ISANG KWENTONG PAG-IBIG

5.7K 10 13
                                    

“Matagal na panahon na kung tutuusin pero hanggang ngayon, naaawa pa rin ako sa aking sarili. Hinayaan kong mangayari ang bagay na noon pa ma’y akin nang kinatatakutan. Sariwa pa rin sa akin ang alaala ng gabing iyon kung kalian nadurog ang aking puso ng mga salitang hindi ko inakalang magmumula sa kanya. Nakipaghiwalay siya sa dahilang hindi ko makuha. Sa tuwing inaalala ko iyon, pakiramdam ko’y parang dinudurog ang aking puso sa pinakamaliit na butil. Noong mga panahong tinitigan niya ako, iba ang kanyang mga mata. Ang bawat niyang pagbigkas ay mabagal ngunit magulo, mahirap intindihin. Ang kanyang hininga’t mukha ay kapwa malamig nang hawakan ko. Hindi ko alam kung hindi ko ba talaga maintindihan ang paliwanag niya o sadyang alam ko ang gusto niyang sabihin kaya pilit kong pinakikitid ang aking pang-unawa para hindi masakit ang pagtanggap. Hanggang sa huli, napagtanto ko na lamang na gusto na niyang tapusin ang sa amin. Ang sakit sakit! Napakasakit!”

“Mahal na mahal ko siya. Ang bawat piraso nang nakaraan ay gusto kong balikan. Ang malambing niyang pagsuyo sa akin tuwing umaga. Kung paanong kahit paulit-ulit at matagal na panahon na niya akong kinakausap ay parang bago pa lamang kaming magkakilala. Sa tuwing kami’y magkahawak kamay parang may kuryenteng dumadaloy sa aking buong pagkatao. Ang ngiti niyang parang araw sa init at ginhawa at kung gaanong kaperpektong naiukit ang kanyang mukha. Mula sa manipis at pakurbang labi, ilong na matangos hanggang sa mga matang lubog at mapupungay na sa araw-araw ay nagpapagising sa aking katauhan. Sa bawat paglipas ng oras, gusto ko siyang balikan.”

“Unfair ako! Napakasama kong tao, napakahina kong lalaki. Napakahirap at napakasakit pero kailangan. Mahal na mahal ko siya alam ng Diyos iyon. Higit siya sa lahat ng mga babaeng minahal ko. Pero hindi ako nababagay para sa kanya. Pakiramdam ko hindi kailanman karapat dapat ang isang tulad ko para sa isang tulad niya. Para sa akin, siya’y ginto sa pinakamahal na halaga at ako ay isang hamak na tanso. Hindi lang iyon, kalawanging tanso. Sa tuwing bumabalik sa aking alaala ang mga pangyayaring halos magdala sa akin sa bingit ng kamatayan, parang ayoko nang mabuhay. Pero alam kong hindi sapat iyon. Halos bumigay ang buo kong katauhan nang makita ko siyang umiiyak at nasasaktan noong gabing maghiwalay kami. Ngunit kailangan kong panindigan ang aking desisyon. Kailangang maging buo ang aking loob para sabihin sa kanyang hindi ko na siya mahal. Kahit salungat ito sa sinisigaw nang aking puso, nagtagumpay ako! Tagumpay na sa buong buhay ko, batid kong labis kong pagdurusahan sa mahabang panahon. Gago ako ! Gago! Antagal-tagal kong hinintay ang babaeng pinapangarap ko subalit sa kabuktutan na aking nagawa, ang babaeng pinapangarap kong makasama hanggang pagtanda ay nawala.”

Alas otso ng umaga, isang basong gatas at tostadong pandesal ang gumising sa natutulog kong kamalayan. Dalawang oras mula ngayon, kailangang maging maaaga ako ng sampung minuto bago ang itinakdang oras ng aking final interview sa trabahong ilang buwan ko na ring pinaghihirapang makuha.

Huli na nang marinig ko ang alarm ng aking cellphone bilang pagpapaalala sa mga kailangan kong gawin sa araw na ito. Nakatutuwa’t binigyan ko pa ng kahulugan ang petsa ng araw sa kalendaryo. Sa araw na ito sana, limang taon na kaming magkasama. Sumakit bigla ang aking ulo. Limang taon… limang taon na rin pala ang lumipas mula nang kami’y maghiwalay. Naisip ko, panahon lang pala ang makakatulong para humupa ang lahat ngt sakit sa aking puso.

“Good morning po ma’am.”

“Good morning din po.”

Sana nga manong… sana nga magdilang anghel ka’t maging maganda ang araw na ito. Sana nga makapasa’t makapasok ako bilang DJ sa istasyon nang sa gayo’y magamit ko na rin ang kursong tinapos ko tatlong taon na ang nakararaan.

Sakto at pabukas pa lamang ang elevator pagkatapak ko sa napakalamig na gusali. Pero ayokong tumakbo’t habulin ang elevator. Twenty five minutes pa akong maaga sa itinakdang oras. Binabagalan ko ang aking lakad nang biglang isang pamilyar na lalaking matipuno ang pangangatawan ang agad na kumuha ng aking atensyon. Kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kagustuhan kong maaninag ang kabuuan ng kanyang mukha, minabuti kong habulin ang elevator. Pasara na sana ito nang isang kamay ang humawi’t agad akong nakapasok. Agad kong hinanap ang lalaki’t tiningala ang kanyang mukha. Mangiyakngiyak akong napailing at napaisip. Shit! Ano ba ‘tong nangyayari sa akin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISANG KWENTONG PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon