Chapter 9:

893 43 10
                                    

“ARAAAAAAAAAAAYY!” jusko po! Papatayin niyo ba ako sa kamay ng babaeng to! Ang dami ko pang pangarap sa buhay! Gusto ko pa magka-anak, pamilya at gusto ko pa magbuhay binata! Ang dami ko pang gusto mangyari sa bu-

“ang OA mo aa!” sabi sakin ng mamamatay tao na to!

“ouch! Ang sakit! Dahandahan naman! OY!” sabi ko! SADISTA to! PROMISE! Ang sakit sakit! Ang diin niya maglagay ng gamut

“e paano ka gagaling niyan?! Dapat ilagay ko yung gamot sa loob, kaya pwede?! Tiis naman diyan!” sabi niya sakin, may point siya, pero

“t*ng ina! Ang sakit! Ganyan ba talaga yan?! Ha?! Marunong ka ba talaga?!” sigaw ko sa kanya. Ang sakit talaga, kasalanan naman niya to, kung hindi ba naman inapakan yung paa ko, lumubog siguro yung kuko sa laman, buti nalang hindi namatay kuko ko sa paa, dumugo lang

“arte mo!oh! ikaw na! bahala ka diyan!” sigaw niya sakin, sabay bato ng bulak na may ALCOHOL!

Hinabol ko siya gamit yung isang paa ko..

Tumatalon talon ako..

“HO-HOY! Lumapit ka ditto, ikaw may atraso ka pa sakin aa!” sigaw ko sa kanya…

“ang arte mo! bahala ka diyan!” sabi niya sabay pumasok sa loob ng banyo

“HOY! Lumabas ka diyan! ” sigaw ko, habang kinakatok ko yung pinto.

(End of POV)

***

(Athena’s POV)

LECHE!

Ang sakit makasigaw ng kulugong yun! Kala mo naman pinapatay, e sa nililinis ko lang naman yung sugat niya e! ako na nga concern, siya pa nasigaw!

“HOY! Labas sabi e!” sabi niya habang binubugbog yung pinto

Kawawang pinto, walang kamalay malay, masisira, subukan lang niya wasakin yan, babasagin ko bungo niya!

“ano ba?! labas na! Athena! Siryoso na ako!” sabi niya

“CHE! E ano naman kung siryoso ka na?! sino ba nakikipagbiruan ?! galit na din ako, galit na ako sa kaartehan mo! BADING!” sabi ko, actually, nagddrama lang ako e, bat may lumabas na bading?!

Pero pwede na din. HAHAHAHA.  Pangasar lang

“BADING?! Sino bading?!may masabi lang aa, o baka naman gusto mo lang ako maangkin!” sabi niya

Sh*t! ang kapal ng apog ng lalaking to!

“sabi na! may gusto ka sakin!” sabi niya sa labas

ARRRRRRRRGGGGGHHHHHHHHH!

HABANG SINASABI NIYA YUN,  NAIISIP KO SIYANG TUMATALON SA SAYA!

Yung ngiti niyang parang demonyo na nakakalaglag ng underwear!

“HAYOP KA! Kapal mo din noh!” sigaw ko habang nakaupo sa bowl

Oo na! ako na nakaupo! Naglalabas lang ng sama ng loob!

Naparami yung kinain ko kanina!

“WWWWWOOOOOOOOOOOO!! May gusto sakin si Athena! HAHAHAHAHAHA” sabi niya sa labas..

“pwede ba?! manahimik ka! Hindi ako makapagconcentrate!” sigaw ko, taeng tae yan! Ang kulit ng bubwit na to! Hindi ko tuloy macontrol kung ilang chakra ilalabas ko.

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Dapat sinabi mo kanina pa! para hindi na kita kinulit! Bilisan mo aa!” sabi niya sakin

Paano ko sasabihin?!

Nakakahiya kaya yun!

Pero no choice, anong pang silbi? E natatanggal naman talaga hiya ko sa katawan ko kapag kasama tong ulupong na to!

So, back to my business, nagconcentrate na ako sa ginawa kong ritual…

RITUAL NG PAGLALABAS NG SAMA NG LOOB!

(End of POV)

***

(Krios’s POV)

Dami kong tawa e!

So, kung ako iniisip niyang tumatae kanina, ayun naman ginagawa niya ngayon?!

BWAHAHAHAHAHA

HAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYY!

Umupo na ako sa sofa nila at kinuha yung remote!

Binuksan yung TV at nanuod ng AMAYA!

Joke lang, SABADO po ngayon, kaya walang AMAYA, tsaka hindi pa ako nalilito sa timeline ko, kahit iloang chapters na at ilang linggo na ang nagdaan ng simulan ko ang Sabado sa kwentong to. Tsk.

Nanuod nalang ako ng Jessica Soho…

Hindi na ata tumanda tong reporter na to, pero astig ng itsura niya, ang talino ng dating…

*brrrrrrrrrrrrrrrrrrrttttttt* (vibration yan guys! HAHAHAHA)

Cindy Calling…

Tsk. Ano naman ba tinatawag tawag nito?!

Hinintay kong magsawa tumawag, hindi ko sinagot yung una niyang call pati pangalawa at pangatlo…

Well, as you all know, Coindy is so persistent, kaya naman sinagot ko na yung panglima niyang tawag…

“yow!” sabi ko sa kabilang linya, nakakatamad naman kasi kausap to, puro pacute lang, ang saya ko pa naman ngayon,  AYOKO NG SPOILER..

“cindz???hello??andiyan ka pa ba?” sabi ko, walang nasagot e…

Tae! Bigla akong natense…

Malabo naman atang tatawag siya ng madaming beses para lang hindi sumagot!

SHOOT!

Baka may nangyari sa kanya!

“cindz, hindi ako nagjojoke aa, seryoso,  pupuntahan kita diyan sa dorm mo kapag hindi ka pa sumagot!” sabi ko sa kanya, baka naman jinojoke time lang ako nito

“HELLO?! Hoy!” sigaw ko, wala pa din..

Dali dali akong tumayo, sinuot yung tsinelas at kumuha ng papel at ballpen…

Okay?!

Tense ako ngayon, paano kung may mangyari dun?!

E kargo ko yun, ako huling tinawagan e..

Makita pa ng mga pulis, gawin pa akong suspek!

TAE!

Ayoko pang makulong!

Author's Note:

PAsensya na kung maikli, PROMISE, babawi ako sa next update! sana ivote niyo at ilike pa din, akhit maikli! SALAMAT!

He's something and She's nothing...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon