PARA SA LAHAT. (On Going)

158 2 0
                                    

Para sa mga taong nang-iwan at naiwan,

Para sa mga nakalimot at nakalimutan,

Para sa mga nag-paraya at mga dinaya,

Para sa mga bumitaw na at naka-kapit pa rin,

Para sa mga taong naghahanap ng sagot,

Para sa mga taong patuloy pa ring nasasaktan,

Para sa lahat ng mga sinaktan at nasaktan... Ito ang kwentong para sa lahat, sa mga naghahanap ng sagot sa mga tanong na nananatili sa mga isip at hindi makahanap ng butas para maipahayag at maiparating sa dapat nitong kahinatnan...

PARA SA LAHAT. :')

O N E

*kriiiiiing* 

"Ayan na! Naku po. jusko. Tumunog na yung alarm clock. Wala akong ibang choice kundi tumayo, magbihis at maghanda na dahil FIRST DAY OF SCHOOL na!!" *Sigh*

Hindi naman sa ayokong pumasok. hindi rin naman sa tinatamad ako. Isa lang yung rason. Natatakot lang ako sa mga pwedeng mangyari. Sa mga pwede kong maging ka-klase. Anws, ako nga Pala si Febby Angelica D. Reyes. Isang transferee student sa Isang University dito sa Baguio. I transfered kasi nalipat yung papa ko ng work. BEED talaga ang gusto kong course. Pero dahil gusto ng Mama kong mag-take ako ng course na naiiba, kumuha ako ng BSPharma.

Kinakabahan ako ng sobra kasi una, hindi ako taga dito. Bago lahat ng nandito para sa akin. Pangalawa, kinakabahan lang talaga ako.

Unang araw ng school. Halo-halong thought yubg nasa isip ko. Halo-halong emosyon.

Dahil may dalawa akong HS Friends na dun din nag-aaral sa school na lilipatan ko, sasabit lang ako sa kanila. hindi ko alam kung hanggang kailan pero kailangan talaga ngayon, matawagan ko na sila...

*kriiiiiing*

"Hello?" Margaux-kaibigan ko. Mukhang boses kagigising.

"Hello Margaux! Ano? Ready ka na ba?"

Maingay kong sinabi.

"Ano? Uhm. Hindi pa. Ano ba naman Febby. Masyado pang maaga. Pipila ka rin lang ng mahaba don eh."

"Hay nako Margaux! Tumayo ka na diyan at mag-ready. Okay? 7:00 sharp. Magkita tayo sa McDo Bonifacio. Okay? Get up! Tatawagan ko lang si Francesca. See you! Mwaa!" Francesca-isa pang HS friend ko. Ganyan ko lang kausapin si Marga (as I often call her)

*kriiiing* "Hello? Hello Cesca?" Pasigaw kong sabi.

"Oh? Hello?! Febby! Great! I'm about to call you. Ready ka na? Haha. excited na ako!" yan si Cesca. Kabaliktaran ni Marga. Si Ces, palaging handa. Mabilis kumilos. Si Marga, ayun. basta. kabaliktaran siya ni Ces.

"Uy Ces! Haha. Medyo. Kakain pa lang ako. Ang hirap gumalaw eh. Malamig kasi."

"Hay nako Febb. Masanay ka na. Lalo pa sa Ber months."

Nakakapanibago. ibang iba kasi talaga yung klima dito compared sa manila. sa manila kasi, may hangin man na dumampi sayo, mainit pa rin. Dito? Kahit mataas na ang sikat ng araw, malamig pa rin yung hangin. Lalo na ngayon, August. Syempre palapit na yung Ber months. Mas malamig nanaman at mas mahihirapan akong gumalaw, lalo na si Marga.

"Ces. Ano, anong room kayo? San building niyo? Nakita mo ba kung anong room ko? Grabe. Nakaka kaba na nakaka excite. Ihatid niyo muna ako bago kayo pumasok ha? Baka maligaw ako eh. Alam niyo na, taga baba."

"Wala pa Febb. Relax lang. Okay? Sasamahan ka namin. Iihahatid ka namin. Basta. Treat mo kami ng lunch ha? Hahaha! Kidding. Oh, siya sige. Magt-tooth brush pako. Kita na lang tayo mamaya. McDo Bonifacio. Text me. Okay? Mwaaa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PARA SA LAHAT. (On Going)Where stories live. Discover now