Chapter Ten (Ending w/ Epilogue)

742 18 14
                                    

First of all, hindi pa pala ending yung kahapon. Haha, ang shunga ko lang po, sarreh. Nagtype po kasi ako nung madaling araw and ang haba niya para maging epilogue. So yun na lang yung ending. Kontento na ako sa ending, nasatisfy ko naman yung sarili ko eh. Haha. 

Anyway, dedicated kay PrincessKayleigh kasi nakita ko yung effort niya sa pagpupumilit sa akin. You rock! Haha. Para sayo 'tong ending, salamat sa paghihintay :">

***

Maddi's POV

Nakaupo lang ako sa kama ko habang naghihintay ng mag-aayos sa akin. Mamaya na gaganapin ang kasal ko. I'm just 15 years old at ikakasal na ako. Unbelievable.. pero I feel happy sa gagawin kong decision.

I smiled as I stare at the painting in my room, yung kiss namin ni Kyle sa labyrinth. Medyo awkward kapag pumapasok si Kyle sa kwarto ko kasi naaalala naming dalawa yung gabing yun... Si King Fero kasi eh! >//////<

*Knock* *Knock*

"Pasok po." Bumukas ang pinto at nakita ko si King Fero. Napatayo ako sa kama ko at ngumiti.

"Hello po." Hinug ko siya.

"Maddi, dear. Can we talk for a while?" I nodded tas umupo kami sa kama ko.

"You know dear... wala man akong memory sa mga naka-date ni Kyle, I still think you're the best for him.." ngumiti siya sa akin which made me blushed, "At the same time, ngayon ko lang siya nakitang masaya ulit... I know this is odd to say, but please take care of him. Kahit napaka-stubborn niya, wag ka sanang magsawa sa kanya, hmm?"

Ngumingiti lang ako sa sinasabi ni King Fero, kinakabahan kasi ako eh. I'm best for him? Eeh?

"Opo, wag po kayong mag-alala. Ako na pong bahala kay Kyle. Basta po ba alagaan niyo si Mommy."

He smiled back and placed his hand on my shoulder, "I'm very proud na ikaw ang maapangasawa ng anak ko."

"Why thank you. Haha." sabi ko at tumawa kaming dalawa.

"May gusto po pala akong hilingin..." sabi ko habang nakayuko.

 "And what is that, dear?"

Binulong ko sa kanya yung hiling ko, I saw him frown pero he smiled afterwards.

"Nakakalungkot man para samin, pero okay lang. I want you two to explore rin naman. Pumapayag ako, sasabihin ko na lang sa Mommy mo."

"Thank you very much po! Aalagaan ko po talaga si Kyle, makakasigurado po kayo dyan." sabi ko at ngumiti ng sobrang lapad.

He hugged me for the last time kasi it's time na ayusan na ako.

Tatlong servant ang pumasok sa kwarto ko, isa sa buhok, sa make-up, at isang tagapunas ng pawis. Pagkatapos bihisan, may bumukas ng pinto.. Si Kyle! O_________O

Bakit siya nandito?! Diba hindi pwedeng makita ng groom ang bride bago ang kasal! Baka hindi matuloy!

Napatayo ako sa upuan ko at pinaikot siya, "Maddi, anong problema?!"

"Hindi mo 'ko pwedeng makita! Bawal!"

"At bakit bawal?" lilingon pa sana siya pero tinakpan ko yung mga mata niya.

"Ano bang masama?"

"Basta!! Wag kang titingin! Kundi walang kasalang magaganap!"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga, niyakap niya ako habang nakatakip pa rin yung kamay ko sa mata niya.

"Tsk, isu-surprise mo pa ako ha." He smirked and kissed me on the forehead.

"Haha, umalis ka na. Excited ka masyado. Don't worry, di naman ako aalis eh!" sabi ko at ngumiti.

Past, Present, and Future (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon