Chapter 16

330 2 0
                                    

Malaya ang pakiramdam. Malayo sa problema. Sa sakit. Sa katotohanan. Masaya na kahit papano na naiibsan ang sakit. Masaya?

Masaya nga ba talaga ako? O pilit na nagsasaya-sayahan para pagtakpan ang katotohanan na kahit saan ako pumunta dala-dala ko parin ang mga alaala nya? Na kahit saan pa ako dalhin ng mga paa ko mananatili syang nakabaon sa puso at isip ko?

Siguro nga this is for the best. Pinapahirapan kolang ang sarili ko. Pati ibang tao nadadamay narin.  Kelangan korin lumayo para makapag isip. Magpatawad para lubusang maging masaya. Ang ginawa kong pag alis habang nasa trabaho sya ang unang hakbang.

Kung mawawala ako baka sakali maghilom ang lahat ng sugat ng bawat isa. Hindi korin makalimutan ang nangyari bago ako umalis pabalik papuntang america.

6 Months Ago

Hindi kona hinintay si Nikos at pasimple akong umalis na hindi nagpapaalam. Dahil marunong naman ako mag drive kaya derederecho lang ako sa bahay.

Pagkapark ng kotse tutuloy sana ako sa loob nang makita ko ang isang kotse na hindi pamilyar. Kanina kaya? Babae nya?

Stop it Tati! You don't even  know everything about him.!

Baka isa lang sa mga kotse nya. Pero ang alam ko nasa parking ng kompanya nya ang lahat ng kotseng hindi nya ginagamit? Hay! Is just a car for pete's sake! Hayaan konalang. Pagod ako at kailangan ko nang magpahinga.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad saakin  ang nakangiting babae at lalaki na kailanman hindi ko makakalimutan.  Matagal na panahon kong hindi nakita ang mga eto. Sa ilang taon kong pamamalagi sa ibang bansa halos nakalimutan ko narin ang mukha ng mga eto.

Biglang umasim ang mukha ko. At alam kong nakikita nila ang galit kong hitsura habang derecho ang mga matang nakatingin sakanila. 

" Iha,  kumusta kana? ", malamlam ang mga mata ng matandang babae nang magsalita. Habang ang matandang lalaki ay matamang nakatingin din sakin na may lungkot sa mga mata. Did I see tears in them? O please don't get too affected,  Tatianna.

" You've grown into beautiful lady. You and Carrie looked so much alike", komento ng matandang lalaki habang nagpupunas ng mga luha.

Kinapa ko sa damdamin ko kung meron parin galit sa puso ko. Nasurpresa ako dahil wala na yong dating galit na kinikimkim ko ng ilang taon. Napatawad kona sila. Siguro nga matagal na, ayaw kolang aminin sa sarili ko dahil may gusto akong patunayan, yon ay ang makita korin silang nagdurusa, gusto ko silang makonsensya. Maramdaman nila ang naramdaman ko nang parehong mamatay ang mga magulang ko dahil sa pagkamakasarili nila. 

Dahil sakanila hindi kona kasama ang Mommy at Daddy ko. Nawala sila sa isang iglap. Pati ang graduation ko na maituturing isa sa masasayang alaala ko ay naging bangungot. Natrauma sa pangyayaring hindi ko inasahan na magiging dahilan ng kalbaryo ko sa buhay.

Tatalikuran ko sana ang mga eto pero natigilan ako sa sumunod na sinabi ng mga eto.

" Nagpakamatay ang Papa mo dahil nalulong sya sa bisyo. Nagkaroon ng malaking utang  at dahil walang wala din kami nang mga panahong  iyon dahil pinapagamot kopa si Alejandro ay wala kaming nagawa", paglalahad nang matandang babae. Nagpupunas eto ng luha na animoy parang namatayan ng isang malapit na kamag anak.

" Hindi kami pinayagan ng kompanya na mag loan dahil malaki ang balance namin. Nung humingi ng tulong ang mommy mo samin naghahanap din kami ng magpapahiram samin ng pera dahil kailangan maoperahan ni Alejandro. Nagalit sya samin pero wala kaming magawa. Pareho kaming nangangailangan ng panahong iyon", anya ni Alejandro, ang daddy  ni Nikos.





























My Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now