30: Get lost

109 1 2
                                    

TYRONE LIM

"Ang tagal mo naman magising" bungad ko kay Kayela pag labas niya ng kwarto niya.

"Anong-"

"Wala lang. New year ngayon, tapos patulog-tulog ka diyan. Matutulog ka buong taon niyan" sabi ko sa kanya.

"Eh bakit ka kasi andiyan?" tanong niya.

"I was waiting for you" sabi ko sa kanya.

"Eh malay ko ba kung may kakatagpuin kang dyosa ng dagat diyan" sabi niya saka umupo sa tabi ko. "Namimiss ko sila papang..."

Oo nga pala, ito ang unang taon na hindi niya makakasama ang papang niya.

"Handa naman ako sa mga ganito. Maaalala't maaalala ko sila. Ayoko rin namang malimutan sila. Kaya alam kong magpaparamdam at magpaparamdam talaga sila."

"Takot ako sa multo" biro ko sa kanya.

Ngumiti lang siya, at inilayo ang tingin sa akin. "Hanggang ngayon parang hindi ko pa rin naabsorb yung mga nangyayari. Hindi ako makapaniwalang nandito na naman ako, pakiramdam ko mas mahihirapan lang ako."

"Bakit, ano bang nagpapahirap sa'yo?" I asked her.

"Hindi naman pwedeng dito na lang ako habangbuhay" sagot niya.

"Gaano katagal mo ba planong tumira kina Jett?"

Umiling siya.

"Hindi ko nga alam, eh. Hindi naman namin napag-usapan ni Mr. Dominguez 'yong mga 'to. Siguro kapag 18 na ako? Pero ang tagal pa nun eh."

"Do you really have to go?"

"Oo naman. Kailangan. Alangan naman kung titira ako doon habangbuhay. Tsaka hindi madaling mabuhay sa mga Dominguez. Lalo na't nandoon si Jett..."

-

DESA VISITACION

"Puwede ba! 'Wag ka ngang lumalapit sa akin!" sigaw nung baduy na kaibigan ni Kayela kay Mac. Parehas lang sila ng kaibigan niya. Ano bang problema nila at ang lalakas ng loob nilang tratuhin nang normal sina Jett?

"Ang arte mo! Bakit naman ako lalapit sa'yo!!!" sigaw rin ni Mac.

Kanina pa sila nag-aasaran. Si Amiel, abala sa cellphone niya. Si Jett abala rin kakatingin sa relo niya. Si Kayela, hindi pa ata nagigising. Maga-alas dose na, wala pa rin siya rito. 

Ang alam ko nagpahinga lang siya sandali pagdating nila ni Jett. Saan kaya sila nagpunta? Bakit dalawa lang sila?

"Jea! Nasaan na ba 'yung kaibigan mo?!" sigaw ni Jett kay Jea.

"Hindi ko alam. Ano ba kasing sabi mo sa kanya?"

"Tinext ko na siya, pero wala pa rin siya rito! Gisingin mo nga!"

WOW! Nagkaka-text sila? Bakit?

"Mamaya lang nandito na 'yon! Kalma ka lang" sabi ni Jea at nagpatuloy na sa pagiihaw.

Hindi naman si Kayela 'yung klase ng babae na magugustuhan ni Jett. Imposible naman na mayroon silang relasyon tulad ng iniisip ko. But I can't help hating her.

Si Tyrone naman, nakita ko kanina papunta sa kwarto ni Kayela, baka naman magkasama na sila ngayon. Pero wala naman akong pakialam. Wala nang ibang tao na mahalaga sa akin, bukod kay Jett.

"Ah basta! 'Wag kang tatabi sa'kin!"

"At bakit naman kita tatabihan!"

Hindi pa rin natatapos 'yung sigawan nina Mac at Jea.

"Basta mamayang alas dose, 'wag na 'wag kang lalapit sa'kin"

Ang ingay-ingay. Parehas talaga sila nung kaibigan niyang si Kayela.

"Teka nga Jea, bakit ba ayaw mong tabihan ka ni Mac mamaya. Anong meron?"

Nilapag niya 'yung hawak niyang sipit, saka kami hinarap. "Hindi niyo ba alam 'yung paniniwala tuwing new year?" tanong niya.

"Mukha bang alam namin?" tanong ni Amiel.

"Kapag daw kasi bagong taon, 'yung taong makakatabi mo pagsapit ng alas-dose... siya ang makakasama mo buong taon" paliwanag niya saka humarap kay Mac. "At ayokong ikaw ang makasama ko buong taon 'no!!!"

Nagtawanan lang sina Mac at Amiel.

"Ang daming alam. Ikain mo 'yan, gutom lang tawag diyan. Kumain ka, sabihin pa ni Kayela ginugutom namin kaibigan niya" sabi ni Amiel sa kanya.

"Edi huwag kayong maniwala" sabi ni Jea at ipinagpatuloy na ulit ang pag-iihaw.

Tumayo si Amiel at lumapit kay Jea, "Ganito na lang. Tatabihan ka ni Mac mamayang alas dose. Tapos tignan natin kung magkakasama kayo buong taon!"

"Hoy, hoy! 'Wag mo nga kong itinataya diyan, Amiel. Kung gusto mo ikaw na lang ang tumabi diyan!"

Hindi ko na lang pinansin 'yung tatlo na nagaaway pa rin tungkol dun sa sinasabi ni Jea. Lumipat ako sa upuan ni Amiel kanina, sa tabi ni Jett at bumati sa kanya.

"Hi Jett" sabi ko sa kanya.

"Pinayagan ba kitang lumapit sa'kin?" masungit niyang sabi.

"Ha?" pagpapanggap ko na hindi ko narinig ang sinabi niya.

"At pinayagan ba kitang kausapin ako?"

"Eh?"

"Puwede ba! Don't act like we know each other!"

"Jett naman..."

Tumayo siya at nagpaalam kina Jea, "Pupuntahan ko si Kaykay. Baka kasi binabangungot na 'yung uhugin na 'yon!"

Pagkasabi niya nun, naglakad na siya. Wala naman akong gagawin kung wala siya, kaya sinundan ko siya.

"Teka Jett, hintayin mo ako."

Hindi niya ako pinansin, kaya sumunod na lang ako sa kanya. Nung malapit na kami, medyo napahinto siya kaya napahinto rin ako. Tapos narinig ko na lang na nagsasalita si Kayela.

"Oo naman. Kailangan. Alangan naman kung titira ako doon habangbuhay. Tsaka hindi madaling mabuhay sa mga Dominguez. Lalo na't nandoon si Jett..." Hindi ko narinig nang maayos 'yung mga una niyang sinabi. Narinig ko lang 'yung pangalan ni Jett.

"Mas pinapahirap niya 'yung sitwasyon naming dalawa. Mahirap siyang makasama. Hindi kami puwedeng magkasama nang matagal. Hindi maganda 'yung mangyayari kung magkakasama pa kami. Ayoko na siyang makasama. Kasi mas lalo... mas lalo lang akong nasasaktan. Magkakasakitan lang kami. Kaya nga mas mabuti kung umalis na ako hanggat maaga pa. Pero hindi-"

Hindi ko na narinig 'yung sumunod na sinabi niya. Nakita kong tinikom ni Jett yung kamao niya. Hindi ko man naintindihan 'yung mga sinabi ni Kayela, alam kong nagalit si Jett sa narinig niya.

Bigla niya na lang akong hinila, habang nakahawak 'yung kamay niya sa wrist ko. Huminto lang siya sa paglalakad nung nagsimula na 'yung fireworks display. Alas-dose na.

Hinarap ako ni Jett. "Bakit mo 'ko sinundan dun?! Get lost!" singhal niya bago ako iwan doon.

I knew it. Something's really fishy about that girl. I need to know what's going on between them.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now