Twenty Four

385 11 2
                                    

Gooooood Morning Sunshine

Umaga na naman. Hay, buong araw ko na namang iisipin kung anong gagawin kay Iago at sa sarili ko. Sa aming dalawa particularly.

It's been three long months since I got back in Manila. Umpisa na rin ng klase at ng training ko sa kompanya. But I don't know, I've been feeling so empty lately. I'm so bum. I feel bum and uninspired and losing the drive to feel happy or even have fun. Miss na miss ko na siya pero tinitiis ko, kung hindi ba naman ako isang hangal. I don't even know what's stopping me from giving him that chance. Maybe myself is stopping me. Labo!

Bumangon na ako para naligo, kumain at magprepare sa pagpasok. Mamaya na ako mag iisip, may long quiz pa kami sa Calculus at walang pumapasok sa utak ko. Ugh.

Pasakay na ako ng kotse ng tumunog ang phone ko.

*beeep*

From: Iago

Goodmorning Happy :)

Today's the 98th day since you talked to me and I hope this is the last. I miss you terribly and I'm tired of seeing you from afar. I just  want you to keep in mind that I love you and it's not gonna change no matter how long you think about us. I love you.

Everyday he sends me messages. Goodmorning, goodnight and lots of how are you messages and they're like tiny erasers slowly taking the pain away. But I don't know, di ko pa rin alam ano irereply. But this time I tried.

Good morning too. I'm sorry it's taking too long. I..I just..

Masyadong play safe. Hay, pinindot ko yung Delete

Good morning Iago. I hope you're fine. :)

I feel bad about myself.yun lang yung nasabi ko? Ugh I feel like an awful person. Noon inaasam ko na sana mahal niya ako tapos ngayon na nakuha ko na yung gusto ko, tinataboy ko lang. :(

Sumakay na ako sa kotse at nagdrive papuntang school. Nakasalubong ko si Sandy kaya sabay na kaming nagpunta sa locker.

Pagbukas ko ng locker may nalaglag na bouquet ng tulips :-/ favorite ko.

"Wow. Tulips. Grabe naman yan, araw araw na may flowers sa locker mo." Sabi ni Sandy.

Kinuha ko yung flower at binasa yung note na naka-attach. Ang nakalagay lang Just one more shot.

"Pagbigyan mo na kasi." napalingon lang ako sa sinabi niya, di ko napansin na nabasa niya rin pala.

"I don't know Sandy, I'm a mess." sabi ko na lang sa kanya at ipinasok ulit yung flower sa locker. Mamayang paguwi ko na lang kukunin.

"I know you are. Malay mo siya pala ang makakaayos sayo. Your holding the pain you shoul've let go. Wala ng dahilan para masaktan ka pero pinipilit mo sa sarili mo na meron pa. hay nako."

"Bahala na nga." nasabi ko na lang dahil malapit na ako sa classroom. Nag-goodbye na ako kay Sandy at pumasok.

Dumaan ang isang araw na wala akong pakealam sa kung anong nangyari sa paligid. Pagkatapos ng bawat klase sa library lang ako tumatambay at nagsosoundtrip. Hindi ako masyadong sumasama kanila Sandy dahil uulanin lang ako ng tanong ng mga yun. Okay na si Sandy at Waki. Si Lucas at Cindy masaya. Samantalang ako miserable dahil din sa kagagawan ko. Siguro masokista lang ako, pwede naman ako maging masaya pero ang hilig ko magdrama.

Actually wala na akong next class at 5pm na rin pero nandito pa rin ako sa Library. Mga thirty minutes na rin akong nagmumuni muni ng magvibrate ang phone ko.

Somebody Else's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon