Si Lois Jane Francisco ay isang anak ng pinakamayamang business tycoon sa buong bansa at sa ibang bansa. Ikakasal siya ngayon sa pinakasikat na actor dito sa pilipinas na si Andrew Villegas. Sinasabing ito na ang wedding of the century since parehas silang pinakamayaman at pinakasikat. Subalit, ngunit, datapwat. Paano kung ang groom to be ay tumakas at iniwan ang kanyang bride to be sa mismong harap ng simbahan? At ang taong sasalo sa bride to be dapat ay ang kanyang wedding singer? Matutuloy kaya ang naudlot na wedding of the century? O mas mangingibabaw pa din ang tunay na pag ibig?