Ikalawang hiling

23 1 0
                                    

Woooshhhhhh*

Splaaaaashhhhhhh*

Ang sarap talaga maglaro sa ilalim ng ulan haha.

Balik na naman ako sa pagkabata nito.

Kung ulan lang ako siguro napapansin na niya ako ngayon, Ay wag nalang minsan ko lang siya makikita pag ulan ako. lols

Naglalakad nga pala ako pauwi sa amin, Since hindi ako nakadala ng payong susulitin ko nalang tong paglalaro ko sa ulan.

Nakakamiss ngang maligo kasama yung batang lalake na dati naming kapitbahay, Sayang nga lang lumipat sila.

Makatambay nga muna dito sa playground ng subdivision namin.

Hindi naman siguro ako magakakasakit, ang lakas kaya ng immune system ko. Alagang bear brand eh.

Sa swing muna ako uupo.Wala na akong pake kung may makakakita sa akin. Gusto ko munang mapag-isa.

His Pov


Medyo madilim na ang paligid habang naglalakad ako sa subdivision nila Jun.

Ang layo naman nang bahay nila mula sa Gate ng subdivision na to. Wala pa namang mga tricycle or kahit anong masasakyan -_- , kala mo na man kung gano kaliit tung subdivision na to palibhasa mayayaman halos nakatira.

crecccckkk*

*Creeeccckkk

Bakit tumutunog ang swing dito.

May multo ba O.O

Nagmadali akong naglakad. Tsss kainis talaga oh.

Hindi ko sinasadyang napalingon dun sa may swing sa playground.

Nagulat ako sa nakita ko. Isang babae na mukhang magkaedad lang kami at base sa nakita ko mukhang magkapareho rin kami ng school dahil sa uniform niya.

Kawawa naman, malapitan nga. Nung medyo naaninag ko na ang mukha niya. Siya pala yun.

Ano bang ginagawa nang babae to sa gitna nang ulan baka magkasakit pa ang labas pag nagtagal siya sa ulan.

"Miss??"

" Hindi ka ba giniginaw parang kanina ka pa nakababad sa ulan ah"

--------

Hala baka natutulog na to.

Hahawakan ko na saba siya sa balikat nung bigla siyang tumakbo.

"Miss sandali lang!! Yung panyo mo naiwan!!"

Sigaw ko at agad ko siyang sinundan dala dala yung panyo niya.

Grabe Runner ba siya, ang bilis niya talagang tumakbo hahaha napagod ako nun ah.

Nasaan na kaya siya hayssss. Sinayang ko na naman ang pagkakataon na binigay ni tadhana para maka usap siya.

Natakot siguro yun.

Eh bakit kasi nasa likod ka niya nakapwesto kanina baka inakala nun rapist ka.

Arrrrrghhhhhhh!!!

Bahala na, nasa akin naman yung panyo niya may rason na man ako para makausap siya ulit.

Sayang pagkakataon ko pa namang itanong kung ano ang pangalan niya.

Napatingin ako sa panyo niya. May naka Engrave dun na "L".

Hmm ano kaya pangalan niya.

Lexi

Lanna

Lena

pwede rin namang isa yun sa mga letra ng name niya.

Makapunta na nga sa bahay nila Jun baka nag aalala na yun sila dahil ang tagal kong nakarating.

Sana magkausap na kami.


her Pov


"Naaayyyyyyyyyy Tesssss!!!!!"

"Buksan niyo po angggg gateeee biliisssss"

Bahala na kung mabolabog ko ang mga kapitbahay basta makapasok lang ako sa bahay.

" Naaayyyyyy"

"Ano ba yan ang ingay. Sino Yann!"

"Nay tesss si Anna po ito."

"Anna? Juskong bata ka bat ka nagpakabasa sa ulan. pagagaglitan ka na naman ng Papa mo"

Sermon niya habang binubuksan ang gate namin.

"Nay bilisan niyo po may humahabol sa akin huhuhu mukhang rapist"

"Buti nalng di ka na paano, Sa susunod magpasundo ka na lang kay Karding. hay nakung bata ka kahit kailan ang tigas ng ulo. At ano napala mo ngayon muntik ka nang mapahamak sa katigasan ng ulo mo."

"Sorry na po Nay, di na po mauulit"

" Oh siya maligo ka na baka magkasakit pa ang labas mo at baka'y ikaw mapagalitan ng iyong papa kung magkakasakit ka"

"Sige po Nay"

at nagmadaling umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko.

Siya si Nay Tes. siya na ang nagsilbing nanay ko simula nang mamatay ang mama ko nung 7 years old palang ako. kaya Nanay na ang tawag ko sa kanya.

Buti nalang ang bilis kong tumakbo kanina kundi baka wala ng Lianna na nabubuhay ngayon.

Char lang

Makaligo na nga lang muna.

Sana makausap ko na siya.










Hiling Where stories live. Discover now