✒ "Pangako"

290 8 3
                                    

Bawat hakbang sa buhay na aking tinatamasa

Binibilang ko't nag-aasam na ika'y makasama;

Wari'y may 'sang tinig na nagsasabing hintayin ka

Dahil sa pangakong binitawan mo sa 'sang umaga.

Ni walang ibang bagay na maihahambing sa'yo,

Sakripisyo't hinagpis, alay ko sa kahapong bigo:

Puso'y nangangamba, mababalikan pa ba kaya?

Dahil sa pangakong tinatanghali na't, wala ka pa.

Tambad sa 'king isipan, natatangi't nag-iisang ikaw

Pawang pag-asang makita kang muli sa pagdungaw:

Isipa'y naguguluhan kung nasaan ka na, aking sinta;

Pangakong takipsilim na't batid na yaring mga luha.

Balintataw [Koleksyon ng mga Tula]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon