Four

12 0 0
                                    

Hot ang coffee

Alam kong hindi nya ako nakikita pero pakiramdam ko nahuli ako.

“Wala kang pakelam kung ano ang ginagawa ko! Gabing gabi na tawag ka pa ng tawag! Tapos na ang duty ko sayo, mister!” sabi ko habang sumisilip sa bintana ng kwartong tinutuluyan ko.

Posible kayang nakita nya ako? Phew.

I heard him chuckle, “What? I-check ko lang sana if tulog ka na pero mukhang gising na gising ka pa dahil ang bilis mong sumagot. You’re thinking of me kaya di ka makatulog, right?”

“Alam mo, summer ngayon pero ang lakas ng hangin mo! Gising pa ko dahil may research akong ginagawa—“ shit, ang daldal ko talaga.

“Oh, really? Research about what?” I can sense that an evil grin is now plastered on his face.

“A-about sa school! P-project namin—teka! Bakit ba tanong ka ng tanong? Wala kang pakelam.” Nang nasigurado kong wala sya sa labas ay humiga na ako na ako sa kama.

“I won’t buy that lil’ lady. Now… open the door.” Yeah, whatever. Wait, what?

“What door?—“

“I have your keys, so makakapasok ako kahit ‘di mo buksan.” Then I hear the door unlocks at iniluwa nito ang halimaw na si Jero.

“Ano’ng ginagawa mo dito!?” nakapameywang kong tanong sa kanya habang nakatayo sa ibabaw ng kama ko.

“Gusto ko ng kape, ipaggawa mo ako.” At saka sya humiga sa kama ko kaya pinagsisipa ko sya.

“Umalis ka nga dito! May coffeemaker doon sa tinutuluyan mo, ikaw na ang gumawa!” hindi naman kasi basta basta ‘tong beach resort nina Marga kaya sigurado ako na kumpleto lahat ng pangangailangan mo.

“Nah, para saan pa ang pagiging personal maid mo kung di mo susundin ang gusto ko.”

“Aba, teka! Wala sa usapan natin na pagsisilbihan padin kita kahit dis oras na ng gabi--” hindi ko na naman natapos ang speech ko sapagkat hinigit nya ako kaya nalaglag ako sa kanya.

“A-ano ba!? Bitiwan mo nga ako! Sisigaw ako ng rape sige ka!”

Ngayon ay nakakulong na ako sa mga bisig niya. Sinusubukan kong kumawala ngunit masyado syang malakas. Ano nga bang magagawa ko e masyado akong maliit para sa kanya? Hay, buhay.

I heard him chuckle. At pagkatapos ay bumulong siya sa may tainga ko using his bedroom voice na naging dahilan ng pagtayo ng mga balahibo ko. Kinikilabutan ako sa kanya. “Wala din naman sa usapan natin na bawal kang utusan kapag gabi. I’ll wait in my room. Doon mo na lang dalhin yung kape ko.”

“Bitiw nga sabi—“

Masyado ata akong nadala sa eksena sapagkat ngayon ko lamang na-realize na kanina pa pala syang nakalabas sa kwartong tinutuluyan ko. At ang lintek ay iniwang naka bukas ang pinto kaya naman pala biglang lumamig.

‘Hindi lumamig dahil bukas ang pinto, lumamig kasi nawala yung mainit na yakap niya sayo!’ sabi ng malanditera kong inner self.

Great, Estiva. Just great! Ngayon ay may malandi na din akong inner self. Anak ng potato.

Tumayo na ako at nagsuot ng jacket bago lumabas. Naka pink pyjamas lang kasi ako na tinernuhan ko ng pink din na spaghetti strap shirt. Malamig pala talaga kasi malakas yung ihip ng hangin lalo na dito sa may tabi ng dagat. Medyo malayo kasi sa tinutuluyan kong kwarto yung kay Jero. Syempre, doon ako lang ako sa mga normal rates na room pero itong si mahal na hari  syempre doon yan sa mamahalin.

Tingnan mo nga naman, nakapaglakad sya papunta sa tinutuluyan ko e ang layu-layo. Kung sya na lang kaya ang naggawa ng sarili nyang kape edi sana tulog na ako ngayon! Bwisit talaga.

Noong malapit na ako sa tinutuluyan niya ay saka ko lamang na-realize na hindi nga lang pala basta room iyon kundi parang isang maliit na bahay. Hindi ko na kasi ito napansin pa kaninang umaga noong nagpunta ako dahil masyadong occupied ng galit ang isip ko para mapansin pa ang mga ganitong bagay. Ocean view room with garden---  tutuloy ba naman ang mahal na hari nyo sa isang maliit na kwarto lang? Malamang hindi.

Dire-diretso akong pumasok at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko agad siya sa may kitchen, naka upo siya sa isang high stool chair malapit sa may bar at nakapangalumbaba.

“Tagal mo. Nagpaganda ka pa?” nakangisi niyang bungad sa akin.

Alam kong gwapo sya, given na yun. Kaya nga naging artista diba? Pero kumpara sa mga pictures nya na nagkalat sa internet-- na nakita ko kanina sa aking research kuno-- mas gwapo ang version ni Jero na nasa harap ko ngayon.

Naka white v-neck shirt at PJs din lang sya. Medyo gulo ang itim na buhok niya pero gwapo padin siyang tingnan. Masyadong perpekto ang hugis ng mga kilay niya, they give more definition to his eyes and forehead. Natural kaya ‘yon? Yung mga mata nya, masyadong powerful, kahit sino mai-intimidate kapag tinitigan niya. Nakakalusaw. Matangos din ang ilong niya at meron siyang mapupulang labi. His jawline is perfectly defined.

Hindi naman sa hamit na hamit ako sa mga gwapo. Sa totoo lang madaming gwapo dito sa Splash Cove with matching hard rock abs pa pero iba ‘tong si Jero eh. Hindi sya nakakaumay tingnan. Yes, pagkain lang ang peg. May mga gwapo kasi na nakakasawang tingnan pero sya hindi. Ang hot nya—

“Hey! Are you listening to me?” he snapped at me.

“Ha? Ah! Oo, nakikinig ako.”

Naka tayo na pala sya sa harapan ko pero di ko napansin agad. Masyado ata akong nai-space out ngayong mga nakaraang araw. Teka ano nga bang sinabi nya? Hindi ko kasi talaga napansin na kinakausap nya na pala ako kanina.

“Ano yung sinasabi mo kanina?” tanong nya habang pinaggagawa ko sya ng kape.

“H-ha? Ano bang sinabi ko kanina?”

Masyadong cliché pero wag nyong sabihin na sinasalita ko din ang mga nasa isip ko kanina? -_-

“Wala naman, sabi mo lang ang hot. Ang hot nino? Ako ba?” He said half smiling.

“Wala! Sabi ko ang hot ng kape. Oh, ayan inumin mo na. Babalik na ko sa kwarto ko!”

---

Ps. Mahal ko si Four. <3

Top SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon