[GMARTL27]

3.7K 151 96
                                    

[GMARTL27]

Jessie’s POV

May narinig akong ugong ng tumigil na sasakyan sa labas, tumakbo agad ako sa bintana para lamang madismaya. Bumalik ulit ako sa kinalalagyan ng telepono na maghapon ko ng tinititigan.

“O, sino 'yon?” tanong ni Ate Mylene na lumabas mula sa kuwarto nila. May hawak siyang palanggana na kinalalagyan ng labahin. Kami lang dalawa sa bahay kasi nagtrabaho ang asawa nya.

“Wala, Ate,” bumuntong-hininga ako.

“Kanina ka pa pabalik balik sa bintana, ah,” puna nya sakin.

Talaga naman. Kanina pa ako patakbo takbo sa bintana sa pagbabakasakaling makikita ko si Geoff.  Oo, si Geoff, si Geoff na walang pakealam sa akin, si Geoff na kalandian ni Angelie, si Geoff na nagyayang magpakasal sa akin at si Geoff na di na nagpaparamdam for two weeks! 

“Puntahan mo na lang kasi. Naku.”

“Ayaw, ate.”

“Sige ka, walang kasal na magaganap pagkalipas ng isang buwan at dalawang lingo. Tss. Bahala ka nga jan.”

Umalis na si ate papunta sa likod bahay.

“Ahhh. Naman kasi! Brrr.” Napalo ko tuloy ang mesa na kinalalagyan ng telepono. At dinala ko sa labi ko yung nasaktan na daliri ko.

♪♪♪It’s a problem free

Philosophy!

Hakuna matata....

Awooooo!♪♪♪

“Ringtone ko yun ah!” tumakbo agad ako sa kwarto ko kung saan naroon ang cellphone ko.

Tumama pa nga ang tuhod ko sa gilid ng kama kaya napalugmok ako. pakapa ko na lang kinuha yung phone ko sa taas ng kama.

“Hello? Aray... pssh...”

Walang sumasagot.

“Hello... yuhooo?”

Tahimik pa rin.

“Hoy ikaw ha!” perv-rt! Murain ko na to eh! Di pa rin sumasagot. Tanging ‘bzzzzz’ lang ang naririnig ko.

“Isa, sasagot ka hindi?” tinignan ko ang screen ng phone, unregistered number naman. Sino kaya tong loko lokong to?

In-off ko na lang.

Tumawag na naman ang loko.

“Ano ba?” asar na talaga ako.

“Jessica!”

Eh? “Who you po?” text lang?

“Si Peter to. Hehe. Bat mo naman ako binabaan?”

“Eh paano, niloloko mo ako! Psh. Kelangan? Dali! Busy ako,” tinignan ko ang mga daliri ko. As if I'm really busy.

Narinig kong exaggerated syang bumuga ng hangin. “Busy daw. Saan naman? Sa paghihintay kay Geoff?”

“At paano mo nalaman aber?!”

“Eh wala ka kasing mahihintay. Hahaha.”

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon