Chapter Two

830 15 11
                                    

Mahaba ang story na ito, ewan. Haha. Pero I still call it a short story kasi.. short siya, marami lang parts kasi mahilig akong mag-cut ng stories. =))

Dedicated kay heartstringzs. ^_______^

Here goes Part 2 of PPF! XD

***

Kyle's POV

"Oh, asan na si Maddi?" tanong ni Dad.

"Baka nasa Mars. Tss." sabi ko at dumerecho sa kwarto ko. Sumunod si Dad pero nilock ko yung pinto at humiga sa kama ko. Tss, baliw ata yung Maddi na yun. Ba't kaya di niya naisipang sundan ako? Talagang magste-stay siya dun?

"Anak, asan si Maddi?"

"Di ko nga po alam!"

"Nako, alam kong alam mo kung nasaan siya. Sabihin mo na nga Kyle."

Napabuntong hininga ako, "Ano bang mangyayari Dad? Hayaan mo na nga yung babaeng yun!"

"Ano ba Kyle! She's the only way para di mo pakasalan si Cleo. Mas matino si Maddi kay Cleo, nararamdaman ko yun."

"Gutom lang yan Dad. Tss." Ang dami niyang alam, nararamdaman daw. Tss, eh ang weird kaya ni Maddi. -____-

"So itutuloy na yung kasal niyo ni Cleo sa susunod na linggo?"

Napabangon ako, "No way." 

Ayoko ngang magpakasal sa maarteng babaeng yun. Tss. Habol lang naman nun ang kayamanan ng pamilya namin eh. Lahat naman ng babaeng nakakaclose ko, yun ang dahilan. Hay... ewan.. Ayaw ko ng magpakasal kung lahat ng babae ganun >_______<

Mas gugustuhin ko pang maging bakla... dejokelang. -____-

"Oh, ayaw mo naman pala eh. So tell me, where's Maddi?"

Sasabihin ko na nga, "Sa labyrinth, in the middle." 

"What the-- bakit dun mo siya dinala! Maraming insekto dun diba?! At tsaka... ay nako! Paano na lang talaga kung--- Kyle!"

"I don't care, puntahan mo siya kung gusto mo." sabi ko at tinakpan na lang ng unan ang ulo ko. Narinig kong umalis na si Dad. Paikot-ikot lang ako sa kama ko, hindi ako mapakali, nakatingin lang ako sa kisame, ano ba 'to, bangag na ata ako eh -_____-

May kumatok sa pinto ko, nahulog ako sa kama dahil sa gulat, "Aray.. Bakit?!"

"Prince Kyle, hapunan na raw po." sabi nung maid namin.

"Sige, papunta na ako." sabi ko at lumabas na rin ilang minuto makalipas ang pag-alis ng maid namin.

Pagdating sa dining hall, nakita ko si Dad na may sobrang lapad na ngiti. Parang kakasinghot lang ng drugs eh. XD

"Dad, what's with the smile?"

"Wala lang, upo ka na." sabi niya at tinuro pa yung upuan ko. Seriously, sinaniban ba ng kung ano si Dad? Ibang iba yung asta niya sa akin ngayon -_____-

"Si ano...?"

"Sino?" 

"Wala. Nevermind." sabi ko and I stared out at space. Napansin kong napatayo si Dad at ngumiti siya ng mas malapad, tipong hanggang langit ang ngiti, "Maddi." 

Napalingon ako sa direksyon na tinitignan ni Dad, nanlaki yung mata ko, pati ako ay napatayo na rin, "Wow.." bulong ko.

Papalapit sa amin si Maddi, naka-dress siya. I know that dress, that's one of the dresses my Mom used to wear. And bagay sa kanya, she somehow reminds me of my mother. Namiss ko tuloy siya lalo... hay...

Past, Present, and Future (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon