Two

20 0 0
                                    

Hell week

“Oh… Hi Marga!” bati ni Jae este Jero sa papalapit na si Marga.

At kailan pa sila naging close? I mean, kailan pa nila naging kakilala ang isa’t isa? Oh well, my best friend is a fan girl so I guess she knows him pero paano naman makikilala ni Jero ‘tong si Marga—

‘Stupid. Of course makikilala nya si Marga kasi anak sya ng may ari nitong resort.’ Sabi ng matalino kong inner self. (a/n: WTH? Nasa loob ang talino? Lol)

‘Ikaw lang naman kasi ang hindi rich and famous, idadamay mo pa best friend mo.’ Sabi naman ng maldita kong inner self. Yeah, inaaway ako ng sarili ko. Like what the hell?

“So you and my best friend met already na pala.” Full of excitement na sabi ni Marga.

“Uh, technically… yes.” Sagot ni Jero.

I can clearly hear his ‘unfortunately… yes’ in that statement.

“Oh! That’s great then let’s—“ but before Marga finishes her sentence Jero cuts her off.

“So you’re friend here is working in your resort?”

Ano ‘to, U-turn na naman sakin ang usapan? Sige lang Jae, Jero or what-so-ever-your-name-is, ipamukha mo lang sakin na hindi ako rich and famous!

“Actually she doesn’t need to work here. She’s super mabait lang kasi kaya nag-insist sya na mag-work dito.” Pagtatanggol ni Marga saken.  

I stick out my tongue to Jero. Ewan ko ba, pero kahit na gwapo sya naiinis ako sa kanya.

He chuckled, “Oh… I see. But technically she’s working here now…” he looked at me before finishing his sentence so I gave him my ‘you-don’t-care-this-is-my-life’ look. “And as what I’ve read on your hand book, when you’re employee showed a negative attitude… there’s a punishment.”

Wait--- what?!               

“Ano’ng gusto mong iparating, mister? As far as I can remember, wala akong ginawang masama sayo!” Sigaw ko sa kanya then I heard a gasp coming out from Marga.

“Oh… really? So I guess your memory capacity isn’t that far.” He said while wearing his stupid grin.

After an hour and half (I guess) of arguing with him, nasunod padin ang gusto nya. So now I’m stuck for being his ‘Personal Maid’ during his entire stay here at Splash Cove. Like what-the-hell?!

And my best friend… my one and only best friend definitely agreed to this ‘shit’. I mean she should be at my side right? And now she’s telling me that it’ll be a hella exciting and romantic summer for me? She’s definitely craaaaazy!

“Kyaaa! I’m super excited for you Lauren! Look, ikaw ang makakasama nya during his entire stay here! I mean his ENTIRE stay here and according to Ate Emy nag-extend daw sya kasi hindi naman daw ganun ka higpit yung sched nya ngayon and he needs time to relax… So guess what?!” sabay hampas nya sa braso ko na naging dahilan ng pagkalaglag ng potato chip na dapat ay isusubo ko na.

“What?” I asked without bothering to look at her para makahalata sya na hindi ako intresado sa sinasabi nya.

Sinimot ko ulit ang nalaglag na chip at kinain. Madaming nagugutom sa panahon ngayon. Kahit hindi nakakabusog at hindi healthy sa katawan ang junk foods at kahit hindi naman mabubusog ang mga taong nagugutom kapag hindi ako mag-aaksaya ng pagkain, sinusunod ko padin ang turo ng aking ulirang ina.

“He’s going to stay here for one week!” she yelled out of excitement.

***

Maganda ang gising ko bago ko maalala na ‘Personal Maid’ nga pala ako ni Mr-Oh-So-Famous-Jero-Estiva. Bwisit talaga! Ugh.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng maong shorts at white V-neck shirt na ninenok ko pa sa kaibigan kong lalaki kaya medyo malaki ang size para sa akin.

Hindi sya importanteng tao para paghandaan ko pa kung anong isusuot ko. In his face! I also put my long black hair in a messy bun after kong tuyuin. I don’t usually wear make up at sinong matinong tao ang magme-make up sa loob ng resort? Photoshoot ang peg?

Palabas na ako ng kwartong tinutuluyan ko ng biglang nag-ring ang phone ko.

“Hello?”

“Good morning, anak. Punta ako jan sa resort mamaya. Magkita tayo.” Masiglang bati ng kausap ko sa kabilang linya.

“Good morning din po ma. Dapat nagtext ka na lang po, yun lang pala sasabihin mo eh.” Natatawa kong sagot. I miss my mom so much.

“Miss ko na kasi ang boses ng princess ko. Wag kang mag-alala marunong na akong mag-unli call. Hahahaha osige, mamaya na lang ‘nak. Ingat ka ha. I love you.” At bago pa ako makasagot ay na-end call na nya agad. Si mama talaga.

Secretary ng mommy ni Marga si mama sa office nila sa Manila, pero hindi na din surprise para sakin ang pag bisita nila dito. Palagi naman syang kasama ni Tita Margie kahit saan. Well, si Tito Anton (papa ni Marga) kasi talaga ang nagma-manage nitong resort. May ibang business na mina-manage si Tita Margie. See? Mayaman talaga sila.

Nag-ring na naman ang phone ko. May nakalimutan kayang sabihin si mama? Pero isang unknown number ang lumabas sa screen.

“Hello, sino to—“ hindi ko na natapos ang linya ko dahil sa sigaw ng balahurang lalaki sa kabilang linya.

“Mas nauna pang magising ang pagsisilbihan mo kesa sayo!? Nasan ka na? Pumunta ka na dito, madami akong ipapagawa sayo!” Aapila pa sana ako pero pinutol na nya ang tawag.

Bakit ang hilig ng mga taong magbaba ng phone call ng hindi pinapatapos ang kausap nila!? Lintek talaga yang Jero na yan! Bwisit!

One week—one hell week ko ba talagang papakisamahan ang ugali nya? I'm doomed.

Top SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon