Chapter 1

38 3 0
                                    

*titiwt* .....*titiwt*

Hay... yan ang pinaka-ayaw kong tunog sa tuwing sasapit ang 7:00.

Ang tunog ng nambubuysit na alarm clock at ang mahirap pa doon, kahit na anong pilit kong pag-abot sa may button sa taas ng alarm clock, hindi pa rin ito tumitigil.

"AHHH AHHH, Oo na, buysit, oo na, maliligo na!"

Habang nasa C.R hindi ko pa trip maligo. Masyadong malamig ang tubig kaya ibubuhos ko muna ito sa paanan ko.

araw-araw na ganito ang nangyayari sa buhay ko sa tuwing sasapit ang 7:00 ng umaga.

Pagtapos ko maligo, saktong 7:30 na ang oras kung saan kailangan ko nang i-fast forward ang lahat ng kilos ko at i-focus ang lahat ng isip ko sa pagpili ng mga medyas ko.

At pagtapos kong makabihis titingin muna ako sa picture nina mama at papa tsaka aalis.

"Aalis na po ako."

Sa ganitong rutin umiikot ang lahat.

Habang naglalakad ako, kinakain ko yung toast bread na almusal ko at yung hot choco na nabili ko sa isang fast food.

*beeb* *beeb* biglang busina ng kotse.

"Ahh!" Anubayan!

"Salamat ah."

Natapon lang naman kasi yung pinakamamahal kong toast bread at yung hot choco ko.

Dahil di ako nakapag-almusal, inaantok pa tuloy ako.

Teka... Anong oras na nga ba?

Pagtingin ko sa relo 8:00 na.

"AHHH!!! LATE NA AKO!!!"

Bagamat ilang metro na lang yung layo ng gate ng school namen, at tanaw na tanaw ko na sya,  tinakbo ko pa rin yung pasarang gate at sa kabutihang palad eh umabot naman ako.

"Haah.... hehehehe.... hindi na ako magpapalate."

Isang buong linggo na rin kasi ako nalalate sa school namen at pag nalate ka kailangan mo pang matapos yung isang subject para makapasok ka.

Pagpasok ko sa lobby pumunta na ako sa locker namen para magpalit ng sapatos.

Pero nung pagbukas ko sa locker ko biglang may tumalsik na kulay pulang likido sa akin.

Paghawak ko isang paint pala at mukang alam ko kung sino yung maygawa nito, at parating na sila.

isa to sa pinaka ayaw kong routine sa buong maghapon ng buhay ko.

"Hehehehe anung nangyari sa mukha mo, loser? Hehehehe..."

Nakakabad trip talaga ang mayayabang sa mundong 'to! Pero wala akong magagawa pag pinatulan ko sila. Pwedeng mawala yung scholarship ko kaya wala akong nagagawa tuwing inaapi nila ako kundi titigan na lang sila ng masama. 

"Ano loser boy, papalag kana?!" sabi ng yellow ang buhok.

"Baka naman papalag na yan!" sabat naman ng isa na mukang matsing.

"Aay hindi, hindi, ... baka naman, MAY BINABALAK YAN SA TIN?! "sabat nung malaki yung ilong.

Pagkatapos sabay sabay silang tumawa ng malakas.

Si Tiyago ang yellow ang buhok. Si Tiyago ang anak ng may - ari ng school.

Si Lestlie naman yung mukhang matsing. Siya naman yung anak nung stock holder ng sikat na pagawaan ng chocolate sa Pilipinas.

At si Tom naman yung malaki yung ilong. Siya naman yung anak ng nakaimbento ng larong loopy birds.

"Pre ayoko ng gulo. Kahit away ayoko." sabi ko.

Student From Room 405Donde viven las historias. Descúbrelo ahora