[GMARTL6]

2.9K 115 21
                                    

[GMARTL6]

Jessie’s POV

Huminga ako ng malalim habang nakamasid kay Mylene.

“Wow, ang lalim nun ah, nakakalunod.”

Walang ganang tinapunan ko ng tingin si Geoff na nagbabasa ng magazine at tumingin uli ako sa natutulog kong kapatid, confirmed, 4 months na nga syang buntis. Ugh! so ibig sabihin, 4 months na rin akong comatose! “Salamat nga pala, pre,” sabi ko kay Geoff.

“Don’t mind it,” sagot nya.

Sya kasi pumilit sa management ng hospital na magpasok pa ng isang hospital bed gayong hindi maaari iyon. 

Gumalaw yung kamay ni Mylene, “pre, nagkakamalay na sya.”

“Hmmm,” si Mylene habang pinipilig yung ulo nya.

“Miss, okay ka na?” agad na tumayo si Geoff.

“S-sino ka ba?”

“Geoff.  I’m your sisters keeper.”

Sus tong si Geoff, inulit lang yong sinabi kanina eh. Nambobo lang teh?

Bumangon si Mylene, “Mister, wag kang magbiro ng ganyan, andito ang kapatid ko oh.... walang malay... Alam mo ba ang ibig sabihin ng comatose? Hindi gising... Hindi makatayo... Naiintindihan mo na?”

Hayah! Yan ang kapatid ko!

Tumingin sa kin si Geoff na parang humihingi ng tulong.... Mukhang mawawalan na rin sya ng pasensya... “Sabihin mo na namatay si papa noong bata pa kami....”

“Namatay ang papa nyo nung bata pa kayo,” sunod ni Geoff.

Tumaas ang isang kilay ni Mylene...

“Sabihin mo na sumunod si mama...” sabi ko ulit.

“Sumunod ang mama nyo.”

Dalawang kilay na ang itinaas ni Mylene.

“Errr... Ano pa ba...” nag-iisip pa ako... “Ah! Alam ko na! Sabihin mong kahiga pa naming matulog yung mga manikang niregalo ni mama noon!”

“Katabi pa rin daw ninyo yung mga manikang bigay ng mama nyo noon.” Hala, last chance na yun!

Sinapo ni Mylene yung noo nya, napaupo sya sa hospital bed "ko", “Mababaliw na yata ako...”

“Naniniwala ka na?” may pag-asam sa mga mata namin ni Geoff.

Tumingin ng diretso si Mylene kay Geoff, “Di kaya boyfriend ka nya?”

-lunok lunok-

“Ah, hayaan mo na nga iyon. Si Jimmy nga pala ang huling boyfriend nya na dahilan kung bakit sya nasa ospital ngaun...” tinignan ni Mylene yung katawan ko.

-hinga ng maluwag-

Tumahimik saglit nang may pumasok na lalake at yinakap si Mylene.

“Ahy,” sigh, “ang sweet sweet... Ang swerte naman ng kapatid ko.” Di ko napigilang sabihin.. Napatingin sa kin si Geoff. Bakit madilim ang mukha nya? DeAdma!

“Okay ka lang ba, ha?” tanong ng lalake na may genuine na pag-aalala sa mukha..

Ngumiti ang kapatid ko, “okay lang ako, Bernard, thanks to Mister Geoff, friend ni Jess,” iminuwestra nya si Geoff.

Nagpasalamatan lang sila at nagpaalam na si Geoff sa dalawa.

Naglalakad na kami papuntang parking lot.

“Geoff!”

Pareho pa kaming napalingon. nakita naming papalapit ang isang napakagandang babae. Pamilyar sa kin ah!

“Mitchie...” usal ni Geoff.

Ayown! Si Mitchie pala, yung babae dun sa picture na nasa library... nilapat ko yung kamay ko dun sa tapat ng puso ni Geoff... bumibilis yung tibok ng puso nya.. abnormal yata tong lalakeng to e! ang sama ng tingin na binigay nya sa kin kaya tinanggal ko din agad yung kamay ko at minasdan yung si Mitchie...

“Musta na? Long time no see ah,” bati na Mitchie, “Sinong binibisita mo sa loob?”

“Ahmm...”

“Hoy! Bat wala masabi, pre? Go! Hina naman tong manok ko,” cheer ko..

“Ano? Kaanu-ano mo?” si Mitchie.

“Ahm, girlfriend ko, comatose e. Ikaw?”

“Wha-wha-wha-what?! Ulol! 'Nong pinagsasasabi mo?! Bawiin mo yun! Di ka pa nanliligaw ah!” sigaw ko kay Geoff pero dine-deadma lang nya ako. Kung nakikita lang sana ako ni Mitchie. Tch.

“Ah, ganun ba... binisita ko lang yung kaibigan ko...”  may nasense akong hurt sa boses ni Mitchie... ganun din naman kay Geoff.

“Sige, bye,” tumalikod na si Geoff kay Mitchie.

“Hoyst babae, alam ko namang nangangati ka ng malaman kung ano ang totoo, hawakan mo si Mitchie, dali!”

Ting! Si Peter!

Patalikod na si Mitchie pero nahagingan ko pa yung braso nya.

 ***

“Oh! I have good news to you, honey!” masayang anunsyo ni Mitchie kay Geoff habang nasa garden sila ng bahay ng lalake.

“I also have something to tell you,” masayang ganti din ni Geoff sa babae.

“Okay, you first...”

Kumuha muna ng bwelo si Geoff bago iniluhod yung isang tuhod nya sa lupa at inilabas nya yong box na pinakatago tago nya mula pa nung dumating si Mitchie... “Mitch, isang taon na tayo, and here i am.... asking for your hand... will you marry me?” pag-asa ang nasa mga mata ni Geoff habang hinihintay ang sagot ni Mitchie.

Sa pagkadismaya ni Geoff, umiling iling si Mitchie, “Geoff... I’m.... I’m sorry... I’m suppose to tell you that i have been accepted as a model in New York.. Dalawang taon din yung kontrata... Geoff, im willing to marry you but you... We... have to wait for 2 years, eh? You can wait for me, right?”

Tunganga lang si Geoff... Lumung lumong tumayo sya... “Kung papipiliin ba kita, saan ka pupunta??”

“Geoff... this is my ambition... kinabukasan ko to..”

“Paano naman ang kinabukasan natin? I guess you just gave me your answer...”

***

Napasinghap ako .. Kaya naman pala importante si Mitchie kay Geoff... Muntik na pala silang ikasal... 

Pero wait... Astig! Nakikita ko ang mga nangyari na? “Lupet nito, Peter! Salamat!”

***

Author: Sana mabasa niyo rin yung tungkol kina Peter at keh *toot* LOL. Yung external link.

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon