✒ "Barko"

296 3 0
                                    

Nagsimula ang lahat nang tayo'y sumakay,

Ni hindi alam ang rutang dadaanan,

At sa pagkabigo mo'y sinisi'ng lahat;

Sa gabing minsa'y nalunod sa pag-iyak.

Nagsimula ang lahat nang tayo'y lumingon,

At kung mabigat na'ng ulap, ano'ng tugon?

Sa pagtapak mo sa andamyo ng saya

Mapapansing may luha'ng 'yong mga mata:

Nag-iwan nang lungkot kahit nakita na

Ang mga talang kaytagal na hinintay;

At sa paglisan mo sa iyong nasakyan,

Isang barkong muli ang matatagpuan.

Balintataw [Koleksyon ng mga Tula]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon