Epilogue

545 24 46
                                    

On the way kami ngayon ni Xavier sa Makati para pumunta sa office ng abogado ni Iago. Hindi ko alam kung bakit, pero kanina habang papunta ako sa school ni Xavier para sunduin siya, nakatanggap ako ng tawag mula sa abogado at sinabi niyang may pahabol pa raw sa last will and testament ni Iago.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Namimiss ko si Iago. At araw araw lalo ko siyang namimiss. Pero iniiwasan kong malungkot dahil alam kong ayaw niyang makita akong hindi "Happy".

Nakapasok na kami sa opisina ni Atty. Melendrez at pinaupo niya ako.

"Para sa inyo Mrs. Navarro" may inabot siyang sobre sa'kin at sabay explain ng tiningnan ko siyang nagtataka "Special request ni Mr. Navarro na ibigay ko yan sa iyo isang taon pagkawala niya."

"Ano ho ang laman nito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po alam. Ibinigay niya yan sa akin ng nakasobre na." pagpapaliwanag niya.

Saglit ko munang tinitigan ang sobre at nagpaalam na maya maya "Sige po. Maraming salamat attorney. Mauuna na kami."

Hanggang sa makasakay kami ng kotse ng anak ko, ramdam ko pa rin ang panlalamig ng kamay ko. Si Iago talaga.

It's been a year since Iago...left.

He went eight months after Xavier's fifth birthday. It was a lovely morning and I usually wake him up with kisses. But that day, He just slept. </3

We were expecting it, we knew he'll go anytime but knowing what would hit me didn't lessen the pain. Oh well, ayoko ng ielaborate pa. What's important is that he was happy and we love each other.

Napatingin ako sa sobre at sa anak ko na natutulog sa tabi ko. He's a spitting image of my husband. Sa pagdaan ng araw nakikita ko si Iago sa kanya. Hindi ko na rin muna inalam ang laman ng sobre, mamaya na lang sa bahay.

Pagdating sa bahay dumerecho na ako sa kwarto buhat si Xavier. Nang maihiga ko na siya sa kama, umupo ako at binuksan ang sobra.

Isang sulat at susi ang laman.

Happy,

  This is the key to my heart. lol, just kidding. You already have it a long time ago. This key is for the vault behind our wedding picture. Sorry if I kept it hidden. I'm saving the right time for it. I love you babe.

                                                                               Iago

Napangiti ako habang tumutulo ang luha ko. Grabe talaga ang lalaking to, ang dami daming pakulo. Lalo ko tuloy siyang namimiss. :'(

Tiningnan ko muna ang picture namin na nakasabit sa dingding bago nilapitan. Tinanggal ko yung malaking frame at nakita ko na yung vault. Binuksan ko na gamit ang susi at pagbukas ko, lalo akong naiyak sa nakita ko.

Nandun yung mga letters namin sa isa't isa noong nagmigrate sila sa states. Nandun yung unang movie ticket namin. Nandun pati unang "wedding rings" namin. Unang picture ni Xavier na nasa sinapupunan ko pa. Lahat ng firsts namin nandoon. Pati first ever mittens ni Xavier. Nandoon pati yung rose na bigay niya nung sumulpot siya sa debut ko. Hindi talaga naubusan ng 'surpises' si Iago. Haay. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang luha ko bago kinuha yung mini box na hindi ko alam kung ano ang laman.

Pagbukas ko nakita ko na dalawang CD yung laman, isang nakapangalan Happy at isang Xavier.

Grabe talaga si Iago, hanggang ngayon may paraan siya para mapasaya kami. Nalulungkot lang ako dahil sobrang namimiss ko na siya.

Lumapit ako sa TV at pinlay yung CD.

Hi Babe. Nakita kong kumaway siya sa video at nagflying kiss.

Somebody Else's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon