Chapter 13:

809 38 16
                                    

Ako ang master ngayon, pero bakit ganito. -_____-

“Wag yan! Masyadong maikli!”

“anong maikli? Konti lang kaya yan!” sabi sakin ni Krios

“konti?! oo nga! Konti lang yung tela! Sa tingin mo ba magsusuot ako ng isang dangkal na palda?” kadiri yung pinapasuot niya sakin -.-

“ano masama ditto?! Maganda naman legs mo! makinis, walang peklat at masarap tignan!” oh pervert alert. Ang landi talaga ng asong to. Aso kasi bitch. LOL

“manyak ka talaga! Badtrip! Basta ayoko niyan!” sigaw ko tapos lumapit ako dun sa mga damit at namili.

“Miss, kukunin naming to, pati ito. Isama mo na rin tong tube” sabi niya, sabay bigay lahat ng damit

“bahala ka! Hindi ko babayaran yan!” nakakairita, kala ko pa naman, maeenjoy ko tong pamimili, tapos siya pa din pala nasusunod.

“I have my credit card babe. Tsaka sabi ko naman sayo ako sagot sa make over mo e” nakangiting demonyo. Arggggggggggh

“kung gusto mo talaga niyan, ikaw na magsuot! Letche!” lumabas na ako sa boutique. Hindi na rin naman ako ang nasusunod, sumama pa ako.

“oy! Oy! Dito tayo!”  hinila niya ako, ay mali,kaladkad pala. Ako ang master na kinakaladkad. Kaladkaring master? Kawawa naman ako.

“bat ba sinama mo pa ako, e ikaw lang din naman namimili!” maktol ko sa kanya

“para.. uhm. Ano, para wala lang, HAHAHAHAHAHA. Para maasar ka? Pwede na ba yun?” mamatay na siya.

“san ba kasi tayo pupunta?”

“pupunta tayo sa magpapaganda sayo at magpapakita ng ganda mo. pikit ka na. malapit na tayo.” E si akong uto uto, pumikit para mabilis na matapos at makaalis na.

Grabe, sakit na ng paa ko! Pinagsuot pa niya ako ng tsinelas lang. para daw mahanginan paa ko. Lagi daw kasi ako nakarubbershoes. Tapos tapos, ang sikip ng damit ko. Damit ko pa to noong HS e. pinasuot niya sakin kesa daw yung maluluwag.

“wag ka muna mumulat! Pagbilang ko tatlo! Tsaka ka palang mumulat aa..1…2…3”mulat naman, pagbigyan na, uupakan ko to mamaya e.

Hindi ko naman akalain na pagmulat ko, mamumula din mukha ko.

“Atheng, ano gusto mo? itong de-string? Itong may laces or itong t-Back?” sabi niya ng tuwang tuwa, habang iwinawagayway sa harap ko yung mga panty.

“kung ako papipiliin, itong de storing at tback nalang. De string para mabilis matanggal, Tback para bakat yung pwet mo. Hot nun! Tignan lang natin kung di tumulo laway ni Marius sayo” sabi niya pa ng nagmamalaki

“e kung ipalunok ko kaya sayo lahat yang hawak mo?! wala ka talagang alam kundi puro kamyakan ano? Nakakadiri ka talaga, ewan ko sayo.” Sabi ko habang nakatalikod sa kanya at talak ako ng talak.

“Atheng,  ano sukat ng boobs mo?” sabi niya pagharap ko sa kanya, hindi pala niya ako pinapakinggan.

“KRIOOOOOOOOS!” sigaw ko na namumula. Nakakahiya talaga to!

“bat baa yaw mo sabihin?! Gusto mo sukatin ko para sayo?” sabi niya habang nilalapit yung kamay niya

“grabe ka! 34B! nakuha mo na, ilayo mo na yang kamay mo!” sigaw ko

“sayang, kala ko pa naman, mahihipo ko na. pero not bad. May ibubuga ka din pala” sabi niya.

“Miss, we will take this” sabay abot nung mga undies na binili niyapati na din yung credit card

“My gahd! Ano bang parusa to! Nauubos dugo ko sa kahihiyan!” bulong ko sa sarili ko.

“let’s go!” sabi niya.

Oh well, good thing, siya nagbibitbit ng mga pinamili niya. May natitira pa palang kabutihan sa dibdib niyang may muscle.

“Krios, tama na muna. Gutom na ako.” Sabi ko. Kumakalam na sikmura ko.

“Osiya, tara, kain tayo ng waffles” sabay punta sa waffle stand

“Waffle lang?! Gutom na gutom na ako! -.- kanin naman tayo!” maktol  ko. Grabe, san aabot yung waffle sa lalamunan lang yun!

“OO na! lalaki kasi lalo bill ko e!” sabi niya. HAHAHAHAHA

Buti nga sayo, sa ganyan nalang ako gaganti, uubos ko pera mo! MWAHAHAHAHAHAHA

“ditto tayo sa Mang Inasal! Para mura at pang masa” sabi niya. Mautak din pala tong utak bisugo na to.

So, libre na niya, tatanggi pa ba ako sa grasya? HAHAHHA. Di na uy!

*End of POV*

*Krios’ POV*

Natatawa ako kay Athena, wala siyang magawa sa mga gusto ko.

Pero pinipili ko lang naman yung mga bagay sa kanya. Para naman magkaroon na to ng karanasan.

Ewan ko ba, kapag  kasama ko tong si Athena, nagiging normal ako. Yung tipong di ko nakailangan magpasikat at nagagawa ko lahat ng gusto ko.

Advantage siguro na magbestfriend kami.

At speaking of bestfriend. Ito siya kumakain este lumalamon sa harap ko.

“Athena, wala na bang mas lalala diyan sa ginagawa mo?” tanong ko lang naman

“ba-kit?!” tanong niya habang natalsik yung kanin. Kadiri talaga tong babae na to.

“yuck! Ayusing mo nga sarili mo. tsaka ibaba mo yang paa mo! hindi tinataas yan sa pagkain.” Nakakahiya na, kapag may napasok, napapatingin sila samin,  syempre bukod sa gwapo ako, si Athena tinititigan nila.

“ah. Eh Krios, pwede ba ako magkamay?” sabi niya sakin, habang hawak hawak niya yung chicken.

“pwede.” Sabi ko, ano pa ba maggawa ko. Hawak na niya. Nanggigitata na sa mantika yung mga daliri niya. -.-

“yes!” nakakatuwa siyang tignan, parang bata lang e. anlaki niya para maging bata! Nakakahiya na minsan. Pero nakakatuwa. Nababaliw na ata ako.

“Uy! Pinayagan na kita magkamay, kaya pwede ba ibaba mo na yang paa mo, nakapalda ka pa naman” bulong ko lang.

“Ano ka ba?! nakacycling kaya ako. Tignan mo pa!” sabay taas ng palda niya.

Come on! Kahit lalaki ako, hindi ako naapektuhan e. nahiya ako. Badtrip!

“ibaba mo nga yan! Wag mong itataas yan sa harap ng lalaki” sabi ko ng pabulong

“duh! Kakilala naman kita! Tsaka wala ka nga makikita diyan!” sabi pa niya

“arte mo! mas lalaki pa ako sayo e!” sunod pa niya

Ewan ko ba ditto! Ano ba gagawin ko ditto?! Leche. Napapahiya ako e. pati pangalan ko nadudungisan sa mga kapalpakan nito.

Wala na akong ginawa, kundi manahimik at din a ako nagsalita. Baka magkagulo lang kami. Tae. Mahaba habang pagshoshopping pa to. Patay ka sakin mamaya Athena! HAHAHAHAAHAHAHAHAHA

*****************************

New Update!

Like. Vote and Comment!

Thanks ;)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's something and She's nothing...Where stories live. Discover now