The Kill

75 3 1
                                    

"Look in my eyes
You're killing me, killing me
All I wanted was you."

- The Kill, 30 Seconds to Mars

Written by: mnlwrites

------

You and Dei are now friends on Facebook.

Finally.

Finally, you accepted my friend request on Facebook. Akala ko hindi mo na ako mapapansin dahil sa dami ng friend requests mo. I know how busy you are with your acads and extracurricular activities kaya thank you at pinansin mo ako kahit dito man lang sa Facebook. Paano ba kita kakausapin, Dei? Paano ko ba masasabi sayo yung nararamdaman ko? Hindi mo nga ako kilala.


You liked Dei Mendoza's album.

Ang ganda mo talaga, Dei. Alam kong araw-araw naman kitang nakikita sa school pero iba parin kapag merong picture na pwedeng i-save tuwing magpo-post ka. Dei, napapansin mo ba ako? Nakita mo na kaya ako? Kapag ba lumapit ako sayo, papansinin mo ba ako?

Hello, Dei. Ako pala si Alden. Ako si Alden at matagal na kitang gusto.

Hello.


You liked Dei Mendoza's status.

I'm so proud of you, Dei. Wow, Dean's Lister! Alam ko naman na kaya mong pagsabayin ang acads at ang pagiging student council president mo. Tuwang tuwa ako nung nakita ko yung announcement sa bulletin board, lalapitan sana kita kanina pero naunahan na ako ng mga kaibigan mo. Dei, may tanong ako. Sino si Richard? Bakit lagi mo syang kasama sa cafeteria at lagi din syang nagla-like ng mga status mo?


Dei Mendoza liked your comment.

Putangina.

Putanginaaaaaaa.

Ni-like mo ang comment ko, Dei! Napansin mo narin ako! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, pakiramdam ko kaya kong tumalon galing sa rooftop ng La Salle tapos buhay parin ako afterwards. Dei, kanina nginitian mo ako sa hallway, halos mahimatay ako sa sobrang kilig. Pwede pala yun ano? Totoo pala na maraming nagagawa ang isang ngiti. Salamat, Dei.


Dei Mendoza liked your photo.

You. Liked. My. Photo.

You fucking liked my photo!

Putangina Dei Mendoza, kung pwede lang kitang halikan ngayon gagawin ko. As in ngayon na.

Oh. Wait.

Nila-like mo pala lahat ng repost pictures for your school projects. Sino nga naman ba ako para i-like mo yung picture ko. I-like mo nga kaya yung picture ko kung kilala mo na ako in person?


You are now connected on Messenger.

Naglakas akong mag-message sayo, Dei. Bahala na si Batman, si Ironman o yung Buddha sa Binondo. Hindi ko na matiis yung nararamdaman ko. Masaya ako na sumagot ka, Dei. Hindi mo lang alam, nakascreenshot lahat ng mga sinabi mo sa akin tapos paulit-ulit kong binabasa. Pero Dei, my sweet Dei, mapapatawad mo ba ako? Hindi ako ang nasa picture, Dei. Hindi rin Benjie ang pangalan ko.

Dei, ako si Alden. Magugustuhan mo ba ako kung aamin ako sayo? At saka Dei, bakit kayo magka-holding hands ni Richard papasok ng McDo nung nakaraang araw?

Rockiversaryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن