Chapter 1: The wedding (part one)

32 0 0
                                    

"Hooooyyyy!! Baklaaaaaa? Tapos ka na ba dyan? Ang tagal mo naman aber! Baka malate na tayo sa kasal mo anubey!" sigaw ni Tricia mula sa labas ng kwarto ko.

Waaaahh! This is it pansit! Kinakabahan ako. Kanina pa ko nakatayo dito sa harap ng whole body mirror ko. Di talaga ako mapakali! Kanina pa ko ayos ng ayos ng ayos dito sa damit at buhok ko. Feeling ko kasi may mali eh. Haaaayyy. Ganito ba talaga pag ikakasal na? Nagiging perfectionist bigla. Di naman kasi ako ganito eh.

"Hey LJ? Okay ka lang ba dyan? Nag aalala na kami dito." dinig kong sabi ni Verns.

Mukhang masyado na nga ako napatagal dito. Baka malate kami at mainip yung si Drew. Baka biglang umatras yun dahil ang tagal ko. Halaaa! Di yun pwede! Mainipin kasi yung si Drew eh. Short tempered. Pero kahit ganun siya, mahal na mahal ko siya. 5 years na kaming magboyfriend. Kaya naman nung napagdesisyunan ng parents namin na ikasal na kami, pumayag agad ako.

Ahhmm.. By the way. Im Lois Jane Francisco soon to be Villegas. 24 years old. Graduate ako ng Business Management sa Francisco University. Obviously sa pangalan palang ng university alam na sa amin yun. Pinakamayaman at pinakasikat na business tycoon ang dad ko. He is the Alberto Francisco. Marami siyang businesses. Airline companies, mall, resto and schools. My mom died nung pagkapanganak sakin kaya pinangalan nya sakin yung name ni mom. Dad loves me so much. Kahit only child lang ako hindi siya nagkulang ng pagmamahal sakin. He make sure that he has time for me. Di tulad ng iba na puro business at pera lang. Spoiled ako at madalas pasaway pero di ako gumagawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ni dad. Mahal ko siya masyado eh.

"Baby, is there a problem? We are so worried here. Pwede na ba kami pumasok?" dad said. Mukhang nag aalala nga sila.

"Yes dad you can come in. Tapos na ko" I said.

Mayamaya narinig ko na ang pagbukas nila ng pinto. Shocks! Sana magandahan sila sa wedding gown ko. Sinekreto ko kasi sa lahat yung itsura ng wedding gown ko eh. Para surprise. Hehe. Ako din kasi nagdesign.

"Okay lang ba?" I asked pagkaharap ko sa kanila.

"OMG! You're so maganda girl. I like your gown!!" tili ni Nicole.

"Okay lang? Friend, hindi okay lang yan! Its wonderful! Hindi ka mukhang princess. Mukha kang queen!!!!" sigaw ni Steph.

"Oh my baby. You're so gorgeous. Napaka ganda mo anak. S-Sayang h-hindi ito nakita ng m-mommy m-mo." mangiyak ngiyak na sabi ni dad.

Omygod. Umiiyak na naman si dad. Kagabi lang halos bumaha ng luha sa kwarto nung nag usap kami tapos mukhang may part two pa. I so love you dad.

"Dad, yan ka na naman eh. Babaha na naman dito. Diba sabi ko wala ng iyakan. Masisira make up ko oh."

Nakakatawa talaga tong si dad. Ang tapang sa ibang tao pero pag kaharap na ko nagpapakachildish na siya.

"I just cant help it baby. Di na kita magiging baby kasi magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya. Dont forget to visit me. Ngayon palang mamimiss na kita baby ko"

"Of course dad. I will miss you too."

sabi ko sabay kiss sa cheeks niya with matching malutong na sounds. Hehe.

"Aww.. ang sweet nyo talaga tito. Dont worry papasyal kami sa inyo para di nyo na isipin na mag isa kayo"

"Tricia's right tito. Nandito lang kami for you and also for LJ" Vern said.

"Count us in girls" sabay na sabi ni Nicole and Steph.

"Thank you girls. Halika nga kayo dito. Group hug tayo." aya sa kanila ni dad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's my wedding singerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon