22 War

20.7K 543 20
                                    


.......
The tragedy of life is not death,
But what we let die inside of us...
While we live.
~Norman Cousins
.........

Hunter POV

Maya't maya kong inaayos ang kurbata ko. Hindi ko alam bakit effort na effort ako samantalang isa lang naman akong panakip butas ng babae. Napailing na lang ako ng maisip na ang pinakamamahaling Armani suit ko pa ang isinuot ko.

Am I trying to impress a woman who is clearly unaffected by me?! Useless effort!

"Hunter, kanina ka pa?" Anas ng pamilyar na tinig kaya napatunghay ako sa pagkakaupo ko sa lobby ng condominium ni Hannah.

I can't help the admiration I felt when I finally saw her. She's wearing a black longsleeves gown that hugs her body like second skin. Her waist are peeking through the bold cut and her long shapely legs shows at her every step. My hand itches to touch those naked waist. Tumayo ako at ibinulsa ko ang kamay ko, baka nga bigla ko na lang mahawakan inappropriately ang babae. Her looks disturbed my insides and especially my lower part.

This is bad! Her looks is bad for my self-control.

"Ah... no. Kakadating ko lang din. You look gorgeous!" Puri ko sa dalaga sabay nginitian ko siya ng ubod tamis. But Hannah didn't even smile back as she looked more sad than when she asked me to be her date.

What's with her now?!

"Thanks, Let's go? Malayo pa kasi ang pupuntahan natin." Walang emosyong anito.

"Alright. Saan ba tayo?" Nagtatakang aniko habang sinusundan ang babae palabas ng building.

"Laguna." Maikling anito na ikinatampal ko ng noo.

Here I go again with agreeing without even asking where. Damn! Magda-drive nanaman ako ng malayo!

"Laguna!? Akala ko ba taga- Rizal kayo?" Kunot-noong tanong ko sa babae.

"Taga doon kasi si Marcus." Sagot ni Hannah sabay sakay sa binukas kong pinto ng kotse ko.

"And who is Marcus?" Mas lumalim ang kunot ng aking noo sa dalaga ng makaupo ako sa driver's seat.

"You already met him. Dina's fiance." Maikling sagot ni Hannah pero napansin ko ang paglungkot ng mata ni Hannah at ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Itinuro lang ni Hannah ang daan papuntang Pangil, Laguna kung saan daw gaganapin ang engagement party.

Makalipas ang tatlong oras ay nakarating din kami sa isang anchestral house na hindi rin kaliitan. Sa garden ang party na may mga nagkalat na ilaw at bulaklak. My mga tall round tables din at stool seats para sa mga bisitang mahilig makipagsiesta habang may pa-ikot-ikot na waiter na may mga dalang drinks. Naka abrisiete sa akin ang dalaga na kaagad ay umabot ng champagne sa nag-iikot na waiter.

Nagpakita kami sa magulang ni Hannah na tuwang-tuwa na nakita akong muli. Pagkatapos ay agad din akong hinatak ni Hannah sa may made up bar sa gilid. At doon kami naupo.

"Let's just be out of my family's sight. I don't want their attention." Ani ni Hannah sabay order ng hard drinks sa bartender doon.

"Why would we be? I thought this is your sister's engagement party?" Nagtatakang tanong ko sa dalaga na nagpout lang at inisang tungga ang baso ng vodka niya. Hindi na niya ako sinagot at animo'y may hinahanap ang kanyang mga mata.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now