ng Isla Ingrata at ang tunog ng paghampas ng malakas na alon.

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Ismael kasabay ng pagbuga ng isang malalim na buntong hininga atsaka ito nagsalita, "Gusto kong magpasalamat sa loob tatlong taon na pagkupkop sa amin, Miss Eliza, Miss Morie at sa inyong lahat." Ako, si Cloud na nasa tabi ko at nasa kabilang sofa ang kambal na sila Eliza at Vince, si Dean naman ay nakatayo lang sa may bintana.

"The reasons?" Tanong ni Cloud.

"We also need a life," walang pag-aalinlangang sagot ni Ismael. "Thank you again for helping us. Good bye." Huli nitong sabi at umalis na sila ng kanyang mga kasama. Walang nag-imikan sa amin nang makaalis sila.

Si Ismael ay isa sa mga Peculiars na nakatakas noon mula sa Mnemosyne's Institute na kusang sumama sa itinayong headquarters ni Eliza dito sa Isla Ingrata. It's been three years since the first time I set my foot in this island, we are being chased again way back then but suddenly Eliza and her gang showed up to take us in this place. Surprisingly, Eliza managed to make her own Headquarters in the secluded island, kailangan mo pang magtravel by a vehicle for two hours bago ka makarating sa town proper ng area. Also, nagawa rin nilang likumin ang ilang mga Peculiars na nakatakas noon sa Mnemosyne's Institute.

"Bale, ilan na lang tayo?" Binasag ni Vince ang katahimikan sa pagtatanong.

"Eleven Peculiar survivors, then ako, si Palm, Eliza, Vince, Jill, her sister, and Cloud." Sagot ni Dean.

"It can't be helped," biglang dumating si Ate Karen habang karga ang isa sa mga kambal na anak niya. Kasunod niya si Palm na karga naman ang isa pa. "We cannot provide them what they have in MIP before." At muntik ko nang makalimutan, my sister, Karen, gave birth to healthy twin boys, Atticus and Beau, we named them after our real names, Atria and Beatrice. The twins are turning three years old this year. Tumayo ako at kinuha ko mula kay Ate si Atticus. Binaba naman ni Palm si Beau at tumakbo ito papunta kay Cloud para kumandong. I kissed Atticus' cheeks and the cute boy just giggled.

"Hindi pa naman tayo nagugutom 'di ba?" Sabi ni Vince. "I mean, lahat ng day jobs natin nasusuportahan naman 'tong pamamahay na 'to." Natawa kami sa sinabi ni Vince na 'pamamahay.' "Ba't kayo tumatawa? Hindi ba? Hindi naman sila nagugutom siguro kung bakit sila umaalis?"

Three years ago, nasa limampu halos ang bilang naming lahat dito. This headquarters... I mean, this old mansion have ten rooms, sapat sa bilang namin. It wasn't easy, we're like raising fifty children, and we need a stable financial support to sustain our daily needs. Kaya kinailangan naming magkaroon ng kanya-kanyang day jobs. Pero hindi rin namin kinaya, hanggang sa isang araw ay sinabi sa amin ni Eliza na mayroong magbibigay sa amin ng sponsor galing sa nakuha niyang kliyente noon, ginamit namin ang pera para mag-fund ng business at magkaroon kami ng regular na financial source. We entered farming and poultry business, lahat ng products ay binebenta namin sa town.

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Where stories live. Discover now