Chapter 40 BestFriend's Rivalry

1.5K 22 2
                                    

REIGN'S POV

sabado ngayon.. hahaha.. bilis lang ng araw.. ang daming nangyari sa 2nd week ng pasukan.. imagine?? first 2 weeks palang yun ah?? 

nakapasok ako sa isang prestigious school... 

nakakilala ng bandang puro kgwapuhan ang dala.. naman!! pero siyempre talented din naman..

tapos torn between two lovers ako.. hahaha.. chos!  ASSUMERA.. 

ewan ko pero gusto ko si Jean pero mahal ko si Clyde!? wAAAAhhhh!! 

baliw na ako... sana hindi nalang nangyari lahat to eh.. 

ikaw nga makakilala ng isang bakulaw na ubod ng sama ng ugali pero bigla mong marerealize inlove ka na?? PBB Teens lang? kainis! parang kelan lang inis na inis ako sakaniya .. yung talaga nagpapalpitate na ako sa galit sakniya.. tapos ngayon?? nagpapalpitate nga ako.. hindi naman na ako galit sakniya.. ewan!!

alam niyo ba kung anung nangyari sa buong week na yun?

*flashback*

hindi ako nakapasok ng monday dahil nga pinagstay ako sa ospital sunday night.. pero lumabas naman ako kinaumagahan ng monday pero pinagstay ako nila mom sa bahay lang.. 

so nakapasok na ako ng tuesday.. dumiretso muna akong office para ibigay ang medical certificate ko para excuse ako sa absence ko sa lahat ng subject ko kahapon...

pero natapos ang buong araw ko ng hindi ko nakikita sila mich.. pati sila jean wala.. absent ba silang lahat?? silang lahat talaga??  pati si clyde?? bakit?? anong meron?? 

loko yung mga yun! hindi man lang ako kinamusta?? 

pssh!!

makauwi na nga lang... kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ako ng room.. last subject ko na yun eh.. pagkalabas ko ng room..

"siya ba yun?" g1

"oo.. siya nga yun..ang pangit naman pala.." g2

"grabe.. ang kapal ng mukha niyang pagawayin ang magbestfriend..." g3

teka nga.. teka lang.. nagbubulungan ba tong mga to o nagpaparinig..?? tumigil ako sa paglalakad at nilingon sila.. 

"oh.. anong tinitingin tingin mo jan??" sabi nung g1.. kulot na maputi ang mukha maitim naman ang leeg.. psh.. aba't ako pa ang masama ngayon?

"ako ba'ng pinaparinggan niyo?" tanung ko..

"ahy.. tinamaan ka ba??" yung nasa gitna.. so i must say siya si g2.. ano bang problema ng mga to?? di ko naman sila kilala ah..

"ahh.. hindi naman.. akala ko kasi may nakaharang na salamin sa pagitan natin.." palaban ako noh.. psh.. lalo na pag alam kong wala naman akong kasalanan..

"ang yabang mo rin noh?? ang kapal talaga ng mukha?? tinuhog mo yung magbestfriend at ngayon nagaaway pero parang wala lang sayo??" g3... i can't describe her.. she's just so.... ugly! haha..

"ano bang pinagsasabi niyo jan hah??" ako

naguguluhan na ako eh.. ako?? makapal ang mukha?? eh hello!! ano pang tawag sa mukha nila?? psh! edi nakailang ulit na ako ng "kapal" nun?

"nagmamaang maangan ka pa.. akala mo naman ang ganda ganda mo..." g2.. siguro ito yung leader.. sabunutan ko na kaya to..

"pwede bang maghanap kayo ng ibang mapagtritripan?? hindi ko alam kung anung sinasabi niyo.." sabi ko tapos tumalikod na.. mga bwiset.. mga walang magawa..

palaban man ako.. hindi naman ako pumapatol sa mabababa ang level.. 

kaso hindi pa ako nakakahakbang palayo saknila hinila na nila ako paharap.. ang higpit ng mga hawak nila sa braso ko.. adik ba sila?? anu bang hanap ng mga to? away?? tsk!! 

The more you hate, The more you love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon